//Zuri\\"Handa na ba lahat ng gamit niyo?" tanong ni Theirry. Tinanguan namin siya.
4:00 A.M pa lamang ay nakahanda na kami sa aming misyon. Ang sabi kasi ni Headmistress kahapon ay ngayon daw namin gagawin ang aming misyon dahil wala nang sapat na oras. Ngayon ay pupunta na kami sa napag-usapang tagpuan. Naghihintay doon sina headmistress sa amin.
Walang kabuhay-buhay kami habang naglalakad sa pasilyo.
Tiningnan ko ang aking mga kasama. Ang mga lalaki ay humihikab samantalang ang mga babae naman ay nakapikit pa, maliban sa akin na buhay na buhay na ang kaluluwa.
Naeexcite kasi ako na may halong kaba. Ikaw ba naman kasi ang isabak sa isang misyon na wala pang kaalam-alam. Ni hindi man lang ako sumabak sa isang puspusang training.
Nang mapagtanto ko na malapit na kami sa napag-usapang tagpuan ay agad kong inayos ang pagkaka-insert ng suot ko na black sleeveless sa high-waist shorts ko. Pinaresan ko ito ng isang low-cut shoes. Sa ganitong suot kasi ako malayang nakakagalaw.
"Magandang umaga!" pagbati ng Headmistress sa amin.
"Magandang umaga po.." walang ganang bati ng mga kasama ko.
"Handa na ba kayo?" tinanguan na lamang namin siya.
"O siya! Pumasok na kayo sa lagusan papuntang kagubatan. Siguraduhin niyong hindi kayo hihinto sa paghahanap sa kagubatan hangga't hindi niyo pa natatagpuan ang inyong hinahanap at kung sakaling wala nga sa kagubatan ang bulaklak ay agad kayong pumunta sa mundo ng mortal. Pumunta na rin kayo sa mga lugar na imposibleng naroroon ang inyong hinahanap dahil nabasa ko sa libro na ang bulaklak ay masyadong mapanglinlang at mapaglaro. Tila rin ay may sarili itong pag-iisip. Higit sa lahat ay mag-iingat kayo. Yun lamang at maaari na kayong maglakbay." bilin ng Headmistress.
"Masusunod po!" sagot namin. Agad na nagbigkas ang Headmistress ng mga salitang ngayon ko lamang narinig at maya maya lamang ay biglang bumukas ang lagusan patungong kagubatan.
"Sana'y mapagtagumpayan ninyo ang inyong misyon." sana nga!
Pumasok na kami sa lagusan at sa isang iglap lang ay nagbago na ang paligid.
Napapalibutan na kami ng mga matatayog na puno at mayayabong na mga damo. Kumikinang rin ang paligid ng kagubatan.
Napansin kong maraming nagliliparang mga insekto na iba't iba ang kulay. Akala ko ay simpleng insekto lamang ito pero nalaman kong nagkamali ako nang makita ko ito ng malapitan. Matulis ang bibig nito pati na yung kanilang tenga, malaki ang mga mata at may mga paa't kamay na maliliit.
"Mga Forest Guardian Fairies." mahinang sabi ni Yohji.
"Siguraduhin niyong hindi kayo makakalikha ng anumang ingay. Matalas ang pandinig nila subalit mahina ang paningin." mas mahinang sabi ni Asher. Napahigpit ang hawak ko sa aking backpack tsaka itinikom ang aking bibig.
Hindi pa nga kami nakakasimula ay ganito na agad.
Dahan dahan kaming naglakad habang pilit na hinahawi ang mga damo. Isang napakalaking pagkakamali ang napili kong isuot ngayon. Ang kati!
"Aray!" mahinang daing ni Naya na nasa unahan ko. Hinawakan ko siya sa kamay upang alalayan.
"Are you okay?" tanong ko. Tumango ito tsaka hinawakan ang noo.
"May tumama lang sa noo ko." nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Maya maya lang ay napatigil ulit.
"Aray!" napalingon ako sa likuran namin at nakita si Rei na nakahawak rin sa kanyang noo. Sumenyas siya na ayos lang siya kaya nagpatuloy na ulit kami.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]
FantasiZuri is a normal student before. She was broke, betrayed and played. Thinking that no one could fix her shattered pieces, she became a total hater of human race. No single person can diss her, not until Kaia came and she found out that she's no long...