Part 22: Keep Your Friends Close and Your Enemies Closer

27 12 0
                                    

//Zuri\\

"Class! Meet your new classmate. Please introduce yourself." sabi ng new adviser ko na si Ma'am Chavez. She's fat but she's known for being kind to her students.

Pumunta ako sa harap habang nakacross-arms. Pa cool dapat ang role ko ngayon.

"Hey there, everyone! Crisselle Han is the name and my hobby is doing savage things. Now, clap your hands everybody." agad namang nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Good to know na marunong silang makisama.

"You may find your seat now Ms. Han" nag saludo muna ako sa kanya bago nagsimulang maghanap ng upuan.

Sarap sanang pumwesto sa pinakahuling bakanteng upuan pero napahinto ako ng malampasan ang upuan na kung saan nakaupo si Shaia.

Bumalik ako tsaka sumandal sa mesa niya. Tiningnan ko lamang siya. Bakit kaya wala itong katabi? Nasaan na ba ang kaibigan niya?

Hmmm? I have a plan.

"Can I sit here?"tanong ko. Napataas naman ito ng kanyang ulo para tingnan ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ahh.. Oo." sabi niya at inayos pa ang bakanteng upuan na nasa left side niya.

"Diyan ko gusto sa mismong upuan mo." sabi ko kaya napatigil siya sa pag-aayos ng kabilang upuan.

Pilit siyang ngumiti. "S-Sige, dito ka na lang." sabi niya bago nagpalit ng pwesto.

Napakibit balikat na lamang ako. Hindi ko naman alam na natuto na pala siyang magpaubaya. Ibang iba sa nakilala ko noon. If I know pakitang tao lamang siya. Umupo na ako sa tabi niya.

Buti na lang talaga magkaiba kami ng section ni Asher at buti na lang rin hindi magkaklase tong si Shaia at Zac dahil paniguradong mas maiinis lang ako.

"Open your book on page 132." sabi ng teacher namin. Agad naman kumuha ng libro ang katabi ko kaya napanguso na lamang ako. Nakalimutan ko na wala nga pala akong dalang libro. 1 notebook at ballpen lang ang dala ko dito eh.

"Wala kang libro?" tanong ni Shaia sa akin na sobrang sarap barahin kung hindi lang dahil sa plano kong maging close...ulit sa kanya.

"Wala." sagot ko. Mabilis niyang inilapit ang kanyang libro sa akin at umusog rin siya ng kaunti palapit sa akin.

"Share na lang tayo. Btw, I'm Shaia." nakangiting sabi niya. I don't know why, but everytime I see her showing a REAL smile there's always an urge that tells me to be nice at her.

Kahit di na kami tulad ng dati ay di ko pa rin magawang mailang sa kanya. Pinipilit ko na lang nga ata na magalit ang sarili ko sa kanya eh.

Nagtuloy tuloy lamang ang discussion ng mga teachers namin hanggang sa tumunog na ang bell. Hudyat na break time na namin.

"Okay! Class, Dismiss." anunsyo ng third subject teacher namin. Mabilis naman kaming nagsitayuan at wala pang minuto ay wala nang tao sa loob ng room namin.

Iginala ko ang paningin ko para hanapin si Shaia pero wala na ito. Siguro excited makita si Zac. Tsk!

Hays! Susunduin ko pa ba si Asher? Tss. Siya yung lalaki kaya dapat siya yung sumusundo sa akin. Bahala na nga siya sa buhay niya!

Binaybay ko na ang daan patungo sa cafeteria namin. How I miss this place?!

Habang naglalakad ay napadaan ako sa garden. May narinig akong nag-uusap doon. Alam kong masama ang makinig sa usapan ng may usapan pero nacurious ako dahil sa pamilyar na mga tinig ng nagsasalita.

Mas lalo akong lumapit at nagtago sa malapit na pader. May nakita akong dalawang tao na nakaupo sa bench.

Teka?!

Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon