〔 CHAPTER FIFTEEN 〕

0 0 0
                                    

MADIA JESSELLE JAVIER

Sobrang sakit ng ulo ko at para itong hinahati sa gitna. Umayos ako ng pag-kakaupo sa aking kama at hinilot hilot ang aking ulo. Nalasing ba ako kagabi? Wala naman siguro akong masamang ginawa diba? Nakakainis! Hindi na talaga ako iinom ng whiskey grabe kung makalasing.

Nakarinig ako ng katok sa pintuan ng aking kwarto at iniluwa nun si Leo na may bitbit sa sopas. Lumapit ito sa direksyon ko at nilagay ang sopas sa mesa.

"Kumain kana, pang pa wala ng amats" natatawang sagot nito. "Hindi ko alam na umiinom ka pala"

Simaan ko lang siya ng tingin ng muli siyang tumawa. "Leo anong nangyari kagabi ng makauwi kami ni Hance?" Kunot noo kong tanong dahil wala talaga akong maalala bukod doon sa uminom ako sa casino. Umupo si Leo sa dulong parte ng kama at tinignan ako.

"Lasing na lasing ka kagabi ng iuwi ka ni Hance dito, halos hatakin ka niya dahil hindi kana makalakad ng maayos" saglit itong tumawa pero huminto rin. "Galit na galit si Hance dahil sinukahan mo daw siya at ang baho niya." Humalagapak ng tawa si Leo at napangiwi ako ng may pa hampas hampas effect pa siya sa kama.

Talaga bang sinukahan ko si Hance? Nakakahiya. Pero dapat lang yun sa kanya dahil ang sama sama ng ugali niya at makailang beses niya akong bwesitin, pasalamat siya suka lang ang ginawa ko at hindi ako nawala sa aking katinuan.

"Yun lang?" Nagtataka akong tumingin sa suot kong damit at doon ko napagtantong iba na ang suot kong damit sa suot ko kahapon, don't tell me? Na...

"Sino nagpalit ng damit ko?!" Taranta kong tanong at hinila ang kumot ko para takpan ang katawan ko kahit may suot naman akong damit.

"Si Hance"

What did he say?!

"Oh, kalma nagbibiro lang ako" parang sira to si Leo, mukha ba akong nagkikipagbiruan? "Si Manang nagpalit sayo"

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Leo, kung sakali man hindi ko matatanggap na si Hance ang nagpalit sakin matapos niyang sabihin na mukha akong walking stick at panget? Akala niya ba hindi ko naalala yun?!

"Alis nako" tumayo si Leo sa kama ko at tuluyang umalis sa kwarto ko.

Napasapo ako sa aking noo nang maisip ko na walang nangyaring maganda samin kahapon. Napangiwi nalang ako at sinabunutan ang aking sarili. Umalis na ako sa kama at kinain ang sopas na dala ni Leo kanina, medyo mainit init kaya natagalan ako sa pag ihip. Nang matapos akong kumain agad akong dumiretso sa banyo at binasa ang aking sarili, nakaramdam ako ng lakas na para bang bumalik ako sa dati. Ang lamig ng tubig at ang sarap maligo.

Matapos kong maligo sa banyo ay hinarap ko aking sarili sa isang malaking salamin at tinignan ang buo kong itsura, ang ganda mo talaga Madia. Ngumiti ako sa harap ng salamin at isa isang nag-suot ng saplot sa aking katawan. Lumapit ako sa lamesa at binitbit ang mangkok, dadalhin ko ito sa kusina. Habang nagsusuklay ako pababa ng hagdan agad kong nakita si Keil sa sala na nakatingin din sakin, nginitian ko siya. Mabilis pa sa alas kwarto kong inilapag ang mangkok sa kusina at dali dali akong pumunta ng sala, akala ko si Keil lang ang nandoon pero kompleto pala silang magpipinsan.

"Oh gising na pala yung lasing na lasing kagabi" natatawang saad ni Geo, hindi ko nalang pinansin ang pang-aasar niya at tinungo ang kinaroroonan ni Hance na masama ang tingin sakin.

Fragile Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon