CHAPTER 9
"Ganoon ka ba talaga maglakad? Tss tomboy talaga." Nainis ako sa aking narinig.
Lahat nalang nakikita niya, gigil ko siyang tinignan at ngayon pareho na kaming nagtititigan.
"Ano lalaban ka na? Ipapaalala ko lang sayo papaswelduhin ka namin." Sabay dutdot ng isang daliri sa aking noo.
Asar ko naman siyang nitignan at hindi nalang pinansin hanggang sa makarating na kami sa opisina n'ya 'daw'
"Ano bang gagawin ko dito?" Asar kong tanong.
Paniguradong mababagot lamang ako dito at kapag nababagot ako kung ano ano nalang ang ginagawa ko.
"D'yan ka lang, kaloka! Tapos ako magta-trabaho gets?" Pabakla nitong tanong kaya inis nalang akong napatango.
"Sir nagkaroon po ng emergency meeting dahil sa pagkawala ninyo ng ilang linggo." Sambit ng sa tingin ko ay sekretarya ni bakla.
Sinamaan ko si beks ng tingin dahil alam kong maiiwan ako dito mag-isa.
"What? I don't know na magkakameeting okay? Maiwan muna kita at kung wala kang magawa tumalon ka dyan sa bintana." Inismiran ko nalang ito hanggang sa tuluyan na itong makaalis.
*30 MINUTES LATER*
INIS akong napasabunot sa aking buhok. Sobrang naiinip na ako dito pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi manlang nag-iwan si beks ng pwede kong gawin o kaya di manlang ako pinakain.
Sa inis ko ay kaagad akong lumabas ng opisina at pumasok ulit sa elevation. Ginaya ko ang ginawa ni beks kanina pero lahat ng number ay pinindot ko.
Hindi ko kasi alam kung saan magteteleport ito kaya pinindot ko nalang lahat.
Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at nang lumabas ako ay nakita ko ang lugar na sobrang busy.
Madami ang nagta-trabaho at kita ko ang taranta sa kanilang mga mukha.
"Bakit biglang umatras si Ms. Cole? Kung kailan nandito si sir." Rinig kong sambit ng isang babae, sobrang natataranta ito at parang hindi na alam ang gagawin.
At dahil lumaki ako sa lugar kung saan madaming tsismosa ay mas lumapit pa din ako pero nakatago.
"Lagot tayo kay sir nito." Sambit ng isa kaya napakunot ang aking noo.
Bakit parang takot na takot sila kay beks? Anong nakakatakot sa baklang yon?
Takhang takha ako habang nag-iisip ng dahilan kung bakit takot ang mga ito kay beks.
Nang biglang....
"Miss!" May biglang kumalabit sa akin kaya napalingon ako dito, kita ko ang isang chinita na babae.
Wow chics! Nasabi ko sa isip ko.
Maganda ito kahit simple lang, shems may crush na ata ako dito.
"Y-yes?" Nauutal at nahihiya kong tanong.
"Bago ka lang ba dito?" Kunot noo niyang tanong kaya napalunok ako.
Naku! Baka magalit sila kapag sinabi kong hindi, paano ba ito?
"A-ahmm ano k-kasi." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi na din ako mapakali sa sobrang kaba.
"Nevermind halika! Kailangan ka namin." Sabay hila sa akin kaya nanlaki ang aking mata at pilit na pumalag.
"Miss, m-miss ano b-ba bitawan mo a-ako." Sabi ko sabay piglas ulit pero makulit ang babaeng ito at mas lalo pang binilisan ang lakad hanggang sa makarating kami sa parang studio?