Buong November ay naging abala kami sa acads at pagsasaayos ng final touches sa debut ko. Hindi kami masyadong nagkita ni Ophi dahil busy din siya sa training at since college na siya ay madami silang ginagawa.
Mabuti na lang na sa araw ng debut ko ay Christmas break na. Naibigay ko na kay mama ang 18 roses, 18 candles, 18, treasures, at iba pang 18 lists sa debut ko.
"How about you, Sadie? What do you want?" Sabrina was smiling sweetly when she asked me that.
"Frappe," I smiled a bit.
Tumayo siya at nag-order, naiwan kami ni Theo sa table. When I looked at him, he was watching Sabrina. Nag-iwas ako ng tingin at inilipat sa invitation card na nasa loob ng handbag ko.
Mamaya na lang.
Nang makabalik si Sabrina sa tabi ni Theo ay nakangiti na naman siya. Nag-uusap sila doon at wala ako sa mood makisali kaya nanahimik na lang ako.
"How's training?" She asked Theo.
Theo shrugged. "Good."
"Bakit sa Dasma pa kayo nagt-training? Pwede naman sa campus, ah? Para less hassle." Kunot-noong tanong ni Sabrina.
"Trip," Theo chuckled.
"No, I heard from Kyle na may inaayos daw sa field."
Aah, schoolmate pala sila. I wonder kung sinong mutual friend ang naging way sa blind date namin dati.
I smiled bitterly. Sana all nagwowork. They are already one month dating. Di ko nga alam kung sila na ba o ano. Hindi ko naman tinatanong at noong minsang nagtanong ako, Theo didn't answer me directly. Wala ding update sa social media dahil di ko naman sila fina-follow pareho.
Maya-maya lang ay dumating na din yung order. "Thanks."
Pinaglalaruan ko lang yung drink sa harap ko habang nag-uusap sila. Hindi naman din ako maka-relate dahil about UPD yung topic nila, kaya kahit gusto kong makinig, nalunod na lang ako sa sariling pag-iisip.
"Kailan laban niyo? Sana nandito pa kami para makapanood ako," nakangusong pagsasalita ni Sabrina. "Sayang naman kasi yung libreng ticket na binigay mo."
That caught my attention. This year ba ang laban nila? Kaya pala tutok sila sa training.
"December 5. Pretty sure you're still here," Theo replied cooly.
Natigilan ako.
Woah, great! Just great!
"Ate wants to meet you," he told Sabrina. "After the game."
"Really?" Namula ang pisngi ni Sabrina.
Punyeta, laging third wheel ang ganap ko, ah.
"Oh! By the way," Theo turned to me and handed me something. "I got you a free tix. I'm expecting you, Sadie."
I stared at the ticket he gave me and forced a smile. "Yeah, sure!"
Parehas silang napatingin sa akin nang tumayo ako.
"Uuwi na ako."
Theo got his car key. "Hatid na kita."
"Huwag na."
"Bakit?"
I smiled. "Kaya ko na."
***
"Ang tanga mo, couz! So tanga! Ugh!"Binato ko siya ng unan kaya napatigil siya at umupo sa dulo ng kama. Sinamaan niya ako ng tingin na parang nakagawa ako ng isang malaking krimen.
"Anong kaya mo na? Tignan mo muntik ka pa tuloy ma-holdap!" Inis na sigaw niya sa akin.

YOU ARE READING
marked
Teen Fictionsadie, a girl who's been in love with cute things once needed a 'bucket list buddy' who will accompany her for accomplishing her list. and then she met theo, a womanizer. 𝚂𝚝𝚊𝚛𝚝𝚎𝚍: 04062020 𝙵𝚒𝚗𝚒𝚜𝚑𝚎𝚍: xx xx xxxx 𝙻𝚊𝚗𝚐𝚞𝚊𝚐𝚎: Tagalo...