CHAPTER 8

734 69 1
                                    

CHAPTER 8

"Hija sa tingin ko mas maganda kung dito ka na muna tumuloy." Sambit ni tita.

"Pero tita, paano po ang bahay ko. Baka pagbalik ko ay hindi na iyon nakatayo." Paliwanag ko.

"Don't worry, akong bahala sa bahay mo." Sambit nito kaya wala na akong nagawa kundi ang bumuntong hininga.

Mukhang wala na din naman akong magagawa kundi ang pumayag, isa pa malaki ang sweldo at mukhang makakaluwag naman ako dito.

"Sige po, saan po ako tutuloy? Pwede po bang kunin ko muna ang mga gamit ko?" Tanong ko.

"Naku hija! H'wag ka ng mag-abala ibibili kita ng mga damit mo. Excited na ako! Tiyak na bagay sayo ang mga dress na bibilhin ko." Excited na sabi niya.

"T-tita hindi po ako nagde-dress." Tanggi ko.

Nakita ko naman na nalungkot ito kaya parang nakunsyensa ako. Gusto ko sanang pumayag pero hindi ko talaga kayang mag-suot ng mga ganoong damit.

"Fine, fine. Ibibili kita ng mga T-shirt at lahat ng kailangan mo. For the mean time humiram ka muna kay ash ng damit. At about sa kwarto mo doon ka sa katabi ng kwarto ni ash." Paliwanag niya.

"T-tita, bakit po doon? Diba dapat sa maid's quarter ako matulog?" Nalilito kong tanong

"Hindi ka maid hija, bodyguard ka ng anak ko kaya mas mabuti na doon ka matulog para mabantayan mo s'ya at malapit ka sa kanya." Napatango naman ako sa narinig, tama naman siya kaya hindi na ako aangal.

"Paano? Aalis na muna kami ng asawa ko. Puntahan mo si ashton sa taas at sabihin mo tambak na ang trabaho niya sa opisina." Utos nito sa akin kaya tumango nalang ulit ako at ng makaalis na sila tita ay agad na akong umakyat.

Pagkapasok ko ay kita ko si beks na nakahiga para bang sobra nitong namiss ang kanyang kama.

"Hoy bakla!" Tapik ko sa kanya pero itong bakla inirapan lang ako at tinalikuran.

"Sabi ni tita pumunta ka daw sa opisina mo, tambak na daw ang trabaho mo dun huy!" Pilit ko siyang pinapatayo at ng sinabi ko iyon ay napabalikwas siya.

"Shit nakalimutan ko! Kaloka! Stress nanaman ako sa work!" Maktol nito.

"Tanga mo kasi ngayon ka lang bumalik." Pang-aasar ko sa kanya.

"Tombits samahan mo ako ha? Baka nandon ang mga kidnappers ko!" Takot nitong sambit.

"Ayoko!" Sagot ko agad.

Sinamaan naman ako nito ng tingin, tapos ay tumayo siya kaya napalunok ako, mas malaki siya sa akin at sobrang seryoso ng mukha. Parang hindi ito yung babakla bakla.

"H-hoy! Anong g-ginagawa mo?" Natatarantang tanong ko.

"Sasama ka o rereypin kita?" Seryosong pagpapapili niya sa akin kaya mas napalunok ako.

"B-bakla ka paano mo m-magagawa yun?" Nauutal kong pang-uuyam sa kanya.

"Want to test me? Hmm?" Mapang-akit niyang tanong sabay kapit sa aking baywang.

Pilit ko namang tinatanggal ang kamay niya pero diniinan lang niya ang kapit sa akin kaya wala na akong nagawa.

Marunong akong mag-self defense. Black belter din ako sa judo. Pero ang katawanan ko ang tumatardor sa akin.

Konting haplos lang ng kamay niya sa baywang ko parang sinisilihan na agad ako.

Tangina tomboy ako diba? Bakit nalilito ako ngayon?

"Sasama ka na?" Mababang boses na tanong niya.

"O-oo,umalis ka na! Magbihis! Bilis! M-magbibihis na din ako." Nauutal kong tilak sa kanya at si beks tinawanan ako.

