CHAPTER 22
Nandito kami nila tita ngayon sa mall, mag-aaral na kasi ako ulit.
Oo, bibili na kami nh mga gamit ko sa eskwela at excited na talaga ako. Ang akala ko ay biro lang ni Beks na pag-aaralin nila ako pero totoo pala.
"Hija, kayo na muna ni ashton ang mamili okay? Nagkaroon kasi kami ng biglaang meeting." Sabi ni tita kaya wala na kaming nagawa ng bigla ng umalis ang mga ito na hindi man lang hinintay ang sagot namin.
"Paano ba 'yan tombits? Tayong dalawa nalang." Nakangising sambit ni beks at kung hindi ko lang alam na bakla ito naku!
"Oo nga, tayong dalawa nalang kaya buhatin mo ito." Sabay bigay ko sa kaniya ng mga pinamili namin. Napasimangot naman agad ito habang ako na ngayon ang nakangisi.
Bakit? Baka nakakalimutan niya ang pinag-usapan namin?
"Tara na alipin, gusto kong kumainnat ikaw ang magbabayad." Parang boss na utos ko.
Mas lalo itong napasimangot at inungusan ako.
"Lakas mo naman? Bakit, kasama ba iyon sa pinag-usapan natin?" Sabay irap nito at naunang naglakad.
At sampung minuto na ang nakakalipas mukhang wala talaga itong balak na pakainin ako. Ramdam ko naman ang mga nagwawala kong alaga at mukhang nanlalambot na ako.
At parang biglang nagliwanag ang aking mukha ng makita ko si kyle—ang lalaking nakilala ko din dito nung nakaraan.
Walang lingon-lingon na tumakbo ako sa gawi ni kyle. Wala na akong pake kung hanapin ako ni beks. Aba! Ayaw niya akong pakainin edi wag!
"Hoyy kyle!" Tawag ko sa kaniya sabay tapik sa balikat nito at kita ko naman ang labis na gulat nito sa ginawa ko at 'agad na lumingon sa akin.
"Carla! Good to see here again." Masaya nitong bati at nginitian ako kaya naman sinuklian ko siya ng mas matamis na ngiti. Kailangan kong gawin iyon para makapagpalibre ako ng pagkain.
Wala akong pake kung makapal na ang mukha ko ang mahalaga makakain ang mga alaga ko.
"Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" Tanong nito habang lumilingon-lingon na tila tinitignan kung may kasama ako.
Pasimple ko namang tinignan si beks at nakita ko na hinahanap ako nito pero bahala siya d'yan manigas kakahanap sa akin.
"A-ano? Wala akong kasama. Alam mo ba? Nagugutom na ako gusto ko sanang kumain kaso nakalimutan ko yung wallet ko." Nagpapaawang parinig ko kaya nabalik ang tingin nito sa akin.
"Really? Gusto mo ilibre kita?" Halos magpantig ang tenga ko sa aking narinig at walang hiya akong tumango-tango. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko at 'agad akong hinila papunta sa isang lugar. Ewan ko kung anong tawag dito.
Madaming iba't ibang pagkain ang nandito at madami ding tao. Para itong plaza na nasa loob ng mall dahil madami ang nakatambay.
Pinaupo ako nito at sinabi na hintayin ako at siya na ang bibili sa akin ng pagkain kaya wala na akong ginawa kundi ang tumango.
Bakit pa ako magrereklamo? E, siya na nga ang manlilibre sa akin may karapatan pa ba ako na umangal? Ang sa akin lang huwag ninyong tanggihan ang grasya.
Naalala ko bigla si beks, kamusta na kaya iyon? Paniguradong umuwi na iyon kasi yung bakla na iyon napaka-sungit. Sa sobranh sungit tunataas ang pride.
Biruin mo ba naman na sa sobrang taas ng pride hinahayaan nalang akong magutom?
Habang nakaupo ay inilibot ko ang aking paningin at muntik na akong mapasipol ng may dumaan na dalawang magandang babae. Wews sexy.
Halos maglaway ako dahil ang dami palang magandang babae dito. Sayang lang at hindi ako makaporma dahil nandito si kyle at baka hanapin ako kapag umalis ako.
"Here's your food, hope you'll like it." Sabi ng kadarating na si kyle.
"Salamat ha? Kanina pa kasi ako talaga nagugutom." Sabi ko at sinimulan ng lantakan ang pagkain. Ang sarap ng mga binili nito at ngayon ko lang mga natikman.
"Gusto mo ba na ihatid ulit kita sa bahay n'yo?" Tanong nito pero umiling nalang ako.
Ayoko ng magpahatid dahil nakakaramdam na ako ng hiya. Sobra na ang humingi ako ng pagkain ang magpahatid pa kaya? Paniguradong may bibilhin siya kaya siya nandito at naabalabko lang siya.
"Huwag na, sobra-sobrang abala na ang naibigay konsayo. May bibilhin ka ba kaya ka pumunta dito? Gusto ko samahan nalang kita?" Suhestiyon ko para naman makabayad ako kahit papaano.
Iyon ay kung gusto pa niya akong kasama.
"Ofcourse! I would loved too!" Masaya nitong pahayag kaya naman ng matapos na kaming kumain ay nagpunta na kami sa supermarket. Mamimili pala ito ng stock niya sa bahay para daw hindi na siya maaabala sa susunod.
At habang naglalakad kaminay halis magulat ako ng biglang may humila sa akin.
"Nandito ka lang pala! Hindi mo ba alam na sobrang nag-alala ako ng hindi kita mahanap? Ha? Bakit bigla kang umalis?" Galit na sambit ni beks kaya napatungo nalang ako dahil pinagtitinginan na kami ng tao dahil sa may kalakasan niyang boses.
"Hey dude, what's your problem? Carla do you know him?" Tanong sa akin ni kyle kaya naman dahan-dahan akong tumango.
"Ikaw sino ka?" Maangas na tanong pabalik ni beks kaya medyo hinila ko ang kaniyang damit kaya napatingin ito sa akin.
"What?" Masama ang tingin na tanong nito.
"U-umuwi na tayo." Aya ko dahil nahihiya na ako, pinagtitinginan na kami ng nga tao at baka mag-away pa bigla si kyle at beks.
Kita ko ang palitan nila ng masasamang tingin bago ako tuluyang hinila ni beks.
"BAKIT KA BIGLANG UMALIS?" Pasigaw na tanong nito pagkapasok namin sa kotse.
"H-hindi mo kasi ako pinakain." Nauutal na sagot ko sabay iwas ng tingin.
"Kaya ka sumama sa lalaking iyon? Kilala mo ba 'yon?" Tumango naman ako bilang sagot.
"Sa susunod na ulitin mo pa iyon makikita mo carla. Magsisisi ka sa gagawin ko." Wala na akong maisagot dahil para itong mangangain ngayon.
Madilim din ang aura nito at mahigpit ang kapit sa manibela.
"Ano ba ang pangalan no'n?" Bigla nitong tanong ng medyo kumalma na ito.
"K-kyle." Mahina kong sambit habang nakatungo.
"Kyle huh? I like him." Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa malandi nitong bulong.
Lintik na hindot na baklang ito!