//Zuri\\
"May mga kalaban!" sabi ni Yohji na binatukan agad ni Kaia.
"Alam namin!" singhal niya. Ang sarap nilang sapakin dahil parang wala lang sa kanila ang nangyayari.
Kapansin-pansin ang biglaang pagdilim ng kalangitan. A sign that something's bad gonna happen.
"Kailangan natin silang labanan. Papalapit na sila dito. Kaia use your telepathy ability to communicate with the Headmistress and tell her to secure the others." nanlalaki ang mga mata ko habang sinasabi iyon. Bigla na lamang akong nagsalita at iyon ang mga lumabas sa bibig ko. Para bang hindi ko mapigilan ang pagbuka ng bibig ko at ang pagbigkas nito ng mga salita.
Napatingin silang lahat sa akin na nagtataka. "Bilis!" sigaw ko kaya agad naman siyang nagconcentrate. Tumingin ako sa kanila at nagbigay ng paumanhin sa pamamagitan ng aking mga tingin bago umiling.
Dahan-dahan akong gumapang para pumunta sa mga..kaibigan ko pero parang may pwersang pumipigil sa akin.
Nagulat ako nang bigla akong lumutang sa ere. What the hell?! Baka mamatay ako sa mga lumilipad na palaso! Narinig ko naman ang sigawan nila.
Napahawak ako sa ulo ko. Heto na naman ang nararamdaman ko. Bakit sa ganitong sitwasyon ay hindi ako kinakabahan o naninikip man lang ang dibdib samantalang bago dumating ang panganib ay doon ako nakakaramdam ng pangamba at paninikip ng aking dibdib.
Hindi kaya...
"Zuri!" nakarinig ako ng sigaw kaya napatingin ako sa kanila at nakarinig na naman ako ng mga papalapit na palaso.
I close my eyes at nagdasal. I didn't know na pansamantala lang pala na makakapiling ko ang mga bago kong kaibigan, edi sana sinulit ko na. Please god.. Gusto ko pang malaman kung may power nga ba ako? Please let me stay...
Ilang oras ba dapat manatili ang palaso sa ere bago ito tumama sa akin? I slowly open my eyes and my jaw drop for what I just saw. Ang mga palaso ay nakalutang lamang sa harap ko. Hinawakan ko ang palasong pinakamalapit sa akin at kasabay ng paghawak ko dito ay ang pagbagsak ng iba pang mga palaso sa sahig. Ligtas ako!
Napatingin ako sa mga kaibigan at kaklase ko upang malaman kung sino ang tumulong sa akin pero nabigo rin ako nang makita ang kanilang mga reaksyon. They all looked so shock.
"Kaia!" napalingon ako sa mga kaibigan ko nang sumigaw sila. Nakita ko si Kaia na unti-unti na ring lumulutang patayo. Damn!
"My powers aren't working!" sigaw ni Naya habang paulit-ulit na itinatapat ang kanyang palad sa aming dalawa ni Kaia. Naalala ko na siya nga pala ang may kakayahang magpatigil ng oras. Ibig sabihin hindi siya ang tumulong sa akin? Baka si Asher?
"Damn! Why the hell does my powers aren't working? Something's off here!" sigaw ni Asher. So, it means, hindi rin siya ang tumulong sa akin?
Nag try na rin ang iba na palabasin ang kapangyarihan nila ngunit kahit ni isa ay walang nakagawa. Wala sa kanila ang tumulong sa akin? Pero, paano tumigil ang mga palasong tatama sana sa akin?!
"Paano? Nagamit ko naman ang telepathy ability ko kanina ah?" naguguluhang tanong ni Kaia. Nagkatinginan naman kaming lahat. Now we know!
"Someone used a Power Stealing Ability against us. Ang pinopunterya nila ay yung mga kapangyarihang alam nilang kakailanganin natin. Kaya hindi nawala ang kapangyarihan ni Kaia na telepathy ability dahil para lang naman ito sa communication magagamit. Nasa paligid lamang ang gumagawa sa inyo nito kasama ang taong nagpapalutang sa amin at ang tanging paraan para bumalik ang inyong mga kapangyarihan ay kailangan nating patayin ang gumawa nito." paliwanag ko. Napatango naman ang iba kong kaklase samantalang nagkatinginan naman ang aking mga kaibigan na kanina pa nakakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]
FantasiZuri is a normal student before. She was broke, betrayed and played. Thinking that no one could fix her shattered pieces, she became a total hater of human race. No single person can diss her, not until Kaia came and she found out that she's no long...