CHAPTER 3

907 83 2
                                    

CHAPTER 3

Carla P.O.V

"Ito na ba yung house mo? Eww why so baho? And why so liit? I think house lang ito ng dog namin." Maarteng sabi sa akin ng baklang kasama ko ngayon.

"Kung nandidiri ka dito sa bahay ko, pwedeng pwede ka na umalis." Iritang sambit ko.

"Ano ka ba tombits, n-nagbibiro lang ako HA-HA-HA." At nagpilit pa ito sa pagtawa.

Napakamot nalang ako sa ulo at agad na umupo sa sofa-ng gawa sa kahoy, na sa tingin ko ay mas matanda pa sa akin.

"Hoyy tombits saan ako matutulog." Tanong nito.

"D'yaan." Sabay turo ko sa sahig.

Nakita ko naman nanlaki ang mata nito sabay turo sa sahig, para bang hindi makapaniwala na papatulugin ko siya doon.

Tss, arte..

"Kung ayaw mo edi wag! Ikaw lang naman ang nagpilit na sumama sa akin." Wika ko.

Napanguso nalang ito at walang nagawa kundi ang tumango tango.

"Sige na nga *pout*" sagot nito.

Bakla talaga..

"Oo nga pala, bakit ka ba sumama dito? Ihahatid kita sa bahay mo." Sambit ko.

"H'WAG!" Nagulat ako ng bigla niya iyong isigaw.

"Okay,okay! Easy lang tsong parang sinasabi ko lang naman." Sabi ko na may kasamang stop gesture.

"Pero bakit nga?" Hindi ko napigilang itanong.

"DAHIL MAY GUSTONG KIMIDAP SA AKIN!" Sigaw nanaman nito.

"E BAKIT KA SUMISIGAW?!" Hindi ko na din napigilan ang hindi sumigaw dahil sa inis.

"S-sorry." Iyon nalamang ang naisagot niya.

"Ano nga ulit? May gustong kumidnap sayo? E tarantado ka pala! Idadamay mo pa ako." Maya-maya'y sambit ko ng ma-realize ang kanyang sinabi.

"P-please help me." Pakiusap nito pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy beks! Kung gusto mong humingi ng tulong sa pulis! Doon tiyak na matutulungan ka nila!" Sambit ko pero agad naman itong umiling.

"Anong iniiling iling mo?" Nanggigigil na tanong ko.

"Hindi pa pwede hanggat hindi ko pa nalalaman kung sino ang gustong dumukot sa akin." Napailing nalang ako sa inis.

"Wala ka bang ibang kakilala na makakatulong sa iyo?" Tanong ko.

"Meron pero hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko." Halos humagalpak ako ng tawa sa kanyang sinabi.

"Talaga? So ako sa tingin mo mapagkakatiwalaan? Baka hindi mo alam sumasadline ako bilang kidnapper?" Biro ko at kita ko naman ang panglalaki ulit ng mga mata nito sabay antras.

Natatawa ako ngunit pinigilan ko.

"Y-you what?" Nabibinging tanong niya.

"Kidnapper ako, paano kaya kung kidapin nalang kita at manghingi ng ransom money sa magulang mo? Tutal mukha yayamanin ka naman aba tiba tiba ako pagnagkataon." Pilit kong pinaseryoso ang aking boses.

Kita ko ang sobrang pagkaputla niya..

"HAHAHAHAHAHAHHAHAHA!" Hindi ko na napigilang humagalpak sa tawa.

"Grabe tol! A-ang epic ppfft! ng mukha mo HAHAHAHA." Natatawang paliwanag ko at tumawa nanaman.

Nakita ko ang agad na pagsama ng mukha nito kaya napatigil ako sa pagtawa.

BEKS, I love youWhere stories live. Discover now