CHAPTER 18
Carla P.O.V
"Tanga ka ba? At anong pinag-alala kita? 'Yan ang dapat sabihin mo sa sarili dahil kababae mong tao pumapatol ka sa mas malaki sayo!" Singhal sa akin ni beks. Nandito kami ngayon sa sala at sila tita naman ay nasa police station para alamin ang totoong nangyari.
"Hindi naman ako nasaktan." Nababagot kong paliwanag. Sanay na ako sa bugbugan dahil buong buhay ko puro away lang ang nakikita ko
"At proud ka pa talaga na hindi ka nasaktan? E, paano kung nasaktan ka ha? Paano?" Highblood na tanong nito at napakamot naman ako sa kilay ko.
Nakakainis na itong bakla na ito, kanina nung niyakap ko siya para itong tuod na hindi nakagalaw tapos pagkadating namin dito sa bahay para na itong tigre na nagagalit sa akin.
Nung nalaman kong umalis si beks kanina sobrang kinabahan at nataranta talaga ako. Natakot din ako dahil alam kong may nagtatangka talaga sa buhay niya pero itong bakla na ito hindi manlang natakot.
At ng makita ko na dinadala ito ng dalawang lalaki ay wala na akong inaksayang oras at iniligtas siya.
Napangiwi namaman ako ng sumakit ang aking balikat. Mukhang nabanat ito dahil sa pakikipaglaban ko kanina.
"O? Anong problema mo? Bakit ka nakangiwi diyan?" Sabay lapit sa akin ni beks at halatang nag-aalala sa akin.
"W-wala." Nauutal kong sagot. Ayoko siyang mag-alala sanya na naman ako sa ganito kaya hindi na kailangang sabihin. "Tombits, tell me the truth." Seryosong utos ni beks.
"S-sumasakit lang ng konti yung balikat ko." Sabi ko at nag-aalala naman itong mas lumapit sa akin at marahang hinawakan ang balikat ko na may tama ng baril.
"Ano ang gagawin ko? Tatawag ba ako ng doctor? Wait! Si mommy ba kailangan mo? Tara punta tayong hospital!" Natatarantang sambit ni beks kaya hindi ko maiwasang matawa. Nakakatawa kasi ang itsura nito na parang natatae at hindi alam ang gagawin.
"Beks, tigil na. Okay lang ako kaya wala ka ng dapat ipag-alala." Natatawang pagpapatigil ko sa kaniya at nakita ko naman na medyo kumalma ito.
"Sigurado ka?" Paninigirado nito at tumango naman ako. "And tombits?" Tawag ulit sa akin ni beks kaya tumingin ako sa kaniya.
"Sa tingin ko h'wag ka ng magtrabaho sa akin dahil masyado ng delikado para sayo." Natigilan ako sa aking narinig.
Ayaw na niyang magtrabaho ako sa kaniya? Nalungkot naman ako sa aking naisip. "Kung ganoon sinisesente mo na ako?" Malungkot na tanong ko na nakapagpatigil sa kaniya. "Oo." Sagot niya at wala na akong nagawa kundi ang tumango.
Wala na akong magagawa kung iyon ang desisyon niya edi sige.
Nakakalungkot lang dahil napalapit na sa akin si bakla at kapag hindi na ako nagta-trabaho sa kaniya hindi na kami magkikita.
Pero okay lang mukhang bodyguard lang naman talaga ang tingin niya sa akin e.
"Sige na beks, aalis na ako." Paalam ko sa kaniya at kunot noo naman siyang tumingin sa akin. "Why?" Takhang tanong nito sa akin.
"Diba hindi mo na ako bodyguard? Edi kailangan ko ng umalis dito kasi wala na naman akong gagawin." Paliwanag ko sa kaniya at nanlaki naman ang mata nito.
"Ano? Teka, p'wede naman na dito ka nalang tumira okay lang kila mom." Sambit ni beks pero umiling ako.
"Tanga ka ba? Hindi makapal ang mukha ko." Nakakahiya kung dito ako titira e may bahay na naman ako.
"Paano 'yan?" Parang natatarantang tanong niya sa sarili niya. "Anong paano 'yan?" Nagtataka kong tanong dahil hindi ko naintindihan.
"Paano na 'yan? Edi hindi na kita makikita?" Nanlalaki ang matang tanong niya na nakapagtakha sa akin. Ano naman problema doon?
"Oo, ano naman?" Parang wala lang na tanong ko at nakatanggap naman ako ng isang batok. "A-aray! Para saan iyon?" Naiinis kong tanong dahil bigla nalang itong nangbabatok.
"Tanga ka? Hindi na kita makikita ha! Naiintindihan mo?" Parang nababaliw na tanong niya sa akin. Anong tanga doon e, alam ko naman na hindi na kami magkikita.
"Anong kinakataranta mo d'yan? Parang iyon lang." Nababagot kong sagot.
"Tanga ka talaga! Nakakainis na iyang katangahan mo!" Gigil na gigil na sabi sa akin ni beks at parang gusto na akong bugbogin.
Hindi nalang ako nagsalita dahil wala ng patutunguhan itong pinag-uusapan namain ngayon.
"Pupunta na ako sa kwarto ko, para makapag-ayos na ako." Paalam ko at tumayo na.
Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto at isasara na sana ang pinto ng makita ko si beks na nakasunod sa akin. "Anong ginagawa mo? Bakit ka nakasunod?" Takang tanong ko.
"Bakit ka mag-aayos? Saan ka pupunta?" Natataranta nanamang tanong ni beks.
Hindi ko na alam ang nangyayari kay ashton dahil parang balisa ito. Baka nababaliw na?
"Diba tanggal na ako sa trabaho? Mag-aayos na ako tapos pagdating nila tita magpapaalam na ako." Paliwanag ko kay beks na nakaupo ngayon sa kama.
"Naiinis na ako sayo carla!" Halatang inis na sabi nito kaya natigilan ako.
Paramg ito ang unang beses na tinawag ako nitong carla at ito ang unang beses na nakita ko itong naiinis na talaga. Bakit? Ano ba ang ginawa ko para mainis siya sa akin?
Naiinis ba ito dahil hindi pa ako umaalis dito ngayon?
"Teka naiinis ka ba kasi hindi pa ako umaalis ngayon? Sige aalis na ako." sabi ko pero umiling iling naman ito kaya mas nagtaka ako.
"Kung hindi naman pala anong ikinaiinis mo?" Tanong ko dahil hindi ko na talaga ito maintindihan.
Tapos naalala ko yung scholar na ibibigay niya sa akin dahil bodyguard niya ako. Nalungkot naman ako lalo dahil siguradong mawawala iyon sa akin dahil hindi na ako nagta-trabaho ngayon kay beks.
"Ang slow mo talaga!" Asar nitong sambit kaya napakamot nalang ako sa aking ulo.
"Sige na, ako na slow." Pagpaparaya ko para matigil na ito.
Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya pabiro kong itinaas ang kamay ko. "Hindi mo ba naiintindihan ang gusto ko iparating?" Tanong nito at tumango naman ako dahil hindi ko naman talaga naintindihan ang sinasabi niya.
"Ito makinig ka mabuti okay? Hindi na kita makikita!" Pagdidiin nito sa bawat mga salita.
"Okay." Sagot ko. "Arrgh! Ang ibig kong sabihin ayomong hindi kita makita naiintindihan mo? Gusto ko dito ka lang! Ha? Gets mo na? O gusto mo pang ipagsigawan ko?" Naasar nitong tanong at ako naman ang napatulala.
Ano daw? Ako? Ayaw niyang umalis sa bahay na ito?
"E, loko ka pala! Kung ayaw mo akong umalis dito edi sana hindi mo ako tinanggal!" Sabi ko at tuluyang pumasok sa CR