Part 15: Trick or Threat (2)

30 18 0
                                    

*Naya*

"What do you think? Is it a trick or threat?" tanong ni Mr. Luin kay Zuri. Lahat kami ay nakatingin sa kanya. She just stared blankly. Kung ako ang tatanungin ay threat ito.

Nanatili siyang tahimik kaya napailing na lamang si Mr. Luin at ibinaling ang tingin sa bangkay ng babae. Umupo siya at pinagmasdang mabuti ang bangkay.

Bigla namang may sumulpot na babae. Umiiyak ito habang papalapit sa babaeng bangkay. Parang bigla namang naging interesado si Mr. Luin.

"Sino ka?" tanong ni Mr. Luin. Napatingin sa kanya ang babae habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha. Nakakaawa naman siya.

"Ako po si Vehn Dream, ako ang kaibigan ni Sia." pakilala niya at itinuro ang babaeng walang buhay.

"Can you tell something about your friend?" tanong ulit ni sir. Natigilan si Vehn at parang nag-isip pa.

"She's Sia Bubble, 17 years old. Bago lang siya dito at ako lang ang kaibigan niya. Mayroon siyang kapangyarihan na maaaring makagawa ng simpleng mga bula ngunit nakakalason. Masasabi kong mas malakas ang kapangyarihan niya but she's not mentally strong. Madali siyang panghinaan ng loob at madali ring sumuko. Ako lagi ang tumutulong sa kanya kapag naguguluhan siya sa kanyang mga desisyon. Mabait siyang kaibigan. Ayaw niyang laging nag-aalala ang mga taong malapit sa kanya. Huhuhu! Hindi ko naman alam na saglit lang akong nawala ay pagbalik ko habang buhay na siyang m-mawawala. Napakasama ng gumawa nito sa kanya." patuloy pa rin siya sa pag-iyak niya. Bakas na bakas ang sakit sa kanyang mukha.

Napatingin ako kay Aria. Nag-aalala ako na baka mahirapan siya sa mga emosyong nararamdaman niya sa paligid dahil mayroon siyang ability na empathy ngunit nagulat ako ng simpleng lungkot lamang ang makikita sa mukha niya. Napailing na lamang ako tsaka muling itinuon ang aking atensyon sa pangyayari ngayon.

"May kakilala ka bang naka alitan o ibang naging malapit sa iyong kaibigan nitong mga nakaraang araw?" tanong ulit ni Mr. Luin sa kanya. Mabilis siyang tumango tango.

"Mayroong tatlong taong naging malapit sa kaibigan ko noong nakaraang araw. Lagi niyang ikwinekwento sa akin yun. Una ay si Beu Scythe, he has a weapon-based power. Pangalawa, Ram Coax, he has a superhuman invention skill and can control machines. Third is Loxy Blisstip, she's a human fairy and has Animal Oriented Powers." sabi niya. Bigla namang lumitaw sa mga nakakumpol na tao ang dalawang lalaki at isang babaeng human fairy.

Ang isang lalaki ay mababakas ang galit sa kanyang mukha, ang isa naman ay nalulungkot ang ekspresyon at ang babae naman ay umiiyak.

"Mukhang hindi na natin kailangan pang tawagin ang ating mga suspects dahil kusa na silang dumating." nakangising sabi ni Mr. Luin habang nakatingin sa tatlong taong biglang sumulpot.

Nakakapagod palang tawagin siya ng Mr. Luin kaya mag si-sir nalang ako. Hihi.

"Ano?! Bakit kami ang suspect dito?! Halata namang D-Dark Magic Holders ang gumawa nito." sigaw ng lalaking may galit na ekspresyon.

"If my guess is right, you're Beu?" tanong ni sir na hindi pinansin ang pagreklamo ng lalaki. Nag-iwas naman ng tingin ang lalaki. He's acting weird?

"Nasaan ka nung mga oras bago mamatay ang biktima at ano ang relasyon mo sa kanya?" napalunok naman si Beu bago tumingin kay sir.

"N-Nasa g-garden. Humingi ako ng mga b-bulaklak sa mga guardian fairies dahil balak ko sanang umamin kay Sia pero hindi ko alam na h-huli na pala ako." napapahid naman ako ng tumulong luha sa mata ko. Ang tragic naman ng love story niya. Nakakaiyak!

"Nasaan ang mga bulaklak mo?" napabusangot naman ako dahil sa tanong ni Sir. Malamang ay baka naitapon niya na iyon anywhere nang marinig ang mapait na balita tungkol sa minamahal niya.

Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon