CHAPTER 5
Hanggang ngayon ay inis pa din ako kay bakla, dalawang araw na ang nakakalipas at ngayon nakikita kong unti-unti ng nasasanay itong si beks sa buhay ko.
"Tomguts na ako!" Reklamo ko, wala ako ngayong rakket dahil hindi ako nakahanap.
"Tara ililibre kita tombits." Rinig kong sabi sa akin ni beks.
Takha naman akong napatingin sa kanya.
"Ano? Paano mo ako ililibre e wala ka ngang trabaho? Saan ka kukuha ng pera bakla?" Takhang tanong ko.
"Ito o." Sabay labas nito ng 100 pesos.
"At saan ka naman kumuha niyan? Naku bakla! H'wag mong sabihin na nagnakaw ka ha?" Nanlalaki ang matang akusa ko.
Nanlaki din ang mata niya at bigla akong binatukan.
"Para saan iyon?" Galit na tanong ko.
"Gaga ka! Kiber ka ghorl! Nag-bingu ako!" Pagmamalaki niya pero natawa ako.
"HAHAHA a-ano? *Pppfft* b-bingu? HAHAHA." Tawa ko, tanga talaga itong lalaking ito.
"At bakit aber?! Totoo naman!" Taas kilay nitong sambit.
"Bingo kasi yun bakla BINGO!" Pagtatama ko.
"Bakit? Pareho din yon iniba lang ng spell!" Namumula niyang paliwamag kaya natawa nanaman ako.
"Stop it!" Irita niyang utos.
Pilit ko naman na pinigilan ang aking tawa at tumingin sa kanya.
"O-okay haha, tara na!" Sambit ko sabay labas.
"Hey saan tayo pupunta?" Tanong niya sabay habol sa akin.
"Ano makakalimutin lang? Diba ililibre mo ako?" Paalala ko sa kanya.
Tumango naman ito.
"Hello ashton." Bati ni riane ng makasalubong namin siya.
Agad na sumama ang aking mukha at masamang tinignan si beks. Napatingin din ito sa akin at napalunok.
"W-what?" Nauutal niyang tanong pero nanahimik nalang ako.
"H-hello riane, a-alis na kami." At agad akong hinila, kunot noo pa din ako habang naglalakad.
Bwisit na bakla ito, inagaw pa sa akin si riane!
"Hoyy chaka mo ghorl! Hindi ko type yung jowabel mong chararat!" Maarte niyang sabi sa akin.
"Ano? Hoy beks tigilan mo sabi ang pag-gay language!" Inis na paalala ko sa kanya.
"Edi tigilan mo din ang pagtawag sa akin ng BEKS!" Pero hindi ko iyon susundin.
"Ayoko nga!" Tanggi ko
"Edi ayoko din!" Sagot niya pabalik.
Puro lang kami bangayan hanggang sa makarating na kami sa kariton ni mang julio, ang magpi-fishball.
"Mang julio mukhang malakas benta ngayon ah?" Bungad ko sa kanya.
"Ikaw pala carlo! Oo, mukhang madaming pera ang mga taga dito ngayon." Masayang sagot niya kaya napangiti na din ako ganoon din ang nga bumibili na ka-barangay lang namin.
Ganito talaga sa amin, kahit simpleng bagay lang napapasaya ang lahat.
"Anong ginagawa natin dito tombits?" Kalabit sa akin ni beks.
"Dito tayo kakain." Simpleng sagot ko.
"Dito? akala ko sa restaurant tayo kakain." Rinig kong bulong niya.