CHAPTER 13

777 68 12
                                    

CHAPTER 13

"T-tita Eula." Nauutal na tawag ko sa nanay ni beks.

Magkakaharap kaming apat ngayon dito habang nakaupo. Kinakabahan ako dahil ang seryoso ng mukha ng mga ito ngayon hindi katulad noon na bubbly ang kanilang aura.

"I can't believe this! I though you two are friends ONLY?" Tanong sa amin ni tita Eula. Eula Collen ang pangalan ng nanay ni beks habang si tito naman ay  Christopher Collen.

"Mom we're just friends." Rinig kong paliwanag ni beks na sinundan ko naman ng tango tango.

"Friend don't KISS son." Singit ni tito kaya napatungo nalang ako sa hiya.

Hindi ko din naman kasi akalain na aabot kami sa ganoon ni ashton ito kasing baklang ito bigla nalang nanghaharot!

"Dad nada---

"Nadala lang kayo sa bugso ng damdamin? Son lumang excuse na iyan." Natatawa nitong putol sa sasabihin ni beks.

"Tito sorry po." Paghingi ko ng paumanhin. Nahihiya talaga ako sa nasaksihan at naabutan nila tita kanina.

"It's not your fault hija." Sambit ni tita kaya naman medyo gumaan ang aking pakiramdam.

Sana naman ay maging okay na ang lahat dahil parang kakainin na ako ng lupa.

"Pero hindi kami papayag na may ginagawa kayong kababalaghan habang hindi pa kayo KASAL." dagdag pa nito kaya nanlumo ako.

Ayokong maikasal sa baklang katabi ko ngayon! Hindi kami talo dahil babae ang gusto hindi BINABAE

"Mom what? Hindi na mauulit iyon. Please don't do this to us." Pagsusumamo ni beks pero inilingan lamang siya ng magulang niya.

Ang kaninang pag-asa na naramdaman ko ay unti-unting bumaba.

"Whether you like it or not magpapakasal kayo! End of discussion." Masungit na sambit ni tita kaya napatungo ako.

Mukhang napakamalas ng araw namin ngayon ni beks.

"Ano ng gagawin natin ha?"tanong ko kay beks ng makaalis na sila tito.

" i don't know!" Frustrated nitong sagot.

"Bakit mo ba kasi ako hinalikan tanginamo kasing bakla ka! Teka bakla ka ba talaga?" Inis kong sambit at nanlaki naman ang mata nito.

"Hindi ko sinasadya okay?!"

"Ano doon ang hindi mo sinasadya? Yung paghalik mo sa akin o yung pagiging bakla mo?" Mapanuya kong tanong at nakita ko naman ang pagseryoso ng mukha nito.

Bakit? May nasabi ba akong mali?

"Alam ko na bakla ako pero sana h'wag mo namang insultuhin ang pagkatao ko!" Seryoso at parang galit nitong sagot kaya napalunok ako at napatungo.

Nahihiya ako sa sarili ko dahil pareho lang naman kami pero parang ininsulto ko nga ang kanyang pagkatao.

"Sorry." Mahina kong sagot dahil nahihiya talaga ako.

Kita ko naman na napabuntong hininga ito at tila kinakalma ang kaniya sarili.

"It's okay! Nakakainis ka kasi ang chaka mo! Tombits ka din naman." At bumalik nanaman ito sa pagiging maarte kaya medyo napangiti ako.

Mas gusto ko ang ganitong beks na masiyahin hindi katulad nung seryosong beks at mas lalong ayoko doon sa manyak at lalaking beks.

"So bakit mo nga ako hinalikan? -'wag mong sabihin na lalaki ka talaga?" Nanlalaking matang tanong ko.

"Hoy! Hindi ako magiging lalaki. Never in my wildest dream na magiging lalaki ako yuck!" Nalalaki ang mata at nandidiri nitong sagit sa akin.

"Talaga? Edi magpaopera ka na madami ka namang pera." Suhestiyon ko.

"Gaga! Kahit na bakla ako ayokong baguhin ang anyong ibinigay sa akin ng diyos." Naoatango naman ako dahil tama naman siya sa kaniyang sinabi.

"P-pero b-bakit kahit b-bakla ka ano hehe wala wala." Agad kong bawi at namula. Ano ba naman ang naisip ko? Dahil siguro gusto ko din magkaganon.