"HAHAHA,h'wag mong sabihing crush mo? Kadiri ka tombits!" Natatawang asar niya sa akin kaya nainis ako.

Grabe naman ito makasabi ng kadiri kala mo naman isa akong uri ng sakit.

Hindi ko nalang siya pinansin at masama ang mukha na lumabas ng kwarto niya.

Pumunta ako sa kabilang kwarti na sinabi ni tita na kwarto ko.

Kanina ay nanghiram na ako ng damit at short na pinagliitan ni ashton pero naipamigay na daw yung napagliitan na tshirt kaya ito sobramg luwag ng tshirt na suot ko pero okay na ito. Mas gusto ko ang maluwag, mas komprotable ako.

Habang ang short naman ay cargo pants na pinagliitan naman ni tita.

"Tara na." Agad na aya ko sa kanya dahil badtrip pa din ako sa reaksiyon niya kanina.

"Hoy tombits anong drama mo? Ano? Arte arte mo ghorl." Natatawa niyang kausap sa akin pero hindi ko nalang iyon pinansin.

"Manong sa company pi." Rinig kong sambit niya kay manong edo. Kaagad na akong sumakay sa sasakyan nila at hindi pa din ito pinapansin.

"Tombits galit ka sakin?" Kalabit nito pero nanatili pa din akong tahimik.

"Sorry na." Nakangusong hingi nito ng tawad pero matigas ako.

Ang kapal ng mukha niyang laitin ako..

"Tombits sorry naaaa! Kakaloka ka ha! Marunong ka ng umarte. Babae ka na?" Natatawang tanong niya.

"Sir Ash pwede bang tumahimik kayo?" Seryosong tanong ko kaya natigilan siya.

Marahil ay nagukat dahil tinawag ko siyang sir.

"What? Sir? Ano ka ba tombits ma'am!" Biro nanaman niya pero nanatili pa din akong tahimik.

Tumahimik na din ito ng marealize na wala talaga akong balak na kausapin siya.

Maya-maya ay nakarating na kami sa napakalaking kumpanya. Halatang mayaman ang may-ari dahil entrance palang ay naka-tiles na.

Habang lumalabas kami ay nakamasid ako sa paligid, bakal biglang may bumaril kay beks at hindi ko magawa ang trabaho ko.

"Tombits anong gimagawa mo? Parang kang tanga." Suway niya sa akin pero nagmasid pa din ako sa paligid.

"Baka biglanv may bumaril sayo kawawa ka." Simpleng sagot ko.

Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at bumadha ang takot sa mukha niya. Tapos ay kumapit siya sa aking braso at parang nagtatago.

"Ano ba? Ang laki mo hindi ka makakatago sa akin!" Inis na paliwanag ko pero ang bakla mas lalong sumiksik.

"E kung binibilisan natin ang lakad para makapasok agad tayo?" Maya-maya'y sarkastiko kong suhestiyon.

At dahil dakilang bakla ang amo ko, patakbo itong pumunta sa kumpya at iniwanan ako.

"Bakit ang tagal mo?" Kaagad na salubong nito sa akin sa entrance.

"May bakla kasi na tumakbo at iniwan ako." Pagpaparinig ko pero inirapan lang ako ng bakla tapos ay lalaking lalaking naglakad.

*good afternoon sir...ma'am*

*welcome back sir*

Ayan ang mga naririnig ko, kita ko sa mukha ng empleyado niya ang gulat, dahil siguro hindi nila inaasahan na papasok ang boss nila.

"Bilisan mo nga! Bakit ka ba nasa likod ko? Para kang buntot! Dito ka sa tabi ko!" Irita niyang utos sa akin, hindi nalang ako nagsalita at tumabi nalang sa kanya.

Pagkapasok namin sa elevation ba yun? Yung pa-box na parang nagteteleport kasi paglabas mo nasa ibang lugar ka na. Basta iyon nayun.

Pagkapasok namin ay kaagad akong sinamaan ng tingin ni beks.

"Tinitingin tingin mo?" Tanong ko.

"Ganoon ka ba talaga maglakad? Tss tomboy talaga."

BEKS, I love youWhere stories live. Discover now