//Zuri\\
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. 5:40 a.m. pa lang. Ginising ko rin si Kaia upang magpatulong sa kanya na buhatin ang bulaklak at ilagay sa may bintana pero hindi ito namin nakayanan kaya ginising na rin namin ang iba sa mga kwarto nila.
"Ano bang trip mo Zuri at ginising mo pa kami ng maaga para lang pabuhatin ng bulaklak na to! Katumbas ata ang bigat nito sa apat na tao eh." reklamo ni Wren habang tumutulong sa pagbubuhat ng bulaklak. Binatukan ko naman siya. Makareklamo to, kala mo naman kung siya lang mag-isa ang pinagbuhat. Anim kaya sila! Tsk!
"Ipapakita ko nga sa inyo na Glass Flower ang bulaklak na iyan. 'Yan ang bulaklak na hinahanap natin." sabi ko pero di pa rin sila naniniwala.
"Shit! My pretty hands." sigaw ni Aland nang maipit ang kanyang kamay sa ilalim ng pot. Binuhat ulit nila pataas ang bulaklak upang maalis ang kamay ni Aland. Di na maipinta ang mukha ng mga lalaki. Nakakatawa!
"Siguraduhin niyong matatamaan ng sinag ng araw yan ha." sabi ko. Inusog naman nila ito ng kaunti.
"Tapos na Madam!" sigaw ni Philippe. Napatawa nalang ako sa mukha nila. Tagaktak ang kanilang pawis.
Napatingin ako sa orasan. 6:01 a.m. na.
"Malapit na. Hintayin niyo lang." di namin inalis ang aming paningin sa bulaklak. Nararamdaman ko na ang init ng haring araw.
Unti-unti nang tumatama ang sinag ng araw sa bulaklak. Ayan na! Nananabik na akong makita ang bulaklak!
Ilang minuto pa ang lumipas ay wala paring nagbabago sa bulaklak.
"Niloloko mo ba kami Zuri?" baka ako ang naloko. Damn! Lagot talaga si Shaia sa akin.
Pero, baka ito talaga ang Glass Flower ngunit hindi pa sapat na nasisinagan ng araw.
Lumapit ako sa bulaklak at sinubukan itong iusog ngunit napatalon rin ako sa gulat ng mag-apoy ito bigla.
"Ba't niyo sinunog?" natataranta kong tanong tsaka tiningnan ng masama sina Yohji at Asher pero nakatulala lamang ang mga ito.
"WOAAAHHH!!!" they exclaimed in unison. Napatingin ako sa likod ko kung saan sila nakatingin.
Nanlaki ang mga mata ko tsaka napatalon sa tuwa habang pumapalakpak.
Napakaganda ng bulaklak na nakikita ko sa aking harapan ngayon. Kumikinang ito habang unti-unti namang nawawala ang apoy.
Now I get it! Kailangan pala ng labis na init upang maging kabuuang diyamante ang bulaklak. Magkaiba ang init ng araw dito sa mundo ng mortal kaysa sa mundo ng mga immortal.
"Sabi ko na sa inyo eh! Tapos na ang mission natin!!! Wooooo!" sigaw ko at umikot-ikot ulit sa kwarto.
"Galing mo Zuri! Paano mo nahanap to?" natutuwang saad ni Naya. I smiled.
"Tinulungan ako ng anak ni Flora Fauna." sabay silang napalingon sa akin habang nanlalaki ang mga mata.
"May anak si Flora Fauna?" sabay na tanong nina Rei at Yohji. Tumango naman ako. Bakit di nila alam? Marami pa bang mga bagay na wala sa kanilang kaalaman?
"Yeah! She's my friend, Shaia." sabi ko. Napanguso naman si Kaia.
"The bully who bullied me and a friend who betrayed you?" naiinis na sabi niya. Natawa naman ako.
"Hindi talaga siya ganun. She's still a good friend." sabi ko. Umirap na lang siya tsaka tumahimik na. Napailing na lamang ako.
"What about a celebration for our victory?" pag-agaw ni Wren sa aming atensyon. Napangiti naman ako pero agad rin na napawi ang ngiting iyon.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]
FantasiZuri is a normal student before. She was broke, betrayed and played. Thinking that no one could fix her shattered pieces, she became a total hater of human race. No single person can diss her, not until Kaia came and she found out that she's no long...