〔 CHAPTER ONE 〕

11 0 0
                                    

MADIA JESSELLE JAVIER

Kasalukuyan akong nag-aayos ng limang kahon ng pizza dahil ngayon ang nakatakdang araw para ipadeliver ito sa nag-order. Ako nga pala si Madia Jesselle Javier madalas nila akong tawagin sa second name ko dahil maganda daw iyon sa tulad kong isang babae, isa akong Grade 12 student at malapit na akong grumaduate kaya kinakailangan ko talaga ng pera. Mayroon akong tatlong trabaho na pinapasukan, sa tanghali ay isa akong delivery girl, sa hapon naman ay isa akong sales lady sa isang maliit na botique malapit dito sa pizza hub, sa gabi naman ay isa akong janitress sa isang fast food chain malapit sa isang bahay aliwan. Minsan nakakaligtaang ko ng pumasok sa umaga dahil kakaunti lang ang oras ko, mas kinakailangan ko ng pera para sa pag-cocollege ko pero naisip ko na mas mahalaga ang pag-aaral dahil aanhin ko ang pera kung wala naman akong kaalaman.

Kailangan kong kumayod sa pang araw araw ko dahil hindi naman ako binibigyan ng step mother ko ng pera sa tuwing magpapadala si papa, suwertehan nalang kung bibigyan niya ako. Si papa kasi ay nagtratrabaho siya sa isang construction at buwanan siya kung umuwi sa bahay dahil malayo layo ang pinagtratrabahuan niya. Kaya tuwang tuwa yung step mother ko at yung anak niyang babae sa pang-aalipusta sakin kaya mas pinili kong sayangin ang buong oras ko sa trabaho kesa tumambay sa bahay at gawin nilang katulong. Pinagbantaan niya ako na kapag nagsumbong daw ako kay papa ay papalayasin niya ako sa bahay at ipapatigil niya ako sa pag-aaral, minsan pa nga ay humihingi pa siya sakin ng pera pati ang anak niya kahit sa kanila napupunta ang sahod ni papa. Mas pinili ko nalang na manahimik kesa magdusa.

"Jesselle matagal pa ba yan? Tumatawag na sakin yung nag-order ng pizza, kailangan na daw!" Sigaw ni Ate Fe na siyang sumasagot sa lahat ng tawag para sa pag-oorder ng pizza.

"Heto na po, tapos na!" chineck ko kung maayos ba yung pagkakalagay ng pizza at pagkakatali ng kahon dahil baka magreklamo ang nag-order at mabawasan pa ang sahod ko.

Dali dali akong lumabas ng store at nakita kong napatingin sakin si Ate Fe habang may hawak hawak na pera, hindi ko napigilang ngumiti sa kanya dahil sa pagtanggap niya sakin sa trabahong ito.

Itinali ko sa likod ng aking maliit na motor na nagsisilbing sasakyan para sa pag-dedeliver ko. Sinigurado kong maayos ito at hindi mahuhulog sa kanilang pwesto. Sinuot ko ang aking maliit na helmet at ini-start ang motor. Itong motor na ito ay binigay sakin ni Ate Fe noong unang pasok ko dahil para hindi daw ako mahirapan at tska wala naman akong sapat na pera para bumili ng ganito kaya talagang iniingatan ko siya.

May binigay na address sa akin si Ate Fe at sabi niya dito ko daw ihahatid ang mga pizza. Hindi ko na kailangan gumamit ng map sa phone ko dahil alam ko naman ang lugar na nakasulat sa papel tska sabi niya din na maghihintay daw sakin yung nag-order sa isang tapat ng salon na kung saan doon lagi nagpapaayos yung step mother ko.

Nang makarating ako sa aking destinasyon nakita ko ang isang babaeng naka-salamin at nakatitig sa kanyang cellphone, maya maya pa ay biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Hello po?"

"Ikaw ba yung maghahatid ng pizza?" tanong niya mula sa kabilang linya.

Inipit ko ang aking cellphone sa pagitan ng aking balikat at tenga upang maialis ang pagkakatali ng mga pizza sa likod ng motor ko.

"Ah opo, nandito na po ako" pagsagot ko. Napatingin ang babae sa direskyon ko at biglang naputol ang tawag. Siguro ay alam niyang ako ang kausap niya.

Fragile Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon