CHAPTER 11

743 66 7
                                    

CHAPTER 11

ISANG linggo na ang nakakalipas ng umalis ako sa poder ni beks. At isang linggo na din ang nakakalipas ng bumalik na ako sa dati kong buhay.

Mahirap pero mas okay na ito kesa naman ipagsiksikan ko ang sarili ko sa taong ayaw naman ako kasama.

"Yo carl! Musta? Wala na yung bakla d'yan sa bahay mo?" Tanong ni onyok kaya tumango ako.

Mag-isa lang si onyok at mukhang may lakad ang mga kainuman nito habang ako naman ay nandito sa labas at nakatunganga.

Wala akong rakket ngayon at wala ding kain kaya siguro lalanghapin ko nalang yung amoy tae naming lugar.

"E binayaran ka na ba sa stay on niya d'yan sa bahay mo?" Tanong niya kaya sinamaan ko ito ng tingin.

Gago talaga itong si onyok feeling mayaman e, hindi naman. Makapag-english mali mali naman ang grammar.

"Anong stay on? Tanga stay off yun." Bugnot kong paliwanag sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata nito at tila narealize ang katangahan na ginawa niya.

"Stay off ba yun? Kala ko stay on sorry carl sa susunod tatanungin muna kita." Sambit nito kaya tinanguan ko siya.

"Sa susunod h'wag kang magsasabi ng mga english na hindi mo alam kung tama! Baka sabihin nila trying yard tayong mga mahihirap na mag english." Wika ko at parang estudyante naman itong tumango tango.

"Sige gagawin ko yun carl. Pero may tanong ako." Tawag pansin niya sa akin kaya tinignan ko nalang siya.

Nakakatamad magsalita ngayon lalo na't mainit at gutom ako.

"Anong english ng 'pwede ba kitang ayain mag-date? Aayain ko kasi si berta." Kinikilig na wika nito.

Si berta yung matabang pokpok doon sa kanto.

"Ito ang english noon. 'can we go eat me?' Ayun yon!" Sambit ko sabay batok sa kaniya.

Paano ba naman basic English lang hindi pa alam. Ako nga na elementary lang natapos alam ko siya pa kaya!

"Ayun ba yun? Parang hindi naman e." Kakamot-kamot niyang sabi sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh bakit? Ang tagalog ng can we go ay pwede ba tayong pumunta, at ang eat ay kain so bale pwede ka tayong kumain." Paliwanag ko sa trying hard na lalaki dito sa tabi ko.

"E ano yung me sa dulo?"

"Sino ba ang nag-aaya mag-date?" Tanong ko.

"Ako."

"Anong english ng ako?"

"Me."

"Ayun kaya may me sa dulo tanga!" Sabi ko sabay batok ulit sa kanya dahil sa katangahan nito.

"Umalis ka na nga dito nanggigigil ako sa katangahan mo." Asar kong sambit at kakamot kamot naman ito sa batok na umalis.

Ngayon ay wala na akong magawa, tinignan ko nalang ang paligid namin.

Sira-sirang bahay kung bahay pa ba ang tawag dahil sa pinagtagpi tagpi lang ang mga iyon ng flywood. May nakita pa akong mga bata na naglalaro ng patintero at tumbang preso.

Nasisiyahan ako sa pagtingin tingin dahil nalilibang ako.

Nang magawi ang tingin ko sa kanan ay kaagad na nawala ang ngiti ko kanina.

"Shooo! Hoy umalis kayo dito!" Sigaw ko ng makita ang dalawang aso na magkapatong.

Tanghaling tapat naisipan pa maghoneymoon dito sa gitna. At talagang sa gilid ko pa talaga ginawa.

Kaagad naman na naghiwalay ang mga ito. Yung isang aso naman ay kinahulan ako kaya binato ko ng lata na nakita ko sa gilid.

Walangyang aso ito nakuha pang magalit dahil nabitin.

"Hey."

"AYMUKHAKANGASO!" Gulat kong sambit.

dali-dali akong humarap sa hudas na nanggulat sa akin at ng makita ko kung sino ito ay agad na sumama ang timpla ng mukha ko.

