CHAPTER 6

760 68 1
                                    

CAHPTER 6

Hindi ako makatulog ng maayos, hindi ko alam pero naiirita na talaga ako sa baklang iyon.

Naalala ko nanaman ang sinabi niya na h'wag akong magpagupit. Ano naman kung magpagupit ako? Ano bang pake niya?

Ah oo nga pala bakla baka naiinggit lang na mahaba ang buhok ko, hindi ko alam kung saan ako naiirita.

Siguro dahil sa weirdong pamiramdam na naramdaman ko.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at pinilit ang sarili na makatulog.

*****

Kinabukasan ay may nag-alok sa akin ng rakket. At ang rakket na iyon ay magtinda sa tindahan ni aling nene.

400 din ang kwarta na ibibigay sa akin, aalis kasi ito at isang araw mawawala.

"Hoy beks! Samahan mo ako kila aling nene!" Sigaw ko sa bakla na may kung anong puting bagay na nakalagay sa mukha habang nakahiga.

"Anong gagawin natern doon tombits?" Maarteng tanong niya.

"Tatao tayo sa tindahan niya at tutulungan mo ako." Wika ko.

"Why me?" Matinis na tanong nito.

"Dahil wala kang kwenta!" Sigaw ko sabay tanggal ng kung ano sa mukha niya sabay hila dito.

"Kakainis ka naman tombits e! Nagbe-beauty rest ako!" Sigaw din niya sa akin.

"Tanga! Kahit anong gawin mo hindi ka magiging babae!" Diretsong sabi ko sa kanya.

"Chaka mo ghorl! Ikaw din hindi ka na magiging lalaki!" Irap nito sa akin.

Hindi ko nalang ito pinansin at pumunta na sa tindahan ni aling nene, at kagaya ng dati nasa tapat ng tindahan nila ang mga fambay na laging nag-iinom.

"Hoyy sunog baga na kayo d'yan mga tsong ah?" Suway ko sa kanila.

"Okay lang kami carlo! Ang masasamang damo matagal mamatay!" Natatawang sabi ng isa.

"Tagay ka ashton!" Alok ni onyok.

"Ayy ayoko!" Mabilis niyang sagot.

"Tatao kami dito sa tindahan ni aling nene." Sambit ko.

"Aba ayos yan! Pautangin mo kami!" Masayang singit nung isa.

"Magbagong buhay na kayo, olats tayo kapag pinautang ko kayo." Natatawang sagot ko.

"Hoyy carl! Ayusin mo ang pagtitinda baka namab kumupit ka?" Mataray na tanong ng matandang dalaga.

"Aba aling nene! Itong itsura ko? Magnanakaw? Ha! Nakakalalaki na kayo!" Naiinis na sambit ko.

"Hindi ka lalaki tombits ka!" Singit ni beks kaya nabatukan ko ito.

"Aba'y kasama mo pala itong si pogi? Pogi ikaw na tumao okay? Bibigyan kita ng tip mamaya." Malanding sabi ni aling nene sabay hawak nito sa dibdib ni bakla pababa pero bago pa ito tuluyang bumaba ay kinapitan ko na ang kamay nito.

"Aling nene matanda ka na, h'eag mo ng patulan pati bakla." Sabi ko sa kanya.

Inirapan naman ako nito at parang nagpa-cute kay beks.

"Inaaway ako ng kasama mo." Parang bata niyang sumbong kay beks at halos masuka ako.

"Umalis ka na nga! Nakakadiri ka!" Inis na taboy ko dito sabay tulak sa kanya.

Muntik pa itong madulas kaya nagtawanan ang mga tambay.

Napatingin naman ako kay beks ng makaalis na si aling nene, nakatulala ito habang nanglalaki ang mata.

"Huy! Anong nangyari sayo? Para kang tuod diyan?" Natatawang tanong ko.

"T-tombits T__T h-hinarass ako n-nung matanda na yun." Naiiyak niyang sumbong sabay turo kay aling nene na malayo-layo na.

