CHAPTER 4
"Sa tingin ko kailangan mong magpakalalaki." Sabi ko sa kanya.
"WHAT?! ARE INSANE?" Gulat na sigaw niya sa akin.
"Tanga ka ba? Kailangan mong magpakalalaki para makalaban ka kung sakali!" Pagpapaintindi ko sa kanya.
"What's your name again?" Out of the blue niyang tanong.
Nagtataka man ay sinagot ko ito.
"Carla pero h'wag mo akong tawagin na ganoon, carlo nalang o carl." Sambit ko.
"Okay listen carl ha? Hindi mo matuturuan ang puso. Kahit anong ipilit mo sa akin kung hindi yon gusto ng puso ko hinding-hindi ko iyon magagawang baguhin. Let me ask you, paano kung utusan o pilitin kita na maging babae papayag ka ba?" Natameme ako sa tanong niya.
Gago din itong baklang toh, tama siya pero hindi ko matanggap.
"Sige! Kahit magpanggap ka nalang muna bilang lalaki kapag kinailangan." Napipilitang sagot ko.
"So, tombits? Ano ng gagawin natin? Like eww hindi ako makahinga dito. ang init at sikip!" Naiiritang sabi nito sa akin.
Parang totoo naman ang mga sinabi niya dahil namumula na ang balat niya.
"Napa-sensitive naman ng balat mo beks! Tara lumabas muna." Wala na akong nagawa kundi ang hayain siyang lumabas dahil baka tuluyan na siyang masuffocate dito sa loob.
"Ipapakilala kita sa mga taga-dito, wag kang mag-alala mababait ang tao dito kung mabait a sa kanila. Para kung sakaling matunton tayo ng gustong kumidnap sayo matutulungan ka ng mga tropa ko." Paliwanag ko at dahimik lang siyang tumatango tango.
"H-hindi nila ako b-bubugbogin?"kinakabahang tanong ni beks.
" hindi! Kung hindi ka maarte!" Wika ko.
Para namang bata itong tumatango tango.
"Verygood!" Sabay gulo ko sa buhok niya.
"Hoy tombits! H'eag mong guluhin ang buhok ko! Mukha na akong chaka!" Sabay ayos niya sa buhok.
Ang arte talaga, hinila ko nalang siya papunta sa grupo nila samuel na nakatambay sa gilid.
"Yo carl! Kamusta rakket?" Tanong agad sa akin ni samuel.
"Ayon kukunin ko nalang mamaya ang kwart!" Masayang pahayag ko.
"Aba ayos! Tiyak na busog ako mamaya!" Masaya din nitong sambit.
"Nga pala ito si ashton bisita ko." Pakilala ko kay beks.
"H-hello." Nauutak niyang bati.
"Hello pare! Aba mukhang bigtime ka? Baka pwedeng makahingi ng pang-chibog?" Pang-uuto ni samuel.
"E kung may kwarta yan baka ako unang manghingi, wala naman! Palamunin din yan!" Gigil na kwento ko.
"Hoy tombits! Sabi ko babayadan kita pagnakauwi na ako! Maghintay ka dodoblehin ko ang bayad ko sayo!" Pasigaw na sabi sa akin ni beks.
"Ayon naman pala carl! Babayadan ka pala, tyagain mo na baka yumaman ka hehehe." Pang-uuto ni samuel pero alam kong hihingi sa akin ng balato ito.
"Mga tropa samahan n'yo si ash minsan ha? Para hindi siya maburyo sa bahay!" Utos ko sa mga tambay at nagsitanguan naman ang nga ito.
"Tara pre! Tagay ka, tapos kwentuhan tayo!" Yaya ni betong sa kanya.
"Sorry dude, hindi ako sanay uminom ng ganyan." Nakangiwing tanggi ni beks.
"Aba! Mukhang laki ka sa yaman ah? Kutis palang pangmayaman na. Baka naman pwede mo kaming ambunan ng grasya mo?" Singit ng isa sa mga tambay.
