marked 09

36 2 9
                                    

True to what he told me earlier, nandito nga sa activity na to ang halos kalahati ng nasa bucket list ko. Minamadali niya ba? Ewan. Natapos na namin before lunch ang zipline, trampoline, nakapaglaro na din kami ng paintball after lunch at kung ano-ano pa. 30 of my lists have been marked today. Madadagdagan pa yun mamaya pag may hot coal na ta's blind date pa.

5 pm when the sun was already setting, nakaupo ang ilang participants sa sahig o kung saan man, yung iba nakatayo, nakatungtong sa mga equips o ano. Ako nakaupo sa lupa, nakasandal sa nakatumbang malaking punong kahoy. Si Theo, nakasandal sa monkey bar. Nagpapahinga kami dahil katatapos lang ng sack race namin kanina, kaisa-isang labanan ng blue at red team. I and Theo both belong to red, yeah we won.

Ang sarap ng simoy ng hangin at yung kalangitan, napakaganda. Twilight. Nakakatuwa din panoorin yung masayang pamilya na nagkukulitan ngayon sa harap ko. Meron namang magbabarkada sa tabi nila na nagja-jamming. Naalala ko tuloy sila Alexis. Ano kayang ginagawa nila ngayong walang pasok? Hindi na kami masyadong nakakapag-bond. Yung kahapon kasi dinitch nila ako. Wala man lang explanation. I am not mad though. I just want to know the reason.

"Did you have fun, baby?"

Wala sa sariling napa-angat ang tingin ko sa mga katabi ko. Ay, couple. Nakasandal din yung lalaki sa sinasandalan ko pero nakatayo siya ta's nakasandal naman yung babae sa kaniya, magkayakap sila. Ta's ang saya saya. Nakapatong pa yung chin ng guy sa balikat ng babae. Aww. So sweet of you kuya.

Hindi ko namalayan na nakangiti pala ako habang pinapanood sila. Kasi naman! Marahang nilingon ng babae yung lalaki tas hinalikan niya sa lips ta's sabay silang ngumiti.

"Of course," the girl was smiling sweetly. "Thank you."

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila at ibinalik sa pamilya sa harap ko. Hindi maiwasang mahagip ng tingin ko si Theo na katabi lang din nila kaya sa kaniya ko na itinuon yung atensyon ko. He was busy with his camera. Na-mention niya sa akin kanina na mahilig siyang kumuha ng mga litrato lalo na ng nature. Kanina ko pa din napapansin na panay ang capture niya sa munting kagubatan sa paligid namin.

Sumulyap ulit ako sa couple na katabi ko at nakita na ang sweet pa din ng posisyon nila. Dumampot ako ng maliit na bato at binato yon kay Theo para maagaw ang atensyon niya. Tumaas ang tingin niya mula sa camera patungo sa akin.

"What?"

Inginuso ko yung couple at yung camera niya sa pasimpleng paraan. Nag-gets naman agad niya yun at tumango siya. Pero nagulat ako nang itutok niya yung camera sa langit. Umiirap akong pumunta sa tabi niya kaya napatingin siya sa akin.

"I said take a photo of them," mahinang bulong ko at pasimpleng tumingin don sa couple.

He nodded. "Yeah."

"Ba't di mo kuhanan?"

"Tapos na, kanina pa," nakangising sagot niya.

"Edi ikaw na."

Nang tuluyang magdilim, nagkaroon ng bonfire. Sa tapat non, nakalatag ang hot coals, the last activity for today. Sapilitan to. Everyone in the place was required to take the challenge except of course for the kids. Walang nakakaalam na required to kaya ganon na lang ang kaba ng karamihan. As for me, slightly nervous. Ineexpect na din kasi namin to ng kasama ko pero di pa din maiwasang kabahan. Mainit yun e. Nagbababaga.

Isa't kalahating metro din yata ang haba ng nakalatag na coal na yun. Dama talaga ang init. Pinigilan kong tumawa ng malakas habang pinapanood yung mga sumasalang don. Ang e-epic ng mga itsura nila. LOL. Napabungisngis na lang ako ng mahina sa pwesto ko. Yung iba nakaka-survive but most of us gave up. And surely, I am not one of those who gave up.

markedWhere stories live. Discover now