//Zuri\\
Ngayon ay wala munang training. Balik eskwela muna kami ngayon at hindi ko rin sila pinapansin matapos ang nangyari kahapon. Di ko kasi mapigilang magalit.
Biglang nagbago ang paligid ko. Ngayon ay nasa tabi ko na ang mga kaibigan ko na abot langit ang saya. Pero ako di ko magawang matuwa.
Napansin ko rin ang mga estudyanteng nanonood pala sa amin. I mean sa akin. Nakita kaya nila yung nangyari?
"Congrats Zuri! You did it!" sigaw nila na tuwang tuwa. Pilit akong ngumiti sa kanila.
"Di niyo man lang ba naisip na baka napano na ako doon sa loob? Ilang beses ko bang dapat sabihin na hindi ko pa alam ang kapangyarihan ko--o sabihin na nating di ko pa alam kung paano gamitin ito. Tapos ganun? Hindi ako kasing lakas niyo guys..." sabi ko sa kanila tsaka tumalikod na. I'm so mad right now. They on't even know that I almost met my death.
Ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa tuwing iniisip ko ang nangyari sa akin kahapon. Kunting-kunti na lang talaga ay babagsak na ako dun sa matutulis na lupa. Buti nalang at mabait si bathala.
"Ngayon ay tatalakayin natin ang pinagmulan ng mahika." simula ni Ginang Georgia habnag binubuklat ang isang lumang libro.
"Noong unang panahon ay may mga taong sakim sa kapangyarihan. Sinakop nila ang mundo ng Enchanted. Binalak nilang kunin ang ating mga mahika subalit hindi sila nagtagumpay dahil dumating ang dyosa ng banal na liwanag o kilala sa tawag na Goddess of Holy Light. Siya ang namuno sa mundo ng Enchanted bago pa dumating ang ibang mga dyos at dyosa. Masyadong malimit ang kaalaman ukol sa dyosa ng banal na liwanag. Kahit ang tunay nitong pangalan ay walang nakakaalam. Ang tanging kumpirmado ay isa siyang taong hindi mahilig makipaghalubilo. Sa taglay niyang ganda ay marami ang umibig sa kanya ngunit kahit ni isa ay walang napapabalitang nakakuha ng atensyon at puso niya."
"Ang dyosa ang humati ng mga kapangyarihang taglay natin. Dati'y iisa lamang ang kapangyarihan na taglay ng bawat-isa sa atin ngunit naisip niya na hindi ito magiging sapat upang protektahan ang ating sarili kaya't binigyan niya rin tayo ng mga abilidad na tiyak na makakatulong sa atin."
" Kalaunan ay biglang naglaho ng parang bula ang dyosa ngunit siya'y pumili ng bagong tagapagpamuno ng Enchanted. Siya ay si Reyna Zurnith Maria Enchantress. Ang pang-apat na tagapagpamuno ng ating mundo. Ang mga tipak ng malalawak na lupain ay nahati sa labing dalawa na kalaunan ay nagkaroon ng sariling mga kaharian at tagapagpamuno."
"Nabigyan rin ng mga sariling lupain ang mga iba't ibang nilalang na nabubuhay sa mundong ito at binigyan ng pagkakataon upang makapagtalaga ng taong magiging pinuno nila." huminto siya saglit upang lumipat sa kabilang pahina bago muling itinuloy ang kwento.
"Ang kaharian ng hangin. Wayyne Kingdom- karamihan sa mga taong nakatira dito ay dalisay ang mga puso. Pinamumunuan ito nina Reyna Arianne Breeze at haring Riander Breeze na may nag-iisang anak na si prinsesa Aria Ember Breeze."
" Sunod ay ang Earthra Kingdom o kaharian ng lupa -gaya ng mga tao sa Wayyne Kingdom ay mga dalisay rin ang puso ng mga tao dito. Mapagmahal sa kanilang kapaligiran. Pinamumunuan ang kahariang ito nina Reyna Kasha Larkin at haring Gizmo Larkin na mayroong nag-iisang anak na si Prinsesa Kaia Merritt Larkin."
" Ang Whitera Kingdom naman o kaharian ng tubig- dito matatagpuan ang mga nag gagandahang coral reefs, mga sirena, at iba pang mga nilalang sa karagatan. Ang mga tao dito ay may kakayahang mag anyong sirena at mag anyong tao. Nahahati sa dalawa ang kaharian. Ang kanang parte ng kaharian ay pinamumunuan nina Reyna Rhea Harper at Haring George Harper na may nag-iisang anak na si Prinsepe Wren George Harper at ang kaliwang kaharian naman ay pinamumunuan nina Reyna Rheanne Freja at Haring Hance Freja at ang kanilang nag-iisang anak na si Prinsesa Hedi Hanne Freja. Sina Reyna Rhea at Reyna Rheanne ay kambal."
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]
FantasyZuri is a normal student before. She was broke, betrayed and played. Thinking that no one could fix her shattered pieces, she became a total hater of human race. No single person can diss her, not until Kaia came and she found out that she's no long...