marked 14

36 2 4
                                    

"Oh, diba?! Ang taray!" Alexis giggled. "Sana all!"

Lumapit naman sa amin sila Janella at Shena para tignan ang kinakikiligan namin. Impit na tumili si Shena habang ngumiti naman si Janella.

I followed him back. Kapal ko naman kung hindi. Haler! Theo Fournier yon ta's finallow ako? Wow lang, Sadie.

Ganoon din si Twitter at in-add niya pa ako sa Facebook. I followed him back again and accepted his request. Hindi na ako nagtaka kung paano niya nalaman ang mga username ko dahil puro @sadie lang naman iyon.

Bumaba kami para mag-breakfast. I found out that they weren't still eating their breakfast, dumiretso agad sila dito para maabutan akong tulog. Mga loko. Pagkatapos kumain ay magkasama kaming pumunta ni kuya sa office ni mama dito sa bahay. Kumatok muna kami bago pumasok.

Naabutan namin siya na busy sa laptop. Mayroong Chuckie sa table niya. I bit my lower lip to suppress a smile.

"Ma, we're going——"

"Go," she cut me off without looking at me.

Nagkatinginan kami ni kuya bago lumabas. Wala si papa at hindi ko alam kung nasaan siya. Alam ko na alam ni kuya pero hindi ko na tinanong. In no time, nakasakay na kami sa seven seater SUV na dala ni Vince.

"Say So!" Sigaw ni Janella habang nakaupo sa frontseat.

"How Deep is Your Love!" Pakikipagtalo ni Shena.

"WANNABE!" Alexis, at the back, protested.

"Chevy Cruze!" Sigaw din ni Simon na katabi ko.

"Watch Me!" Vince, the driver, shouted.

I rolled my eyes. Nagtatalo sila kung ano ang patutugtugin. Kung ako yan e puro IVOS ang patutugtugin ko. Si Kuya ay nasa likod, katabi ni Alexis, natutulog. Puyat na puyat, eh?

"Sadie, ano?" Vince glanced at me through the rearview mirror. "What do you think?"

"Bakit ako?" Aba, idadamay pa nila ako.

"Watch Me, Say So, WANNABE, How Deep is Your Love, Chevy Cruze."

Napalingon kami kay kuya na nakapikit pa din. Pinagsunod-sunod niya lang naman yung mga patutugtugin para di na sila magtalo-talo. Yun nga ang sinunod. Ang ingay naming lahat habang pinapatugtog yung Watch Me. Kung hindi lang nagda-drive si Vince ay malamang sumabay na siya sa amin sa pagsayaw.

"Now watch me whip! Kill it! Watch me nae nae!"

Nang Say So na, pinangunahan ni Janella ang pagsayaw.

"No punches left to roll with!" Kanta namin.

Lumipas pa ang mga minuto at napagod din kami. Now playing, Chevy Cruze. Sakto, chill lang.

Nang makadating kami sa Postema na hindi naman ganoon kalayo, pinangunahan ni kuya ang pagpunta sa reception at pagbabayad. Ngayon ko lang napagtanto,

"Where's the food?!" I unconsciously screamed.

Nagkatinginan sila. Napakamot sa ulo si Vince.

"Tsh, oo nga pala. Mag-ooder na lang ako." Sabi niya at bumalik sa sasakyan.

"Yan kasi, tatanga-tanga," pagpaparinig ni Alexis.

Hindi ko na pinakinggan ang pagtatalo nila, sumunod na agad ako kay Shena papasok. Kaunti lang ang tao! Feel ko tuloy exclusive ito! LOL.

Nilagay lang namin ang mga gamit sa kaniya-kaniyang kwarto saka sila nagbihis bago muling lumabas at humanap ng cottage. Napili namin ang Baño de Oro kung tawagin. It was a wide space cottage with a lot of tables and two floors. Sa harap non ang kiddie pool na may statue pa na maliit, mukhang fountain. May mga tao din sa ibang table pero may kalayuan sa amin.

markedWhere stories live. Discover now