"SIMON, PAANO NA YUNG JAMON?! HUH?!"
Napahalakhak ako matapos itanong yon nang sabay nina Alexis at Shena. Gigil na gigil sila pareho. Kulang na lang ay kurutin nila ng matindi si Simon e.
"The hell with JaMon?" Tumatawang tanong ni Simon.
Huminto siya sa pags-strum ng gitara at inilapag iyon sa lap niya. Nandito kami ngayon sa Amphi at may vacant kami na two hours dahil may meeting ang lahat ng teacher. Madami-dami ding ibang estudyante ang nagkalat sa paligid.
"Pero seryoso," natawa ako kay Alexis dahil pinipilit niya talaga na magseryoso. "Kayo na ni Megan?"
Tumingin sa akin si Simon kaya nag-peace sign ako sa kaniya. Malay ko ba na sikreto yon?
"I was forced——"
"You could've declined that!"
Simon laughed out loud. "What are you up to?"
"My ship . . ." Shena feigned sobbing. "My ship, Simon! My ship is sinking! Alam mo ba kung gaano kasakit?!"
Lalo akong napahalakhak sa kalokohan nila. I tapped her back, riding with her trip.
"I understand you, Shin," I told her. "Hush, honey."
"Awwwww," Shena reacted and hugged me.
"Simon, paano na si Janella?!" Kunwaring galit na sigaw ni Alexis sa kaniya. Inalog-alog niya pa si Simon na dahilan ng paglakas ng tawa namin. "You told me you like her!"
"Darn, wala akong sinasabi!" Itinaas niya pareho ang kamay.
"Weh?" Panunukso namin sa kaniya.
Napansin ko ang pagseryoso niya saglit pero tumawa din ulit agad. Loko talaga.
"There's someone I really like." He stated, shrugging and looking far away.
"Si Janella nga!"
"No, not her." Tawa niya pa.
Tumaas ang kilay ko nang tumingin siya sa akin. "Kilala ko?!"
Paulit-ulit siyang tumango. "Yup."
My eyes widened. "OH MY GHAD!"
Pinag-initan naman ako nila Alexis at ako ang kinulit. "Sino?!"
Ngumiwi ako at umiling. "Di ko alam." Bumaling ako kay Simon. "Si, sino?"
"Sikretong malupet," nakakaasar ang tono niya.
Nag-asaran pa kami doon saglit bago bumalik sa pagja-jamming. Ako at si Simon ang nag-gigitara. Salitan kami ni Shena sa pagkanta at maya-maya'y nagsasabay. Si Alexis, wala. Sa sayaw siya malakas. Pero may times na nakikigulo siya sa pagkanta hanggang sa sumisigaw na lang kami doon.
"I miss V-Vince . . ." Mahinang sabi ni Alexis habang naka-cling sa braso ko.
Umalis saglit si Simon para bumili ng snacks. Kaming tatlo lang ang naiwan.
Tinusok-tusok ko ang tagiliran niya at inasar siya. "Ikaw ah!"
AAAA KINIKILIG AKOOO!
Alexis and Vince started as worst enemies, until now. Pero ramdam ko na may something dito kay Alexis. Napapansin ko dahil madalas kaming magkasama. Ewan ko lang kay Vince. Madaming chix yon e.
"Sadie naman," nakangusong sabi ni Alexis. "I just need someone to tell. Ang hirap kasi kimkimin."
"This means?!" Kinikilig na intriga ni Shena.
"You like him, Xis?"
Dahan-dahan siyang tumango kaya napatili kami nang tuluyan ni Shena. "Uhm, oo. D-Don't tell anyone."
YOU ARE READING
marked
Teen Fictionsadie, a girl who's been in love with cute things once needed a 'bucket list buddy' who will accompany her for accomplishing her list. and then she met theo, a womanizer. 𝚂𝚝𝚊𝚛𝚝𝚎𝚍: 04062020 𝙵𝚒𝚗𝚒𝚜𝚑𝚎𝚍: xx xx xxxx 𝙻𝚊𝚗𝚐𝚞𝚊𝚐𝚎: Tagalo...