CHAPTER 20
Kagaya nga ng sinabi ni beks hindi ako nito pinaalis. Kahit na aalis na talaga ako dahil tanggal na ako at hindi na magta-trabaho sa kaniya pero matigas talaga itong kupal na ito.
Napaka-kulit kahit anong tanggi ko pilit pa din ng pilit hanggang sa napapayag na lang akong maging personal alalay nito.
At ang bakla tuwang tuwa kasi daw may sarili na siyang katulog. Sus! Kunwari pa ito pero alam ko na kayang kaya nitong magkaroon ng katulong sa isang kisap mata lang.
At ngayon ay tulog pa si bakla kaya hindi ako makapagpaalam.
Pupunta kasi ako ngayon sa mall. May inutos sa akin si tita na bibilhin kaya ito kahit na tinatamad ay pupunta.
Napabuntong hininga nalang ako bago napag-pasyahan na huwag nalang magpaalam dahil paniguradong papayagan naman ako noon.
Nagbihis nalang ako ng isang black t-shirt at isang cotton short.
Nang matapos ay lumabas na ako dala ang isang sport bag dahil girl scout este boy scout ako. Nag-jeep nalang ako dahil mahal ang taxi. Noong huling nag-taxi ako halos mapanganga ako ng makita kong 500+ ang bayad. E, malapit lang naman ang mall kaya kaya na ng jeep baka mamaya ang mahal na naman ng bayad.
Kuripot na kung kuripot basta ako nagiging praktikal lang. Mahirap na ang buhay ngayon at mahirap na maghanap ng pera lalo na sa katulad ko na hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
Pagkadating ko sa mall ay pumunta na ako doon sa bilihan ng mga gulay. Hindi ako sumakay sa elevation kasi nakakita ako ng gumagalaw na hagdan ang galing parang magic!
Pagkatapos kong mamili ay halos maligaw pa ako buti nalang ay mag napagtanungan ako.
Pagkalabas ko ay naisipan ko na maglibot na muna dahil parang ito pa lang ang pangatlong beses na nalapunta ako ng mall.
Halos mamangha ako sa aking mga nakikita. Ang lalaki ng mga TV at ang daming mga magagandang bagay na ngayon ko lang nakita. Siguro ay para na akong tanga ngayon dahil sobrang laki ng mata ko habang tumitingin sa kung saan.
At dahil nga para akong tanga na lingon ng lingon ay hindi ko napansin na may makakabanggan na ako.
Napapikit nalang ako ng maramdaman kong mahuhulog ako pero hindi iyon nangyari dahil sinalo ako ng dalawang mga bisig.
Nang imulat ko ang aking mata ay nakita ko ang isang lalaki na gwapo. Napalunok naman ako dahil ang bango nito at halata ang kakisigan.
Pagkatayo ko ay doon ko lang nakita ang buong kabuoan niya. Isa siyang natanggkad na lalaki at mas matangkad siya sa akin.
"Sorry miss okay ka lang?" Nag-aalala nitong tanong kaya tinangoan ko naman siya.
Kahit na gwapo ito ay wala akong naramdaman na kung ano sa akin at parang isa lang itong simpleng tao. Dahil siguro pusong lalaki ako.
"Oo okay lang ako." Sagot ko pabalik at akmang aalis na pero pinigilan niya ako kaya napatingin ulit ako sa kaniya.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ko.
Tumingin naman ito sa akin at kumamot sa ulo na parang nahihiya kaya napakunot ang noo ko. At saan naman ito nahihiya?
"A-ah ano sorry, Kyle Chua nga pala." Naiilang nitong pakilala at inilahad ang kamay. Mas lalo naman akong napakunot noo. Bakit ito nagpapakilala?
"Carlo." Matipid kong pakilala at ito naman ang nangunot ang noo at binigyan ako ng nalilitong tingin.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa nangangalay na ako kakatayo dito.