CHAPTER 10
Hanggang ngayon ay naglalakad pa din ako palabas ng napakalaking building nila beks.
Habang si bakla naman ay nakasunod pa din sa akin hanggang ngayon. Pinagtitinginan na nga kami ng mga chics pero diko nalang pinansin siguro next time.
"Hoy tombits ano bang problema mo? Diba dapat ako ang nagagalit dahil bigla kang umalis sa opisina at makikita kitang naka-panty at bra lang?" Tanong ni beks na halos mamula ako.
Ano bang magagawa ko kung nasilaw ako sa tawag ng pera? Biruin mo 20K yun at pwedeng mag times 2 kung magustuhan ni beks.
"Buti nga may nagawa ako. Kasi may isang bakla d'yan na iniwan ako sa sobrang boring na opisina." Pagpaparinig ko ng hindi pa din lumilingon.
"Dapat sinabi mo edi sana sinama kita." Wika nya pero inismiran ko nalang.
Nung umalis siya hindi niya ako naalala, siguro kinakabahan toh dahil baka ipagkalat ko na bakla siya.
"Nga pala beks, bakit takot sayo mga empleyado mo? Hindi ba nila alam na bakla ka?" Hindi ko maiwasang itanong at kita ko naman na nanlaki ang mga mata nito.
Kaya napailing-iling nalang ako dahil mukhang tama ang hinala ko.
"Grabe ang galing mo naman beks, biruin mo? Naitago mo sa tatay mo at sa empleyado mo ang totoo mong kulay? Buti hindi pinagkakalat ng mga kaibigan mo?" Namamangha kong sambit.
Alam ko kasi na kapag nasa ganiyan akong sitwasyon tapos sila onyok ang barkada ko? Malamang sa alamang matagal ng bunyag ang sekreto ko.
"Mapagkakatiwalaan kasi mga friends ko." Wika ni beks sabay flip ng imaginary hair niya.
Nakakatawa talaga itong bakla na ito, pero sayang dahil may itsura.
Hoy wag kayong ano ha? Inaappriciate ko lang ang kagwapuhan ng mga kauri ko.
"Tara na nga saan ba tayo pupunta?" Aya ko sa kaniya.
"Aba tombits ikaw ang umalis sinundan lang kita." Parang natatawa nitong paliwamag kaya bugnot akong napabuntong hininga.
"Bwisit tara na nga!" Inis mong aya sabay hila sa kaniya.
Halos magkandadapa naman siya sa paghabol sa akin dahil sa bilis kong maglakad.
"Hoy! Wait lang saan mo ako dadalhin ha? Pagsasamantalan mo siguro ang kagandahan ko. Myghad! Noo rape!" Maarte nitong sambit pero sinamaan ko siya ng tingin kaya natigilan siya at tumahimik.
Ganyan nga, matakot ka sakin kung hindi ay makakatikim ka ng napakasarap kong flying kick.
"Ganyan ka ba talaga maglakad? Ang panget ghorl hindi bagay sayo." Maya-maya'y rinig kong wika niya.
Itong baklang ito hindi talaga kayang tumahimik kahit limang minuto lang. Parang pinaglihi bibe na walang tigil sa kakasalita.
"Bakit ba ang daldal mo?" Inis kong tanong sabay lingon ko sa kaniya dahil nasa likod ko ito.
"E bakit ayaw mong sagutin?" Makulit na balik tanong niya kaya naoakamot ako sa aking ulo.
Feeling ko kapag nagtagal pa na kasama ko ang baklang ito makakalbo at tatanda ako ng maaga sa sobrang kakulinan.
"Ganto na talaga ang lakad ko noon pa." Napipilitang sagot ko.
Kaagad akong huminto sa tapat ng jollibee at tumingin kay beks.
"Kain muna tayo nagugutom na ako." Sambit ko sabay hila sa kaniya papason at agad na pumila.
"Hoy gaga! Bakit dito? Hindi pa ako nakakakain dito baka malason ako!" Eksagaradong sabi niya sa akin kaya natawa ako sa sobrang OA niya.
"Hindi ka mamamatay dito okay? Alam mo ba na ang jollibee ay aa pilipinas lang makikita? Konti lang ang gantong branch sa ibang bansa at hindi ito masyadong kilala sa amerika." Paliwamag ko at nanlalaki ang mga mata naman siyang napatango tango.
"Paano mo nalaman?" Tanong niya kaya napasinghal ako sa sobrang daming tanong niya.
"Narinig ko!"iyon nalamang aking isinagot dahil totoo naman na narinig ko lang iyon. Ni hindi ko nga alam kung totoo iyon o hindi.
" narinig mo lang pala mamaya hindi iyon totoo." Nakaismid nitong wika kaya inismiran ko din siya at ng kami na ang bibili ay kaagad kong sinabi ang order namin.
"Isang spaghetti with chicken ans rice dalawa, tapos coke. Fries and burger stake dalawa din." Iyon lang at ibibigay ko na sana ang bayad ng maalala ko na wala nga pala akong pera.
Pilit ang ngiting tumingin ako kay beks at nahihiyang naglahad ng kamay.
"Anong gagawin ko d'yan?" Tanong ni beks sabay tingin sa kamay ko na nakalahad ngayon.
Obvious naman pero alam ko na gusto lang ako nitong ipahiya.
"Akina penge pera!" Inis na sabi ko at natawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Haya haya ka dito tapos wala ka palang ipanglilibre sa akin." Natatawang sambit nito sabay dutdot sa noo ko kaya tinabig ko ang kamay niya.
"Sino bang nagsabi na ililibre kita? Baka IKAW ang manlilibre SA AKIN." Idiniin ko talaga ang ikaw at sa akin.
Kita ko naman ang panlalaki ng butas ng ilong nito at tila nagpipigil ng inis
"Nakakainis ka na ha? Lag---
" hello ma'am, sir. Pwede ko na po bang makuha ang bayad? Sobrang haba na po kasi ng pila." Singit ng cashier at nakita nga namin na sobrang haba na ng pila.
Nahihiya namang inabot ni beks ang bayad at agad na kaming humanap ng upuan.
"Ikaw kasi ang arte mo, magbibigay ka din naman pala ng pera ang dami mo pang sinabi." Agad kong sabi sa kaniya pagkaupo namin.
"Ako pa? Alam mo ba na simula ng ikaw ang nakasama ko minalas na ako? May balat ka siguro sa pwet."
"Aba ako pa? Baka ikaw!" Sigaw ko sabay talikod ko sa kanya.
"Talaga? Malas ka! Dapat di ka na nag-apply na bodyguard ko." Inis din nitong sagot kaya napuno na talaga ako.
Dapat sinabi niya na ayaw niya akong maging bodyguard niya hindi yung ipagduduldulan niya sa akin na ayaw niya.
Dapat sinabi niya na tutol siya edi sana hindi niya ako bodyguard ngayon. Madali lang naman yun dahil siya ang boss ko.
"Edi sige! Magre-resign na ako!" Sigaw ko at tumayo na kaya napatingin siya sa akin.
"Saan ka pupunta?" Maangas noyang tanong. Sus bakla naman feeling maangas.
"Aalis na ako diba nagresign na ako? Ayan na! Maghanap ka ng gusto mong bodyguard." Sambit ko sabay alis. Bahala na siyang kumain ng inorder namin.
Narinig ko pa ang tawag nito sa akij pero hindi ko na pinansin. Manigas siya d'yan.
Ayaw palang maging bodyguard ako ha! Edi wag hindi siya kawalan!