Isa oa itong mukhang aso e!

"Ano bang ginagawa mo dito?" Inis kong tanong dito sa bakla.

Tama! Si beks ang nasa harapan ko ngayon.

"B-bumalik k-ka na." Mahina nitong sambit na hindi masyadong malinaw sa pandinig ko.

"Ano?!" Asar kong tanong dahil ang hina ng boses niya.

"Ayoko ng ulitin!" Aba itong bakla na ito siya pa may ganang magsungit.

"Hoyy dayo ka lang dito baka gusto mong ipabugbog kita?" Maangas kong tanong at kita ko naman na napalunok ito.

"J-joke lang naman." Nauutal nitong sambit.

"Ano ba kasi talaga ang ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit.

"B-bumalik ka na!" Sigaw nito kaya nagulat ako.

"E bakit mo ako sinasigawan?" Galit kong tanong.

"Sorry na! Bumalik ka na kasi!" Halos magmakaawa na ito pero hindi ako natinag.

Kailangan muna niyang magmakaawa ng sobra bago ako bumalik. Tinapakan niya ang lego ko! Lego? Ah basta iyon na yun!

"Diba ayaw mo akong maging bodyguard mo? Humanap ka ng iba!" Singhal ko. Kita ko pang tumalsik ang laway ko sa kanya pero wala akong pake.

"Please." Mahinang pakiusap nito.

"Sige pumapayag na ako." Sagot ko dahil may naisip akong magandang kondisyon.

"Talaga?" nagniningning ang matang maninigurado niya.

"Oo sa isang kondisyon." Nakangising sambit.

"Ayoko ng ngisi mo." Natatakot nitong sabi sabay antras.

"Edi umalis ka na!" Pagtataboy ko at akmang papasok na ng bahay ng bigla niyang hilahin ang siko ko.

"Fine! Ano ba iyon?" Gigil nitong tanong.

"Napipilitan ka ata e!" Inis kong sabi.

"Hindi nga! Sige ano ba yun?" Bugnot niyang tanong kaya ngumisi ako.

"Gusto kong maging sex slave kita." Pagbibiro ko sa kanya at kita ko naman ang paglaki ng mata nito sabay pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib.

Parang ito ang babae sa aming dalawa at nakakainis na talaga ang baklang ito.

"Ayoko! Hindi ko ibibigay ang puri ko sayo!" Hestrikal nitong tanggi sabay ng napakaraming iling.

"Tanga joke lang HAHAHA wala ka atang scenes of humor." Natatawang wika ko sabay hampas ka kanya.

"Anong scenes? Baka sense!" Pang-aasar niya kaya napasimangot ako.

"Ikaw ang tanga! Alam ko ang sinasabi ko!" Asar kong sabi.

"So ano na nga ang kondisyon mo? Paimportante ka ghorl?" Sinamaan ko siya ng tingin at umubo.

"Gusto ko maging katulong kita! Kapag nasa labas ikaw ang boss pero kapag nasa bahay ako ang boss!" Sabi ko.

"Ano? Nahihibang ka na ba? Ayoko nga!" Tanggi nito kaya inismiran ko siya.

"Sige! Madali naman akong kausap! Papasok na ako." Sabi ko at akmang papasok nanaman pero nagbibilang talaga ako.

"OO NA! SIGE PUMAPAYAG NA AKO" sigaw nito kaya napangiti ako.

"Good tara na." Aya ko sa kanya dahil namiss ko na yung malambot na kama doon sa bahay nila.

"Wait diba kapag boss nagpapasweldo? So anong isu-sweldo mo sa akin?" Maya-mayang tanong ni beks kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin.

"Ah sweldo? Suntok kada isang araw deal?" Tanong ko sabay taas ng kamao ko.

Umiwas naman ito ng tingin sabay iling..

Lagot ka ngayon beks! Gagawin kitang lalaki BWAHAHAHAHA!!!

BEKS, I love youWhere stories live. Discover now