//Zuri\\
Andito kami ngayon sa mall. Nag-aya kasi ang mga boys na magshopping. Hindi sana kami sasama kaso pinilit kami nila at wala rin naman kaming ginagawa dahil pansamantalang natigil ang klase dahil mayroon raw nangyari---na hindi ko man lang alam, kaya sumama na lang kami sa kanila. Ngayon ay wala rin naman kaming ibang ginawa kundi ang sumunod sa kanila.
Ngayon ko lang nga nalaman na may mall pala dito at talaga namang namangha ako dahil buong akala ko ay puro mahika lamang ang naririto. Mayroon pa rin naman palang normal na lugar dito. Sabi nila nasa bayan daw ang totoong mall ng mga taong may mahika samantalang ang mall naman na ito ay pinupuntahan lamang ng mga Magic Holders na gustong maranasang maging normal o makakita ng mga normal na bagay.
Mas gusto ko sanang makapunta sa bayan na sinasabi nila. I'm sure na talagang maganda at nakakamangha ang mga bagay na makikita doon.
"Doon tayo sa mga toys Naya!" masayang pag-aya ni Rei na agad namang sinang-ayunan ni Naya. Umalis na sila habang patalon-talon pa. Uwu!
"Sa pet shop tayo Kaia!" aya ni Yohji kay Kaia. Napangiti naman si Kaia tsaka agad hinila si Yohji. Pipigilan ko na sana siya kaso nakakahiya naman kung sisirain ko ang moment nilang dalawa kaya tumahimik na lamang ako.
"Aria samahan mo ako sa accessories shop may bibilhin lang ako." tsaka hinila na ni Wren si Aria. Napatawa naman ako dahil muntik pa silang madapa.
"Philippe samahan mo ko sa National Book Store may bibilhin lang ako." nakapout na sabi ni Theirry na agad namang sinag-ayunan ni Philippe habang nakangiti. Another Uwu!
"Hedi, tara na!" pag-aaya ni Aland kay Hedi na ngayon ay nakatingin sa akin.
"Pero, paano--" di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.
"Go! Don't worry about me, I can handle myself. Enjoy your date!" masayang sabi ko sa kanya. Namula naman siya habang napakamot naman sa batok si Aland.
"Sige. Leader pakibantayan na lang si Zuri, please." pakiusap niya kay Asher. Aalma pa sana ako dahil sa sinabi niya ng agad na tumango si Asher. Kaya ko naman ang sarili ko eh.
Napabuntong hininga na lamang ako. Now, I'm all alone with this Asher, the leader. Hmmp!
"Punta muna tayo ng Clothing Line." sabi niya at nauna nang maglakad. Sumunod naman ako sa kanya habang iginagala ang tingin. Nakita ko ang ibang kalalakihan na nakangisi habang nakatingin sa akin. Ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa aming dinadaanan.
Pumasok na nga kami sa Clothing Line. Deri-deritso lamang ang lakad niya habang nakasunod naman ako sa kanyang likuran. Nagmumukha akong alalay. Natigilan ako nang huminto siya.
Nagtaka ako dahil nandito kami ngayon sa Clothing Section ng mga babae. Akala ko ba bibili siya ng damit para sa sarili niya? Ah, baka naman sa girlfriend niya.
Pinagmasdan ko siya habang namimili ng damit. Bawat damit na sa tingin niya ay maganda ay kanyang kinukuha at ako ang pinapahawak niya. Alalay nga ang role ko dito.
Ilang minuto pa ang lumipas at halos hindi ko na siya maaninag dahil sa dami ng damit na hawak ko na halos mabitawan ko na ang mga ito. Napansin ko ang pagtigil niya.
Naramdaman ko naman na may kinukuha siya sa mga damit na hawak ko or I must say muli siyang pumipili sa mga damit na napili niya kanina. Maya maya lang ay tumigil na ulit siya.
"Miss! Can you get those clothes off her arms?" rinig kong sabi niya. Naghintay ako ng ilang segundo at maya maya lang ay naramdaman ko na ang kaginhawaan. Napatingin ako sa isang sale's lady sa gilid ko at nginitian ito. Hays! Buti naman at naisipan niyang ipaalis na ang mga hawak ko.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]
FantasyZuri is a normal student before. She was broke, betrayed and played. Thinking that no one could fix her shattered pieces, she became a total hater of human race. No single person can diss her, not until Kaia came and she found out that she's no long...