*tango*tango* tama iyon nga.

"Anong ano?" Nagtatakang tanong nito pero iniwas ko nalang ang tingin ko. Nahihiya ako! Bakit ko ba naisipan na itanong iyon?

"Wala nga?" Sagot ko at tumayo pero hinila niya ako kaya napaupo ulit ako sa tabi niya.

"Sasabihin mo o gusto mong gawin ukit natin yung ginawa natin ka---

"Oo na sasabihin ko na! Bakitmayabskakungbaklaka?" Dire-diretso kong tanong at agad na ibinaon ang aking mukha sa unan na nasa gilid ko.

"W-what?" Nauutal din nitong tanong at namula.

"WALA!" Sigaw ko sa sobrang kahihiyan.

"Hoy hindi porket bakla ako hindi na ako pwedeng magka-abs!" Maya-maya'y pagtataray niya kaya napangiwi ako.

"Parang tinatanong lang e!" Asar kong sagot. "Don't tell me nagiging babae ka na? Alam ko naman tombits na kahit bakla ako pogi talaga ako hindi ko na maipagkakaila yun." Mayabang na sagot niya kaya maslalo akong naasar.

"Gusto ko lang magka-abs ng katulad ng sayo, bruh h'wag assumption!" Bulyaw ko sa kanya at nakita ko naman na natigilan ito.

"W-what? Assumption? Ppffft!" Nagtaka naman ako sa reaksiyon nito. Bakit ano bang mali sa sinabi ko?

"Anong problema sa sinabi ko?" Takha kong tanong.

"Anong assumption? Anong ibig sabihin non?" Natatawang tanong niya kaya napakamot ako sa aking ulo.

"Yun yung nagpi-piling na tama yung naiisip niya." Sagot ko at humagalpak naman ito ng tawa kaya mas lalo akong nagtakha.

Bakit? May sira na ba ito sa ulo? Nakaw baliw na itong baklang ito!

"Pfftt! B-baka HAHA a-assuming ang pfft! Sinasa--- hahaha s-sinasabi mo!" Natatawang pagtatama nito. Natahimik naman ako sa sobrang pagkapahiya.

"H-huy pfftt!" Pigil pa din ang tawa niya habang kinakalabit ako pero napatungo nalang ako.

Kung makatawa naman ito parang napaka-perpekto nito. Kung makapagtama naman ito ng mali ko paramg hindi din ito nagkakamali.

"Sorry kung mali y-yung sinabi ko." Mahina kong paumanhin at tumayo na.

"S-sige akyat na muna ako." Dagdag ko sa matamlay na boses at agad na tumungo pataas.

"Oyy tombits anong problema mo?" Tanong nito hanggang sa makarating kami sa tapat ng aking kwarto.

Binuksan ko naman agad ang pinto at hinarap siya..

"Pasensya ka na kung mali-mali ang mga sinasabi ko, pasensya ka na kung tanga ako at kung bobo ako. Kung sakali mang may mga nasasabi akong mga mali pagpasensyahan mo na hanggang elementary lang kasi ang natapos ko. Sorry po ha? Sorry po Mr. Perfect! H'wag po kayong mag-alala mag-aaral po ako ng english para po next time na kakausapin n'yo ako hindi na ako magmumukhang bobo." Sambit ko sabay balibag ng pinto.

Nasaktan ako pero alam ko naman na tama ang mga naisip ko na bobo ako. Tanggap ko naman iyon lalo na at wala naman akong pinag-aralan ni wala nga akong maipagmamalaki.

Siguro nga may taong perpekto. Sila yung may mga pinag-aralan.

Nahiga nalang ako at inisip ang mga karanasan ko noon.

Dati naranasan ko ng mamalimos dahil wala talaga akong pera na pangkain at sobrang gutom na ako.

Tapos yung time na nahit and run ako.

Hindi ko maiwasang hindi mangilid ang mga luha. Sobrang nahihirapan talaga ako at parang gusto ko ng mamatay pero sino ba naman aki para sayangin ang buhay na ibinigay sa akin diba?

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng kadiliman.

Always remember that nobody's perfect...

BEKS, I love youWhere stories live. Discover now