Part 2 : Kaia is my Friend

54 26 0
                                    

//Zuri\\

"Wait a minute, ang kapal naman talaga ng mukha mo no? At talagang pumasok ka pa sa bahay." naiinis kong sabi. Napa pout naman siya.

"Pwede ba wag mo na akong sungitan? Niligtas kaya kita sa mga lalaking yon!" nakanguso niyang sabi. Napairap naman ako.

"Tsk! Kayang kaya ko naman silang talunin kahit di mo ako tulungan." walang pakeng sabi ko. This time ay siya naman ang umirap sakin. Kakaiba talaga!

"They're not ordinary." peke naman akong tumawa dahil sa sinabi niya. Isip bata.

"Eh, ano nanaman? May magic sila, ganun ba?" umiiling kong sabi. Agad naman siyang tumango tango.

"Yes. Pero masasama sila. I'm sure they're already hunting you. Siguro ay nagdududa  na sila sa totoong pagkatao mo at sinusubaybayan ka gaya ng pagsubaybay ko sayo." seryosong sabi niya. Walang halong biro na mababakas sa tono ng kanyang pananalita pero hindi pa rin ito kapani-paniwala.

"Aminin mo nga. Pinadala ka ba dito ng mga kalaban namin sa negosyo para mag espeya sa amin tapos pag lubusan mong makuha ang loob ko ay doon niyo na gagawin ang malagim niyong plano. Ganun ba?" itinaas niya ang kamay niya na animo'y sumusuko.

"No! Hindi ko yun gagawin. I have no other intention but to bring you back to your home. Yun lang." sabi niya at humiga pa sa kama ko.

Nandito nga pala kami sa mansion namin at nasa loob kami ng kwarto ko. Parang bahay niya lang ang pinuntahan niya. Feel at home na feel at home talaga siya. Kainis.

"Now that I'm already at my home, siguro naman ay aalis kana?" I crossed my arms. Umiling naman siya.

"Ang lamig mo talaga makitungo. Bahala ka diyan pero I'll stay here hanggang sa maiuwi na talaga kita sa mundong totoo kang nabibilang. Your true home." sabi niya. She emphasize the word 'true' na ikinatawa ko.

"So, you mean nasa peke akong tahanan? Hala! Baka naman ibang tahanan ang napasukan natin? HAHAHAHA!" tumatawa kong sabi. Hindi ko na talaga mapigilan kanina pa siya nagsasalita ng mga bagay na hindi ko maintindihan. Iisipin ko na talagang baliw nga siya.

"Ang ganda mo lalo na kapag tumatawa. No wonder, you're really is a beauty." nakangiti niyang sabi na binalewala lang ang sinabi ko. Muli nanamang kumunot ang noo ko.

"Oo nga pala. What do you mean by 'The birth of a beauty' na sinasabi mo?" tanong ko.

"During your 17th birthday, araw-araw nang nagpapakita ang bahaghari at hindi na tumigil sa paglipad ang mga kalapati. It's all written in the prophecy." sabi niya.

"Hindi pa rin sapat iyon Kaia. Hindi lamang ako ang nagbirthday at tumuntong sa edad na 17." sabi ko na halatang hindi kumbinsido. Malamang ay ginogood-time lamang ako ng isang to.

"Pero mayroong palatandaan Zuri at napatunayan ko iyon ng marinig mo ang boses ko sa isip mo at iyang birthmark sa batok mo." sabi niya pa. Nanlaki naman ang mga mata ko. Ibig sabihin, totoo yun?

"You mean, what the hell? Ikaw yun? Muntik ko nang isipin na nababaliw na ako pero ikaw lang pala yun? Damn! Ikaw rin ba yung narinig kong nagsalita sa isip ko habang nasa cafeteria ako?" napatawa ulit ako ng malaman na totoo pala lahat ng iyon. Hindi ako nababaliw lang.

"HAHAHA! Nagulat kasi ako nang sinabi mong nakakainis rin palang maging tao kaya aksidente kong napasok ang isip mo at nagamit ang telepathy ability ko pero napagtanto ko na hindi ka naman pala talaga tao. Pero wala akong kinalaman sa sinasabi mo na narinig mo sa isip mo habang nasa cafeteria ka." paliwanag niya. Kaklase ko pala siya? Hindi ko man lang alam. Pero kung hindi siya ang may gawa ng nasa cafeteria ako, eh sino? Atsaka yung sinasabi niyang birthmark sa batok ko ay maaaring kakaiba dahil sa simbolong rosas iyon pero wala namang kung anong magical doon.

Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon