//Zuri\\
Inaantok ako habang nakatingin sa malawak na training room. Ewan ko ba! Nagulat na lamang ako nang pagmulat ko ay nandito na ako. Nandito kaming lahat na magkakaibigan. Natutulog pa rin ang iba at tanging kaming dalawa lamang ng asungot na si Asher ang gising.
"Ano na naman ba ang trip mo at dinala mo kami dito?" alam kong siya ang gumawa nito dahil bukod sa maraming pwedeng gawin ang kapangyarihan niya ay siya lang din naman ang gumagawa sa amin nito.
"We need to train you." he said. Napatawa naman ako ng peke.
"Train me? 'Wag na! Wala kang mapapala." saad ko. He crossed his arms.
"The weakest persons are those who doesn't know their strength. Yung una palang sumusuko na agad." he said in a matter of fact. Naitikom ko naman ang bibig ko. Alam ko naman yun pero di talaga maiiwasan kung minsan na panghinaan ng loob.
Nagulat na lamang ako nang biglang mapalibutan ang paligid ko ng mga halaman. Tiningnan ko si Asher na seryosong nakatingin sa akin. Anong problema niya?
May mga baging na papalapit sa akin kaya agad akong napatayo. Ang laki talaga ng galit ng lalaking to sa akin!
Iniwasan ko ang isang baging na tatama sana sa mukha ko ngunit di ko agad napansin ang isa pang baging na tatama sa braso ko. Dahil doon ay nagkaroon ng maliit ngunit malalim na sugat sa braso ko.
"Una pa lang yan, nasugatan ka na agad?" I saw a playful smirk plastered on his lips. Nasisiyahan siya? Psh! Pasalamat siya alam niya ang kapangyarihan niya.
Muntik na akong matumba nang biglang umuga ang lupa at nagsiliparan ang mga tipak ng bato. May mga malalaking ugat rin na tumubo. Biglang bumukas ang bubong ng training room na para bang hinahayaan nito ang ugat na mas lalo pang tumubo at kumalat sa paligid.
Shit! Dati sa t.v. ko lang napapanood ang mga ganitong klase na mga higanteng ugat pero ngayon ay nasa harap ko na.
"Ang unfair mo naman! Bakit di nalang muna ang combat strength ang e-test mo? Alam mo naman na wala pa akong kapangyarihan eh. Wala ka ring pasabi, ni hindi mo man lang ako pinag warm-up." reklamo ko pero nanatili siyang seryoso at walang kibo.
Nagulat na lamang ako at napatili ng bumuhos sa akin ang malamig na tubig. Nanginig ang katawan ko sa lamig.
"Focus! Kailangan mong magfocus Zuri. Kung hindi ka magfo-focus ay hindi mo mapapansin ang mga bagay na papalapit sayo. Baka 'yan pa ang ikapahamak mo." sermon niya.
"Bigyan mo nalang ako ng easy tips para mapalabas ang kapangyarihan ko, kung meron man." sabi ko sa kanya na kanyang ikinailing.
Nang igala ko ang paningin ko ay napansin ko na tulog pa rin ang iba sa mga kaibigan ko habang ang iba pa ay nagising na. How come may mga tulog pa rin sa kanila?
"Ito na ang pinakamadaling paraan upang magising ang natutulog mong kapangyarihan." sabi niya napabuntong hininga na lamang ako. Ang hirap talaga makipagtalo sa taong 'to.
"Sige na nga!" sabi ko tsaka nagsimula nang tumalon talon sa mga lumulutang na tipak ng bato.
"Air needles." sigaw niya. Nangunot naman ang noo ko at nanatiling nakatayo at doon ko lang napagtanto na umaatake na pala siya 'nung magkaroon ng maliliit na daplis sa braso at hita ko. Dali dali kong iniwasan ang mga atake. Mabilis ang mga galaw ko pero nahihirapan ako sa mga atake niya kaya natatamaan pa rin ako nito paminsan-minsan.
"Sabi nang magfocus ka eh!" sigaw niya. Aba! Siya pa talaga ang nagagalit ah? Ako nga itong marami nang natamong sugat sa katawan.
"Leader kami na muna!" sabi nina Wren, Aland at Philippe. Di pa rin inaalis ni Asher ang seryoso niyang tingin sa akin. Naiinis na talaga ako sa kanya! Makatingin kasi wagas!
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy: The Heart of Flames [ONHOLD]
FantasyZuri is a normal student before. She was broke, betrayed and played. Thinking that no one could fix her shattered pieces, she became a total hater of human race. No single person can diss her, not until Kaia came and she found out that she's no long...