CHAPTER 12
NAKARATING na kami sa bahay nila na sobra talagang namiss ko. Biruin mo kasi libre ang tulog may conditioner pa yung malamig? Tapos libre chibogay sweldo ba aba tiba tiba ako dito.
Si beks lang naman ang iniintay ko na lumapit sa akin.
"Kaloka ka! Paimportante masyado." Sabi niya sa akin kaya natawa ako.
Kala mo naman ayaw talaga sa akin e siya pa nga ang pumunta sa lugar namin para lang pabalikin ako.
"Talaga ba? Sige okay lang naman aalis nalang ulit ako." Pang-aasar ko at akmang lalabas ng sabunutan ako nito. Hindi naman masakit dahil mahina lang parang birong sabunot ganon.
"Chaka mo ghorl ibalik na natin mga damit mo." Sabi nito at hinila ako papasok sa kwarto na ginamit ko noon.
"May tanong ako beks." Sabi ko sa kanya dahil nagtataka talaga ako.
Tumingin ito sa akin habang bitbit ang ibang bag na dala ko.
"Ano yun?" Mataray nitong tanong.
"Paano kapag nalaman ng daddt mo na ano ka alam mo na. Anong gagawin mo?" Tanong ko dahil hindi ko talaga maisip ang gagawin nito.
Magtititili? Magmamakaawa?
"Edi sasabihin ko ang totoo." Simpleng sagot nito na parang wala lang.
"Hindi ka matatakot? Paano kung magalit?" Tanong ko ulit.
"Kung magagalit si daddy okay lang tatanggapin ko atleast nalaman na niya ang sikreto ko. Matagal ko na naman talagang gustong sabihin ang kaso natatakot ako." Lintaya niya kaya napatango tango ako.
Hindi talaga maiiwasang matakot sa mga ganitong sitwasyon pero kailangan mo ng lakas ng loob at tiwala.
"Ang galing naman ni bakla." Pang-aasar ko para gumaan naman ang lugar.
Masyado kasing madrama dito ngayon at ayoko non. Pareho kami ng kasapi ng LGBT at naiintindihan ko siya kung natatakot siya. Ang pinakaiba lang naman namin ay ako alam ng lahat na ganito ako peronsiya hindi alam ng tatay niya.
"Maka bakla ka naman, tomboy ka naman!" Asar niyang wika kaya natawa ako.
"Bilisan mo na beks ilagay mo na ang mga gamit ko sa aparador." Utos ko sa kaniya at nahiga sa napakalambot na kama.
"Hindi mo ako tutulungan?" Rinig kong atungal niya kaya nilingon ko siya at nginisian.
"Mukhang nakakalimutan mo ang usapan natin beks." Nakangisi kong paalala sa kanya kaya napasimangot ito.
"Simula na agad?" Reklamo niya at dali-dali akong tumango tango.
Nakapikit ako ngayon at natahimik si bakla, halos ilang minuto na din ang nakakalipas pero wala pa din akong naririnig na maski isang salita dito.
Kaya naman nagtaka ako at na-kuryoso kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mata.
Halos lumuha ang aking mata at halos tumakbo ang aking kaluluwa ng makita ko si beks na sobrang lapit ng mukha sa akin.
"Hoy! Ano ba? Umalis ka nga sa ibabaw ko." Asar kong pagtataboy sa kanya pero itong bakla na ito nginisian lang ako.
"Ngayon ko lang nalaman na maganda ka pala?" Bulong nito kaya kinilabutan ako.
Hindi ito ang beks na nakilala ko. Masyado itong nakakakilabot.
"Umalis ka na!"
"Ayoko."
"Isa kapag hindi ka um---
"Kapag hindi ako umalis ano?" Panghahamon niya at mas nilawakan pa ang ngisi.