//Zuri\\
"We must find it as soon as possible!" sumang-ayon ako sa kanya.
"Matanong ko lang po. Gaano ba ka halaga ang Glass Flower sa inyo?" sabay sabay silang lahat na napatingin sa akin na para bang may mali akong natanong.
"Sobrang mahalaga iha! Ngayong paparating na Flora Festival lamang maipapakita sa lahat ang bulaklak na iyon bilang alay sa muling pagpapakita ng dyosa na si Flora Fauna. Ang bulaklak na iyon ay simbolo sa pagsibol ng bagong kasaganaan dito sa bayan ng Enchanted. Matagal na ring gustong makita ng mga Royal Families ang bulaklak na iyon kaya talagang dapat na makita agad namin iyon." paliwanag ng Lola ni Qeira.
May paparating na Flora Festival sa bayan ng Enchanted? Nako! Magdadagsaan na naman ang mga magagandang bulaklak.
"Uhm..Lola, kung ninakaw nga yung glass flower sa inyo, ano naman ang magiging dahilan nito? Sabi niyo nga diba, magbibigay ito ng bagong kasaganaan dito sa mundo ng Enchanted?" sabi ko ulit. Hindi na naaalis ang kanilang mga tingin sa akin. Wala na akong pakielam. Basta, gusto ko lamang matulungan sila.
"Yun nga rin ang ipinagtataka ko iha. Tsaka imposibleng may makapasok sa kwartong kinalalagyan ng Glass Flower dahil punong puno ito ng mga lock. Hindi rin naman makakapasok ang Dark Magic Holders doon dahil protektado ang kwartong iyon ng mga diwata." paliwanag ni Lola. Napatango na lamang ako. Ano bang magagawa ko? Wala pa naman akong masyadong alam sa mga mahika.
"Baka po naubos kainin ng mga paru-paro? " wala sa sariling tanong ko.
"Stop joking, Zuri." seryosong sabat ni Asher. I pout. Di naman ako nagbibiro eh. Sa dami ba naman ng mga paru-paro dito, napakalaki ng posibilidad na sila nga ang gumawa nun. Kaso di naman pwedeng kainin nila pati flower pot, eh?
"Anong nangyari Leader?" rinig kong tanong ni Philippe. Napabaling ang aking tingin sa mga bagong dating na mga kaibigan namin. Sinong nagsabi sa kanila na pumunta dito?
"Oo nga. Bakit mo kami pinatawag Leader?" tanong naman ni Theirry. Ah.. Si Ashed pala ang tumawag sa kanila. Okay.
"The Glass Flower was missing." sagot nito.
"ANO?!" sabay nilang sigaw habang nanlalaki ang mga mata with matching one step forward pa. Well, importante nga talaga yung Glass Flower.
"Don't worry Lola. We'll tell this matter to our Headmistress at pangako pong gagawin namin ang lahat para matulungan kayo sa paghahanap." sabi ni Hedi. Hindi pa rin maialis ang pagkabahala sa mukha ng matanda.
"Salamat talaga sa inyo mga iho, iha. Hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa mga Royal Families at sa mga diwatang ipinagkatiwala sa akin ang bulaklak. Maraming salamat talaga!" pagpapasalamat ni Lola. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Royal Families daw? Eh, nasa harapan niya na ang mga prinsepe't prinsesa eh.
"Sige po, mauuna na po kami." paalam ni Asher tsaka tumalikod na.
"Kuya Asher!" sigaw ni Qeira tsaka tumakbo palapit kay Asher. Lumuhod naman ang siya para mapantayan si Qeira.
"Kuya Asher, kailan ko po kayo ulit makikita?" tanong nito sa kanya. Niyakap muna siya ni Asher bago sagutin.
"Wag kang mag-alala baby, mamamasyal ulit tayo. Pupunta kami dito sa bayan sa darating na Flora Festival." sabi ni Asher tsaka ginulo ang buhok ni Qeira.
"Alis na po kami. Bye, Qeira!" paalam namin sa kanila.
Lumabas na kami ng Florist Shop pero syempre nagpaalam rin muna ako kay Qeira, personally.
