Part 12: Puzzled Minds

36 22 0
                                    

-Asher-

Matapos ang naganap na sunog kahapon ay wala pa ring malay si Zuri hanggang ngayon at nagpasya sina Headmistress na mas bantayan pa namin si Zuri. Magsisilbi itong misyon para sa amin. Dahil rin ito sa babaeng Dark Magic Holder na nadakip namin kahapon. Isa siyang malaking threat para sa lahat ng Light Magic Holders dahil delikado ang kapangyarihan niya.

At isa pa, nakakapagtaka rin daw kasi na wala pang isang linggo dito sa Enchanted si Zuri ay ilang beses na siyang napapahamak. Hindi naman siguro gagawin ng mga Dark Magic Holders ang mga bagay na ginawa nila noong nakaraan kung ang dahilan lang ay maaaring mawalan sila ng mga ruta dahil kay Zuri, hindi ba? Mayroon pang mas malaking rason na nakatago dito na kailangan naming alamin dahil alam kong maparaan ang mga Dark Magic Holders at hindi sila basta bastang susugod kung wala silang sapat na dahilan o baka naman gusto lang talaga nilang kunin si Zuri para wala nang sagabal sa kanila?

Alam naman namin na kailangan talaga siya naming protektahan dahil bukod sa kaibigan siya namin at hindi niya pa alam ang mga kaya niyang gawin ay siya rin ang malaki ang maitutulong sa amin na alisin ang pangunahing ruta ng mga Dark Magic Holders.

Napatingin ako kay Zuri na unti-unting naghihilom ang mga sugat habang wala pa ring malay. Gaya ng dati ay hindi pa rin siya kayang gamutin ng mga healers. Kusang naghihilom ang mga sugat niya. Suspetya namin ay meron siyang Healing Ability.

Ang hinala ko ay may power siyang apoy, base dun sa ginawa niyang pagkontrol ng apoy dun sa nasusunog  na Furniture Shop at Pet Shop at sa kakayahan niyang humawak sa umaapoy at nakakapaso kong sandata na bow and arrow. Suspetsa naman ni Wren na wind ang power niya dahil dun sa nakita niyang pagtalon ni Zuri sa bintana noong sumugod ang mga Dark Magic Holders sa school at pinatamaan ng mga palaso ang aming silid at dahil sa pagtalon niya ay kaya mas napauna siya sa pagbaba kaysa samin.

Sabi naman ni Kaia na may Telepathy Ability rin daw si Zuri dahil kaya niyang marinig ang boses ni Kaia sa isip niya at kaya niya ring magsalita sa isip ni Kaia gamit lamang ang isip niya. Napansin naman daw ni Hedi na sa tuwing kinakabahan si Zuri ay tsaka naman na may nangyayaring hindi maganda kaya sa tingin niya ay may Danger Warning Ability si Zuri.

Opinyon naman ni Aria ay mayroon daw Persuasion Ability si Zuri base sa kakayahan niyang mapasunod kami sa utos niya noong umatake ang Dark Magic Holders kahit na alam naman namin na wala pang masyadong alam si Zuri ay hindi kami tumutol sa mga sinasabi't iniutos niya. Sabi naman ni Philippe na Super Vision daw ang ability ni Zuri dahil kaya niyang makakita ng tao kahit nasa malayo at para naman kay Aland ay Sharpshooting Ability ang taglay ni Zuri dahil magaling niyang tinatamaan ang mga kalaban niya kahit sa isang tira lang base sa nakita niya noong lumaban kami sa mga Dark Magic Holders.

Plus, yung nakita at alam naming lahat na siguradong taglay na abilidad ni Zuri. Ang Sonic Scream Ability.

Nagkatinginan kaming lahat na parang ipinapahiwatig ng aming mga tingin kung mayroon pa ba silang ibang napansin. Nagtaas naman ng kamay sina Yohji at Rei pati si Kaia. Tinanguan ko sina Yohji at Rei na sabay nagtaas ng tingin.

"Noong first day of school, that time ay magpapalevel pa lang tayo. Hindi ba nagpakilala kami sa kanya? Tapos sinabi niya 'I'm Zuri' at sinagot ko siya ng 'It's okay!' tapos sabi naman ni Rei 'For What?' kaya sinamaan niya kami ng tingin. Nang mga oras na nakita ko ang masama niyang tingin ay nakaramdam ako ng paso kahit Fire Holder naman ako." paliwanag ni Yohji at huminto muna.

"Ini-spell out niya yong pangalan niya para ipaintindi sa amin na nagpapakilala siya hindi humihingi ng paumanhin at sumagot ako ng 'Ganun ba? Edi sorry!' kaya mas lalo niya kaming tiningnan ng masama at mas lalo kaming nakaramdam ng init at medyo mahapdi na ito sa balat kaya tiningnan ko si Yohji at sinabi niyang hindi siya kaya tiningnan rin namin si Leader pero tinaasan niya lang kami ng kilay kaya napagtanto namin na hindi rin siya kaya nagtaka kami. Nung naglalakad na tayo para pumunta sa lugar kung saan ginaganap ang Leveling ay mas lalo kaming napapaso. We tried to avoid Zuri at dun lang kami nakahinga ng maluwag." pagpapatuloy ni Rei. Napaisip naman ako.

Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon