CHAPTER 17

743 67 11
                                    

CHAPTER 17

Pagkadating namin sa bahay nila beks ay sumalubong 'agad sa amin ang kaniyang mga magulang.

"Naku hija! Pinag-alala mo ako. Okay ka na ba? Kamusta pakiramdam mo? E, yung balikat mo okay lang ba?" Sunod sunod na tanong sa akin ni tita kaya medyo natawa ako.

Halata kasi ang labis na pag-aalala at pagkataranta sa mata ni tita. Parang may mainit na bagay na humaplos sa aking puso dahil doon. Hindi ko kasi naransan na may taong nag-aalala sa akin.

"Okay lang po ako tita." Simpleng sagot ko at niyakap naman ako ni tita kaya tinugon ko 'agad ito.

"Hay nako, pagpasensyahan mo na ang asawa ko, carla. Magsyado lang kasing nag-alala sayo iyan." Natatawang paumanhin ni tito pero inilingan ko siya.

"Wala pong problema. Masaya nga po ako dahil mayroong nag-aalala sa akin." Paliwanag ko.

"Tara na sa kwarto mo, hindi ka pa nga masyadong magaling ang daldal mo na." Naagaw ang atensyon namin sa isang bakla na sumingit.

Inismiran ko nalang ito, kahit kailan talaga napakapakelamero nito.

"Hay! Sige na hija, umakyat ka na at baka magalit pa si tandang ashton." Natatawang biro ni tita at sabay king humagikhik.

Nakita ko naman ang pagsimangot ni beks pero hindi ko iyon pinansin. Ang sarap kasi nitong asarin at ang cute nito kapag naaasar yung tipong namumula yung ilong.

Umakyat na nga kami ni beks at ng nasa tapat na kami ng aking kwarto ay humarap ako sa kaniya. "Aalis ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo, bakit?" Tanong nito sa akin habang nakakunot ang noo. Ano naman ang nakakapagtaka sa tanong ko?

"Malamang sasama ako sayo. Hindi p'wedeng hindi ako sasama lalo na at alam ko na hindi lang pera n'yo ang gustong kunin ng kung sino. Dahil ka din nilang patayin." Sambit ko. Hindi ko p'wedeng pabayaan si beks. Trabaho ko na panatilihin siyang ligtas kaya dapat alam ko kung saan siya pupunta at dapat lagi akpng kasama sa mga lakad niya.

"Talaga lang ha? Sasama ka pa sa akin e, nabutas na nga iyang balikat mo." Napasimangot ako sa aking narinig. Nabutas? Ang galing!

"So may pupuntahan ka nga? Anong oras? Sasama ako." Wala ng patumpik tumpik na sambit ko. "Wala akong pupuntahan! Magpahinga ka na nga!" Asar nitong sabi sa akin pero hindi ako naniniwala.

"Beks, hindi ako nagbibiro. Kung may pupuntahan ka sabihin mo sa akin, hindi na biro ang nangyayari ngayon." Seryosong pahayag ko at ng makita nitong seryoso na talaga ako ay wala na siyang nagawa kundi ang tumango.

"Oo na sige na, hindi ako aalis promise." Mahinahon nitong sambit kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Sige, papasok na ako. Naniniwala ako sa pangako mo." Sabi ko at tuluyan ng pumasok para makapagpahinga na din.

Ang daming nangyari ngayon at sa tingin ko kailangan ko talagang magpahinga dahil alam ko na sa susunod na mga araw ay kailangan ki ng magseryoso sa trabaho ko.

Ashton P.O.V

Hindi ako makapaniwala sa tomboy na iyon! Nabaril na't lahat trabaho pa din ang nasa isip.

Pailing-iling nalang akong pumasok sa aking kwarto at nahiga. Tumitingin ako sa kisame at hindi ko maiwasang hindi maalala ang nangyari kanina sa hospital.

Hindi ko inakalang ganoon ang tomboy na iyon. Hindi ba siya nag-iisip? Lalaki ako at kahit na sabihin niyang bakla ako ay lalaki pa din ako.

Ganoon ba siya sa mga lalaking kaibigan niya? Lintek! E paano kung pagsamantalahan siya ng mga iyon?

BEKS, I love youWhere stories live. Discover now