"Guys, teleport nalang tayo." biglang suhestiyon ni Rei. Agad silang sumang-ayon.
"Lakad na lang tayo. Ang dami niyo eh! Baka maubos pa yung energy ko, hindi pa naman ginagamit ni Leader ang kanyang teleportation ability sa ganitong sitwasyon kaya lugi talaga ako." reklamo ni Philippe. Inirapan naman siya ni Asher.
"Sige na. Nakakapagod na kasing maglakad eh." pangungumbinsi ni Theirry. Mababakas sa mga boses nila na pagod na nga sila. Yan kasi! Siguro itinuloy talaga nila ang pagsakay sa iba pang mga rides.
"Ayy sige! Mag teleport nalang tayo. Lapit na kayo sa akin." sabi ni Philippe.
Ayy! Ganun? Sinabi lang ni Theirry na pagod na siya ay pumayag na agad. Hmmm? I smell something---sweet!
Napalingon ako sa katabi ko na nakahawak sa aking beywang. Si Asher pala! Ang bango ng perfume niya. Siguro isa ito sa mga binili niya nung pumunta kami ng mall.
Uy, huwag kayo ah! Lahat naman kami magkahawak-beywang para walang may maiwan sa pagteteleport. Walang malisya.
Isang pitik lang ay agad na kaming nasa harapan ng Headmistress Office. Anong ginagawa namin dito?
"We need to tell about the lost glass flower to our headmistress, remember?" pagsagot ni Asher sa tanong ko sa aking isip. Teka! Sinarado ko na ang isip ko ah!
"Close it again." sinubukan ko na ulit isarado ang isip ko at nagawa ko naman agad ito gaya ng dati.
Kumatok ng tatlong beses si Rei sa pinto ng headmistress. Agad na nagbukas ang pinto kasabay ng permiso ng Headmistress na maaari na kaming makapasok.
"Magandang hapon po Headmistress." bati namin sa kanya na sinuklian niya naman ng isang matamis na ngiti.
"What brought you here?" tanong niya habang sinesenyasan kaming maupo sa pahabang upuang nasa harapan niya. Agad naman kaming umupo.
"Headmistress, Uhm.. Nalaman kasi namin kanina na nawala daw po yung Glass Flower." simula ni Kaia.
"Nabalitaan ko na nga rin iyan." Ang bilis talaga ng balita.
"Nababahala po ang taong pinagka-tiwalaan ng dyosang Flora Fauna na mag-alaga ng bulaklak." wika ni Wren habang nakahawak pa sa baba niya.
"Batid ko ang kanyang nararamdamang kaba bagama't ang pagdiriwang ay nalalapit na. Ang Glass Flower ang magpepresenta sa bawat bulaklak dito sa Enchanted at alay rin para sa mahal nating dyosa." wika ni Headmistress. Kinuha niya ang kanyang salamin sa mata at diretsang tumingin sa amin.
Ibinaling niya ang kanyang atensyon sa akin tsaka ako binigyan ng isang ngiti. Bigla akong nailang at di mapakali kaya nag-isip ako kung ano ang gagawin ko.
"Ano pong maaari naming maitulong sa paghahanap?" magalang kong tanong. Sumilay ang isang ngisi sa labi ng Headmistress kaya parang biglang umatras yung dila ko.
"Napakalaking tulong ninyo para sa akin.." pabitin na sabi ng headmistress bago kami isa-isang tiningnan.
"Dahil ibibigay ko itong isang misyon para sa inyo. Misyon ninyong hanapin ang nawawalang Glass Flower." nakangiting wika nito.
Nagkatinginan kami. Lahat sila ay nakangiti maliban sa akin na naguguluhan pa rin.
Misyon?
Ito ang magiging kauna-unahan kong misyon kasama sila.
Sana'y hindi ito maging mapanganib.
_________________________________________
Hello guys!!
If you'll notice some mistakes please kindly inform me in the comment box. Thank You!!
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]
FantasyZuri is a normal student before. She was broke, betrayed and played. Thinking that no one could fix her shattered pieces, she became a total hater of human race. No single person can diss her, not until Kaia came and she found out that she's no long...