"Sige kapag okay na ang lahat." Napa-iling ako sa narinig na sagot niya.
Kung alam ko lang, iiwan din kami niyan kapag hindi na kami kailangan. Hmganoon naman takaga ang buhay ngayon, kapag kailangan ka mahalaga ka pero kung wala ng kailangan para ka lang basura sa kanila.
"Oh paano mga tol? Iwan ko muna sa inyo itong bakla ha? Kukunin ko lang yung kwarta ko sa lispu." Paalam ko.
"Sige lang carl, kami ng bahala sa bata mo!" Wika ni samuel kaya umalis na ako.
***
"Tsong! Nasaan na yung kwarta na ibibigay mo sa akin?" Bungad ko sa matabang pulis."Oh! Ito na, tatawagan ka namin kapag may ibibigay kaming bagong raket sayo!" Sabay abot nito ng pera na agad ko namang kinuha.
Kaagad na akong naglakad para makabalik sa aming kugar, hindi naman ito nagtagal dahil nakarating agad ako.
Nasa bungad palang ako ay kita ko na sila samuel at ibang tao, nagkukumpol sila sa isang lugra at iniikotan si beks.
Dali-dali akong tumakbo dahil baka kung ano na ang nangyari pero mukhang kabaliktaram iyon,
Kita ko ang masayang pagkukwentuhan ng aking mga kapitbahay at ni beks.
"Anong meron?" Tanong ko.
"Aba! Carlo hindi mo naman sinabi na may gwapo at mabait ka palang bisita e, natutuwa kaming kausapin siya." Sabi ni aling kaye.
"Oo nga ang bagooo yiiieeehh!" Parang kiti kiting singit ni kate.
Tss! Malandi talaga ang babae na ito!
"Oo nga hihihi i-ilang taon ka na ulit?" Kaagad na sumama ang mukha ko ng makilala kung sinong tao ang nagsabi non.
Si riane! At mukhang may gusto ito kay beks.
Agad kong sinamaan ng tingin si ashton na nakatingin sa akin ngayon, napalunok naman ito at pinag-pawisan.
"A-anong ginawa ko sayo?" Kinakabahang tanong nito.
"Tara na! Umuwi na tayo!" Inis kong aya sabay hila sa kanya.
"ANG KJ MONAMAN CARLA!" Narinig kong sigaw ni riane kaya mas nairita ako.
Pagkadating namin sa bahay ay padabog ko itong binuksan at padabog din akong umupo.
"Ano bang problema mo ghorl?" Maarteng tanong niya.
"Gago ka! Bakit mo nilandi si riane? Akin yon ha?" Gigil na tanong ko.
Nanlalaki ang mata naman niya na napatingin sa akin sabay turo sa kanyang sarili.
"T-teka ako? N-nilalandi si-sino? Ha! Yuck tombits! Kaderder ka!" Sabay tulak sa mukha ko.
"Ano ba! Totoo naman, umalis lang ako saglit tapos sinulot mo na yung syota ko!" Akusa ko sa kanya kahit na ang totoo ay hindi ko ito syota.
"Beh kadiri ka! Babae ako okay? Eww di ako papatol sa kauri ko!" Wika niya.
Tinitigan ko siya at nakipagtitigan din siya sa akin.
Ilang minuto na ang nakakalipas pero ganoon pa din ang aming ginagawa, pero ang ipinagtataka ko ay parang unti-unting lumalapit ang mukha nito aa akin.
"Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong ko sabay tulak sa mukha niyang malapit na sa akin.
"H-ha?" Iyon nalang ang nasagot niya.
"Hakdog! Basta huwag mo ng kakausapin o lalandiin si riane okay? Matutulog lang ako!" Sabay alis ko.
Ewan ko pero parang nailang ako bigla dahil sa ginawa niyang oaglapit ng kanyang mukha sa akin.