"Bakit ka kasi nagpa-harass?" Biro ko.

"B-bakit hindi mo a-ako pinagtanggol!" Tanong nito sa akin.

"Sorry na HAHAHAHA." At natawa ako.

Pati na din sila onyok ay natatawa sa kanilang narinig at nakita.

"Tara na pumasok sa loob." Sambit ko sabay pasok sa loob ng tindahan.

"Siguro naman hindi malalaman ng chakalu na mader na yun na jumupit ako ng isa?" Tanong ni beks sabay bukas ng isang titsirya.

At habang busy kami sa pagtitinda ay may narinig akong ingay...

Arfff! Arfff! Grrr!

Rinig kong tahol ng isang aso. At ng tignan ko kung sino ang hinahabol ng aso ay halos matawa ako.

"AHHHH! MOMMYYYYY!" Sigaw nito sabay punta sa gawi namin at umakyat sa upuan.

Pagkatapos ay pinagbabato ang aso na humahabol sa kanya. Hindi naman nagtagal ay umalis na ang aso kaya nalalantang napaupo ito sa upuan.

"Gagong aso yun! Hinabol ako kasi sinipa ko yung ka-eut-an niya!" Pasinghal nitong kwento kaya natawa kami.

"Tanga ka pala, ikaw kaya sipain ko habang nakikipag-eut-an hindi ka ba magagalit?" Natatawang tanong ko sa kanya habang nakasilip sa tindahan.

Si beks naman ay tahimik sa isang gilid at mukhang lutang dahil hinarass daw siya ni aling nene.

"Oh? Andyan ka pala pre! Musta buhay?" Natatawang tanong niya ng makita ako.

"Ito nagkaroon ng palamunin." Natatawang kwento ko sabay turo kay beks.

"Hahaha parang ang tagal kong nawala ah? Ang dami mong ikukwento sa akin." Wika niya.

"Pabili nga ng RC nauuhaw ako." Agad ko namang binigyan siya ng binibili niya.

"Saan ka ba nagsususuot Cylan? Bakit nawala ka bigal?" Tanong ko sa kanya.

Siya si cylan Rodriguez, isang lalaki na katulad ng buhay ko. Pareho kaming naulila sa ina. Ang sa akin lang ay 10 years old nawala si nanay pero ang kanya nung 18 soya.

Naging magtropa kami at laging magkasama sa lahat ng kalokohan.

"May inasikaso lang ako pre, masyado mo naman akong namiss." Natatawang biro niya.

"Nga pala ipapakilala kita dito sa palamunin ko." Wika ko sabay hila kay beks.

"Ano ba? Bakit ka nanghihila?!" Inis nitong tanong sa akin.

"Ipapakilala kita sa tropa ko." Sabi ko sabay turo kay cylan.

Pagkatingin niya kay cylan ay nanlaki ang mata niya at namula.

"Cylan si ashton nga pala." Pakilala ko.

Nilahad naman agad ni cylan ang kamay niya at nakangiting tumingin kay ashton.

"Cylan nga pala pre!" Maangas nitong pakilala.

"A-ashton nge pele pengelen ke pere Ashley nalang." Namimilipit ang dila na sagot ni beks kaya sabay kaming napatingin sa kanya ng may pagtataka.

"What?/Ano?" Sabay na tanong namin ni cylan.

"A-ah ehem! Sabi ko ako si ashton pre nice meeting you." Managas din nitong pakilala.

Alam kong pilit lang itong nagpapakalalaki kahit kita ko naman na kinikilig siya kay cylan.

"Hoy bakla h'wag kang malandi tropa ko yan." Inis na bulong ko sa kanya.

"Pake ko tombits? Pogi akin nalang sherep!" Malandi din niyang bulong.

Hindi ko alam pero parang bigla akong nainis kay cylan! Bwisit! Ano ba ito..

BEKS, I love youWhere stories live. Discover now