CHAPTER 1
CARLA P.O.V
"Boss! Goodmorning!" Bati sa akin ng isang tambay.
Dito ako nakatira sa iskwater area.
Dito na ako lumaki, ang nanay ko ay isang hostess at nabuo ako ng nabutas na condom.
Hindi ko nakilala ang tatay ko habang ang nanay ko naman ay namatay dahil sa sakit sa baga na ang dahilan ay labis na pag-sisigarilyo.
Sampung taon ako nuong naulila at simula ng araw na iyon ay natuto na akong tumayo sa aking sariling mga paa.
Ang tito ko na si Ernesto ang gumabay sa akin. Nagta-trabaho ito sa sabungan na malapit lang din dito.
Nagkaroon ako ng mga kaybigan, iyon nga lang ay puro mga lalaki. Ayoko sa mga babaeng maarte kaya mas pinili kong kaibiganin ang mga lalaki.
Pero dahil puro lalaki ang aking mga kaibigan ay parang pati ang aking puso't isipan ay naging lalaki na din.
Tomboy... Ayan ako pero hindi kinahiya iyon, kahit na kailan ay hindi nakakahiyang mapasali sa LGBT.
At ang pagiging tomboy ko ay mas nakatulong pa para sa akin, madami akong raket katulad ng waiter, karpintero, janitor, pati nga ang pagiging guard ay nagawa ko na din.
Lahat ng iyon ay para sa pang-araw araw kong pamumuhay.
Hindi maasahan ang aking tiyo kapag usapang pera na. Masyado itong kuripot, ang tanging ibinigay niya sa akin ay ang bahay na sa tingin ko ay kasya lang ang isang tao na kung uulan ng malakas ay gigiba na.
Ngayon ay papunta ako sa isa sa mga raket ko, ang pagiging pulis. Well not literally na pulis. Pero mayroon na nag-utos sa akin na hulihin ang kilalang mang-hoholdap dito sa aming lugar.
Pumayag ako dahil 10K daw ang ibibigay sa akin na sweldo kapag nahuki ang mga ito kaya pinatos ko na.
"Goodmorning din sayo tsong!" Bati ko pabalik sa kanya.
Dito sa aming lugar, umaga palang ay marami na ang nag-iinom ng alak. May mga chismosa na naka-upo sa gilid na tila sumasagao agad ng balita.
Hindi din mawawala sa lugar namin ang mga nangbi-BINGO, isa pa natin ang mga lalaking namamakla dahil walang pera. Mga kabataan na sobrang iikli ng mga damit at ang mga nag-aaway.
Hindi mawawala iyan dito sa amin, tipikal na araw ika nga nila.
Sanayan lang sa mga bago at kung maarte ka umalis ka nalang.
Mababait ang mga tao dito kung mabait ka sa kanila, pero kung mayabang ka pasensyahan nalang mga tol, bugbog sarado at sa hospital ang bagsak mo.
"Saan ang punta mo ngayon carl? Bagong raket?" Tanong sa akin ni Samuel. Ang payatot na kaibigan ko.
"Oo tol, malaking kwarta sakto kailangan ko ng pera para may ipanglibre ako kay Riane!" Natatawang sabi ko sabay kuskos ng dalawang kamay.
Carl ang tawag nila sa akin dito dahil kung may marinig akong tumawag sa akin na carla ay tiyak na sabog na mukha ang kalalabasan.
"Ayus carl! Baka naman pwedeng makahingi ng tsibog mamaya?" Sagot nito at natatawa ko naman siyang tinangoan.
"Paano tol, aalis na ako." Sabay tapik sa balikat nito.
Tinuloy ko na ulit ang aking paglalakad ng sumalubong sa akin ang napaka-gandang si riane, ito ang babaeng matagal ko ng gusto.
Mabait itong babae, may pagkamasiyahin at pagkamakulit.