//Zuri\\
Nagising ako sa malaparaisong lugar. Payapa at malinis ang paligid. Napakagandang pakinggan ng huni ng mga ibon at agos ng talon. Napaka dalisay ng hangin at tubig.
"Ikinagagalak kong ika'y makita." sabi ng isang tao sa likod ko kaya mabilis akong napaharap. Napakabilog ng boses niya at napakagwapo pa.
Yumuko ako upang magbigay galang. Sa hitsura kasi nito ay nababatid kong may bughaw itong dugo.
Tumawa siya ng mahina. "Hindi mo na kailangan pang yumuko upang magbigay galang sa akin bagama't ika'y mas nakakataas sa akin at mas kagalang-galang." sabi niya at siya naman ngayon ang yumuko sa akin. Nangunot naman ang noo ko pero hindi na nagtanong pa. Siguro ay nalito lamang siya.
"Halika't sumama sa akin." sabi niya tsaka inilahad ang kanyang kamay. Naningkit ang mga mata ko at tiningnan siya ng may pagdududa.
"Huwag kang mag-alala, kakampi kami." sabi niya. Napataas kilay tuloy ako.
"Kami?" ngumiti siya ng matamis.
"Kami ang tutulong sayo." sabi niya. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako.
Pumunta kami sa isang napakalaking kastilyo. Pagpasok ko sa loob ay napanganga ako. Napakaganda dito at saan ka man tumingin ay lagi kang makakakita ng ginto. Ang estraktura ng kastilyo ay gawa rin sa tunay na ginto!
Mula sa hagdan ay bumaba ang labing isang nag gagandahan at nag gwagwapuhang mga tao. Ngunit sa hitsura nila ay mukhang mas matanda sila sa akin. Mabilis akong yumuko.
Pagtaas ko ng aking tingin ay nagulat ako nang nasa harap ko na silang lahat.
"Ako si Hana. Ang Earth Guardian at ikinagagalak kong tuluyan kang makita." nakangiti niyang pakilala tsaka yumuko, yumuko rin ulit ako sa kanya.
"K-Kayo po ba ang g-guardian ni K-Kaia?" nauutal kong tanong. Tumango naman siya habang pumapalakpak pa.
"Ako nga! Ako nga!" natutuwang saad niya kaya napangiti ako. May pagkakapareho ang personalidad nila ni Kaia.
Sunod na nagpakilala ay ang isang cute na lalaki. "Ako si Jost. Ang Guardian ng Apoy at Guardian rin ni prinsepe Yohji." napapangiti ako sa mga ugali nila. Halos lahat sa kanila ay masiyahin.
"Ikinagagalak kong makilala ka mahal na diwata. Ako nga pala ang tagapagbantay sa prinsepe ng kaharian ng Whitera at ang pinakagwapong guardian sa balat ng Enchanted na nagngangalang Welden. Ang Guardian of Water." pakilala ng lalaki tsaka kumindat sa akin. I remembered the first day that Wren introduced his self to me. He's so likely to him.
"Ako naman si Ali, ang guardian ng hangin at ng tagapagbantay kay prinsesa Aria." pakilala ng isang kikay na babae. Di ko maalis ang ngiti ko sa aking labi.
"Ako naman ang Ice Guardian. Ako si Reina at ako'y nagagalak na ika'y makilala." masiglang pakilala ng guardian ni Naya. Can't believe na nabigyan ako ng pagkakataon upang makilala't kilalanin ang mga guardian nila.
"Ako naman si Riyeko ang guardian of lightning at tagapagbantay ng prinsepe na ubod ng kainosentehan na si prinsepe Rei." napatawa ako sa ekspresyon ng lalaki. Ipinikit pa talaga nito ang kanyang mga mata habang dinidiinan ang salitang 'kainosentehan'. Waaahhh! Ang cute niyaaa!
"Ako naman si Sayeko na guardian ng prinsesa ng Whitera at ng tubig. Kapatid ko ang pangit na si Welden." nakangiting pakilala ng guardian ni Hedi. Sinamaan naman siya ng tingin ng dyos na si Welden.
"Ako naman si Allen. Ang guardian of Light at ang guardian na mas gwapo pa sa amo niya." pakilala naman ng guardian ni Aland.
"Ako si Tami ang guardian ni prinsesa Theirry na tagapagbantay at tagaprotekta sa kaharian ng Therondia." ang cute ng pangalan at boses niya.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]
FantasiaZuri is a normal student before. She was broke, betrayed and played. Thinking that no one could fix her shattered pieces, she became a total hater of human race. No single person can diss her, not until Kaia came and she found out that she's no long...