//Zuri\\
"Thank You Zuri!" napatingin ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata.
"Alam mo na?" tanong ko. Nangunot naman ang noo niya.
"Anong alam ko na?" tanong niya. Ngumiti naman ako ng alinlangan.
"Tinawag mo kasi akong Zuri kaya siguro alam mo na..na ako...si Zuri." sabi ko sa kanya nang may pag-aalinlangan. Nanlaki namn ang kanyang mga mata.
"N-Nasabi ko lang yung pangalan ni Z-Zuri pero d-di ko naman a-alam na i-i-ikaw talaga si Zuri!" di makapaniwalang sabi nito. Agad kong tinakpan ang bunganga niya at hinila siya papunta sa likod ng garden.
Nang makarating na kami sa likod ng garden ay mabilis kong inalis ang kamay ko sa kanya.
"So, ikaw nga si Zuri?!" medyo malakas nitong sabi. Mababakas ang tuwa sa kanyang tinig.
"Tumahimik ka nga!" inis kong suway sa kanya bago umupo sa ilalim ng malaking puno. Tumahimik rin naman siya at umupo sa tabi ko.
"U-uhmm...Z-Zuri, alam mo naman na siguro yung rason d-diba? ZURI I'M SORRY!! PLEASE--" di ko na siya pinatapos sa kakasigaw niya dahil napakasakit sa tenga.
"Tumigil ka nga sabi eh! Ang ingay mo." singhal ko sa kanya. Napayuko siya.
"S-Sorry." paumanhin niya ulit.
"Bakit mo ako hinanap?" malamig kong tanong. Tiningnan niya naman ako ng may kaunting pag-asa sa mga mata.
"K-Kasi gusto kong ibalik ang p-pagkakaibigan natin at a-ayusin ang mga pagkakamali ko." sabi niya at may lumandas na butil ng luha sa kanyang mata.
"Anong paraan ba ang magagawa mo?" seryoso ko pa ring sabi.
"Alam mo naman na siguro na hiniwalayan ko na si Zac diba? Zuri, mahal na mahal ko siya pero ayaw ko na tuluyan kang maglaho sa akin. Na tuluyang maglaho ang pagkakaibigan natin." umiiyak na talaga siya ngayon kaya di ko na siya natiis. Hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Kung mahal mo talaga siya, edi huwag mo siyang hiwalayan. Mag-ibigan na kayo dahil hindi na ako makikialam. Wala na akong pakialam." sabi ko. Nilulunok ko na ang pride ko dahil pagdating sa mga mahal ko ay humihina ang ako.
"Today, I've learned that it is important to forgive someone eventhough you're deeply stabbed. But the point is, the bleed will stop, the wounds will heal, and our shattered friendship can be fix and bring everything to it's place when we start to forgive. That's why I'm forgiving you." sabi ko sa kanya. Mabilis niya akong niyakap at sinuklian ko naman agad ito.
"Na miss kita, BESTFRIEND KO!" she said emphasizing the last words.
"Na miss rin kita BESTFRIEND KO." natatawa kong panggagaya sa kanya. Bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin kaya nakahanap na ako ng tiyempo para itanong sa kanya ang kanina ko pa gustong itanong.
"Kamusta na sina mommy at daddy?" tanong ko sa kanya na pinipigilang huwag tumulo ang luha.
"Ayos naman sila pero nalulungkot pa rin sila dahil di ka nila nakikita. Ayos na rin kami! Nung sinabi ko kasi sa kanila na tutulong ako na hanapin ka ay natutunan agad nila akong patawarin. Ang babait talaga ng parents mo Zuri kasing bait mo." sabi niya ng nakangiti. Di ko naman napigilang tumulo ang luha ko. Sana nga sila yung parents ko.
"Oh? Bakit?!" nag-aalala niyang tanong.
"Someone told m-me that I-I'm not their r-real d-daughter." di ko mapigilang humikbi dala ng bigat ng aking dibdib.
Niyakap ako ni Shaia tsaka hinagod ang likod.
"I thought nagbibiro lang din sina tita." sabi niya. Di ko mapigilan na mas lalong maiyak.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]
FantasyZuri is a normal student before. She was broke, betrayed and played. Thinking that no one could fix her shattered pieces, she became a total hater of human race. No single person can diss her, not until Kaia came and she found out that she's no long...