Part 21: I'm back but no longer the same

27 13 0
                                    

//Zuri\\

Nandito kami ngayon sa tapat ng isang parke. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin namin ang kailangan naming gawin.

Napagpasyahan kasi namin na ang susunod na lugar na pag hahanapan namin ng glass flower ay yung mga school dito dahil sabi nga nung mga puno kanina. May nakita daw silang isang logo sa suot ng taong nakita nila kaya malaki ang posibilidad na maaaring nasa school ang hinahanap namin. Di naman siguro sa mga opisina o factories nanggaling yun diba? Sa school kasi may mga garden kaya yun muna ang uunahin namin na lugar.

Wala rin naman dito sa park yung hinahanap namin dahil kanina pa kami ikot ng ikot dito ay wala talagang kahit anino ng hinahanap namin. Napagkamalan pa nga kaming mga baliw eh.

"What if mag disguise tayo?" suggest ni Hedi. Tiningnan ko naman siya habang nakakunot ang noo.

"Bakit kailangan pang mag disguise? May nagawa ba kayong kasalanan noong nandito pa kayo sa mundo namin?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Correction. This is NO LONGER your world Zuri." sabat naman ni Philippe.

"Oo na, Oo na! So, ano nga?"

"Wala naman kaming nagawang kasalanan pero nakalimutan mo na ba ang usapan natin noon na BAWAL ka munang magpakita sa mga magulang mo dahil baka mapahamak sila? Paano kung may maka kilala sayo diyan? Edi, sasabit tayo niyan." paliwanag ni Hedi.

Oo nga pala. Akala ko pa naman malaya ko nang makikita ang mga magulang ko. Hays.

"What if si Zuri nalang ang mag disguise? Siya lang naman ang hindi dapat magpakita eh at, isa pa sayang rin kung itatago ko itong gwapong mukha ko no." sabi naman ni Wren.

"Agree!" halos magkapanabay sa sabat nina Aland at Philippe. Taas ng self confidence, parang gusto kong pumalakpak.

"Fine!" pagsuko na sabi ni Hedi. Umirap pa ito sa tatlong lalaki.

"So, Zuri, Anong gusto mong disguise make-over? Nerd? Boy? Tomboy? Baddass?" Excited na tanong ni Aria na may kasama pang palakpak.

"Hmmm.. Masyado nang common ang nerd, boy, tomboy as disguise at kung baddass naman ay parang wala namang pinagkaiba yun sa dating ako. I want an innocent but savage look." nakangisi kong ani. Napangiti naman ang mga babae.

"Ano pang hinihintay natin? Maghanap na tayo ng matutuluyan at nang masimulan na namin ang bagong looks ni Zuri and lastly, nang matapos na itong misyon natin." atat na sabi ni Theirry at agad pumara ng taxi.

Natawa naman ako ng pinilit talaga nilang ipagkasya ang kanilang sarili sa isang taxi pero sa huli ay hindi nila iyon nagawa kaya no choice kundi pumara ulit sila ng tatlo pang taxi.Nagpahatid kami sa taxi sa five star hotel.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay agad na kaming nakarating sa aming destinasyon. Bumaba na kami matapos akong magbayad ng pamasahe naming lahat sa apat na taxi. Hays..

Buti nalang talaga at dala ko yung pera ko tsaka yung black card ko dahil kung hindi, Naku! Magmumukha kaming pulubi, lalo na tong mga kasama ko.

Nag check in kami sa hotel at kumuha ng anim na room na may dadalawang kama.

"Here maam, sir. Dito po ang magiging rooms niyo. I hope you'll enjoy your stay in here. Thank You and call us if you need something." sabi ng manager. Siya talaga ang nag insist na maghatid sa amin sa mga kwarto namin. How kind, right? Tss.

Nang makitang nakalayo na ang manager sa amin ay agad na kaming pumasok sa mga kwarto namin. Kasama ko naman si Kaia sa isang kwarto na room 54.

Sa room 55 ay sina Hedi at Aria. Sa room 56 naman ay sina Theirry at Naya. Room 56 sina Asher at Yohji. 57 sina Rei at Wren and lastly, room 58 sina Aland at Philippe. Ang hindi mapaghihiwalay. It's a bad idea to put them together co'z I know that they can surely create a big havoc.

Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon