Part 14: Trick or Threat?

34 21 0
                                    

//Zuri\\

"Bitawan mo nga ako!" tili ko dahil kinakaladkad ako ngayon ni Asher habang hawak ang kwelyo ko. Tinitingnan na kami ng mga taong nakakasalubong namin. Nakakainis talaga ang asong to! He's mistreating me!

Kanina kasi nang matapilok siya ay binagalan ko nalang ang pagtakbo. Nakalimutan ko na kaya niya nga palang mag teleport kaya heto ako ngayon. Parang pusang gustong kumawala.  Ngayon ay papunta na kami sa cafeteria.

Nang makapasok na kami sa cafeteria ay biglang tumahimik ang paligid. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng cafeteria. As expected, the place looks so magical.

Maraming lumulutang na mga tray patungo sa mesa ng mga estudyante. Marami ring human fairies na lumilipad  at nag-iiwan ito ng mga pixie dust. Mayroong mga upuan at mesang lumulutang sa taas at napansin kong halos lahat ng human fairies ay doon pumwepwesto. Doon siguro ang organized spot para sa kanila.

Nang makita namin ang aming mga kaibigan sa bandang gitna ng cafeteria ay agad na naman akong kinaladkad ni Asher. Napaface-palm na lamang ako. Tsk!

Nadatnan namin silang tumatawa at ng mapansin ang aming presensya ay napahinto sila at binigyan kami ng seryosong tingin.

"Saan kayo galing?" tanong ni Aland at mataman kaming tiningnan. Inirapan ko lamang siya.

"Sa garden." maikling sagot ko. Pinaningkitan nila kami ng mata.

"At anong ginagawa niyo doon?" sabat naman ni Kaia. Napapikit ako tsaka napabuntong hininga. Bakit ba ang dami nilang tanong?

"We just talked about some matters." malamig na sagot ni Asher tsaka umupo na sa tabi ni Philippe. Umupo na rin ako sa tabi niya dahil wala nang iba pang pwesto.
Nag-isip ako ng mga pagkain na bibilhin ko.

Nagulat ako nang biglang lumitaw ang mga pagkain na naisip ko at lumapag ito sa harapan ko. Ganun rin ang nangyari kay Asher. Woah!

Di na ako nagtanong pa kung paano nangyari yon. Kumain na lamang ako dahil gutom na gutom na ako.

"Zuri, try this candy." narinig kong sabi ni Asher. Mabilis akong humarap sa kanya at agad kinain ang inilalahad niya kahit hindi ko pa nakikita kung ano ito. Nagulat naman siya sa aking ginawa pero mas nagulat ako sa lasa ng kinakain ko ngayon na 'candy' daw.

Napatayo ako at napatili. "Tubig! Maanghang! Wahhh! I need water!" nagtawanan ang mga kaibigan ko pati na rin ang ibang nakakarinig sa akin. Binigyan naman ako ng tubig ni Theirry.

Maluha luha akong umupo ulit sa aking upuan. Walanghiya!! Inilabas ko ang dila ko na parang aso habang nag iinhale-exhale ng hangin.

Hinatak ko ang buhok ni Asher tsaka kinurot kurot ko ang braso niya. Hindi na talaga ako magtitiwala sa mga pagkaing ibibigay niya! Maliban na lang kung alam kong safe ito. Hmp!

"Aww! Stop it, Cat!" sigaw niya. Aba?! At may gana pa siyang tawagin ako na pusa? Arrghhh! Ang anghang! Binitawan ko na siya.

Humarap ako sa mga pagkaing nasa harap ko. Pinasakan ko ng mga fries ang bunganga ko. Ang anghang talaga ng pinakain niya. Napapahid ako ng tumulong luha sa mata ko.

Dahil sa anghang na nararamdaman ko ay naiyak na ako. Bwesit talaga tong si Asher!

"I thought you'd like it." biglang sabi ni Asher. Tiningnan ko siya ng masama.

"Paano ko yun magugustuhan? HA?! HA?! Paano?!" impit kong tili. Huhuhu! Ang anghang...

"Because it's candy. Chilli Candy." sagot niya tsaka nagkamot pa ng batok. Binatukan ko siya ng sobrang lakas. Hindi ko akalain na Leader namin ang lalaking to. Tss, jerk! I was tricked because of my too much affection towards those candies.

Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon