//Zuri\\
Gumising ako ng maaga para maghanda ng aming makakain. Tapos na akong maligo at ngayon ay nakasuot lamang ako ng sando at short pero syempre may mga suot akong panloob no. Ngayon kasi ang unang araw ng aming pasukan.
Nagluto ako ng fried rice, dinamihan ko na dahil alam kong matatakaw sila. Nagprito din ako ng itlog na nilagyan ko ng sliced tomato and onions ang gitna nito bago itiniklop. Nagprito na rin ako ng Hotdog, Bacon, tsaka chicken nuggets at nagtimpla ako ng gatas at kumuha ng katas ng grapes upang gawing juice. Nakakamangha na may mga pagkain rin pala dito na akala ko ay makikita lamang sa mundo ng mga tao.
Inilagay ko na ito lahat sa mesa at naglagay na rin ng mga plato tsaka kutsara't tinidor. Nagslice rin ako ng mansanas at inilagay ko muna ito sa plato bago ilagay sa mesa.
Pagkatapos ay umupo muna ako. Napangiti ako nang maalala ang sinabi sa akin kagabi ni Hedi. Pumunta kasi siya sa kwarto ko kagabi at nagkwentuhan kami.
Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ng aking kwarto. Agad akong tumayo at binuksan ito. Bumungad sa akin ang nakangiting si Hedi.
Pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa kama. Sinarado ko na muna ang pinto bago tumabi sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" malamig kong sabi, napabusangot naman ang kanyang mukha.
"Nagsusungit ka na naman?" saad niya. Inirapan ko siya.
"Masaya ako at ikaw ang kauna-unahang napunta sa Lagandaria section, Zuri." masayang wika niya. Napatingin ako sa kanya.
"Hindi naman dapat ako ang napunta doon. Hindi ako karapat-dapat." malungkot kong wika. Tumawa naman siya.
"Ano ka ba?! Kaya nga nandito kami diba? Tutulungan ka naming tuklasin ang kapangyarihan mo at sama-sama tayo dito. Kaibigan ka namin eh!" nakangiting wika niya.
"Kaibigan?" tanong ko. Hindi ko alam na kaibigan pala ang turing nila sa akin. Naguguilty tuloy ako dahil hindi ko man lang sila matukoy na isang kaibigan ko. Napakasama ko na ata.
"Oo kaibigan ka namin. Kami ba?" sagot niya. Natigilan naman ako.
"A-ano... Bakit ba gusto niyo akong maging kaibigan?" pag-iiba ko ng usapan. Nakita ko naman ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata. Nasaktan ko ata siya.
"Simple lang dahil may tiwala kami sa iyo at hindi ka katulad ng iba." sagot niya. Sandali naman akong natahimik.
"Mahirap magtiwala---" hindi niya na ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Pero walang masama sa pagtitiwala. Ang masama ay ang taong sumisira ng tiwala. May pagkakaiba yun." sabi niya. Napayuko naman ako. Napaisip ako saglit. Siguro nga ay masyado lamang akong nagpaapekto sa nakaraan ko.
"Masyado na ba akong masama?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya tsaka ngumiti.
"Hindi ka naging masama. Masyado mo lang prinotektahan ang sarili mo kaya..medyo nasobrahan HAHA!" nag-aalangang sabi niya sabay tawa. Tumawa rin ako sa kanya na ikinahinto naman niya.
"Pasensya na kung ganun ako. Don't worry, I'll try to change myself." nakangiti kong wika. Nanlaki naman ang mata niya.
"Talaga?! Ibig sabihin bibigyan mo na kami ng chance. Hindi mo na kami susungitan?" parang bata siya habang sinasabi iyon. Parang nagniningning ang kanyang mga mata sa tuwa. Ganun ba talaga ka big deal to para sa kanya?
Tumango naman ako sa kanya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Dahil sa labis niyang tuwa ay napahaba ang aming kwentuhan at mas naging komportable ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]
FantasyZuri is a normal student before. She was broke, betrayed and played. Thinking that no one could fix her shattered pieces, she became a total hater of human race. No single person can diss her, not until Kaia came and she found out that she's no long...