MADIA JESSELLE JAVIER
"Ano pong sinasabi niyo na half binata at half dalaga?" Tanong ko kay chairman, bahagya naman siyang natawa sa tanong.
"Bakit ba kamo? Lesbian kasi siya. Her is name Jedieah. Jed nalang itawag mo sa kanya dahil ayaw niyang tinatawag siyang Jedieah dahil ang girly daw pakinggan" hindi na ako magtataka kung bakit naging tomboy ito, sino ba naman ang hindi magiging lesbian kung lumaki ka na lagi mong kasama ang pinsan mong lalaki.
"Daig pa niya kung kumilos ang mga pinsan niyang lalaki, mas lamang pa yung kilos lalaki niya kesa sa kilos babae. Burara siyang tao ang gaslaw ng kilos niya, isa lang talaga ang problema ko kay Jed ang pagiging tomboy niya. Hindi naman sa ayaw ko o hadlang ako pero matagal ko kasing hiniling na sana magkaroon ako ng babaeng apo ngunit nagkakamali pala ako kay Jed dahil lumaki siyang nagbibinata"
Natawa naman ako sa sinabi ng chairman dahil mukhang desmayado siya kay Jed pero ang alam ko kahit tomboy ka hindi mo pa rin maiwasang kiligin sa mga lalaki.
"At ang pinaka huli na talagang nagpapasakit sa ulo ko, Si Yohance Monreal ang pinaka matigas na ulo sa kanilang magpipinsan." Napatingin naman sa chairman dahil parang ayaw niyang magkwento tungkol kay Yohance, talaga palang masama ang ugali nito.
Bumuntong hininga si chairman at nagsimulang magsalita. "Sobrang sobrang tigas ng ulo niyan ni Yohance, hindi ko alam kung saan niya namana ang katigasan ng ulo niya. Lagi siyang nasasangkot sa gulo at away, bihira mo lang siyang makausap ng matino dahil madalas itong nakasigaw kung sumagot. Siya nga ang pinaka bunso pero daig niya pa si Leo sa sobrang katigasan ng ulo. Kung si Keil masama ang tabas ng dila, asahan mong mas masama at pinaka masamang tabas ang dila ni Yohance sa kanilang magpipinsan, hay nako." Muli akong natawa dahil wala man lang akong narinig na magandang papuri kay Yohance puro negatives ang naririnig ko, talagang napaka-demonyito ng lalaking yun.
"Sunod sa luho ang isang yan, lahat ng bagay gusto niya siya ang nasusunod. Hindi din siya tumatanggap ng pagkakamali niya, inshort isip bata."
"Hay nako iha, isa lang talaga ang masasabi ko sa kanilang magpipinsan. Mamamatay ata ako ng maaga sa pag-iintindi sa mga katarantaduhan nilang lima" hinilot naman ni chairman ang kanyang noo na mukhang na-stress sa pagpapaliwanag. Habang ako walang lumalabas na salita mula sa bunganga ko dahil hindi ko alam kung paano at saan ko sisimulan para mabago ang magpipinsang to, base pa lang sa kwento ng chairman ay parang umatras ang buntot ko.
"Nawa'y mabago mo sila iha" nakangiting wika nito. "By the way, what is your name iha?" Tanong ni chairman.
"Madia Jesselle Javier po" sagot ko naman.
"What a beautiful name, oh siya ihanda mo na ang sarili mo dahil dadalhin ka ni Secretary Lee sa sala kung saan madalas nakatambay ang magpipinsan"
Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila na ngayin ay may bago silang makakasama dito sa mansyon. Kinakabahan ako sa pwedeng itrato nila sakin, nako po.
Nakipag kamay muna ako kay chairman bago kami lumabas ni Secretary Lee sa opisina. Lumunok muna ako ng laway at kumuha ng lakas na loob, pinasok ko to kaya dapat ko itong panindigan.
Tahimik lang kaming naglalakad ni Secretary Lee at hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga gamit dito sa loob, talagang ang yaman ng pamilya nila. Napakagat ako ng marahas sa ibabang labi ko ng huminto kaming dalawa, mukhang nandito na kami. Dahan dahan kong iniangat ang aking ulo at doon ko na nasaksihan ng malapitan ang magpipinsan.
BINABASA MO ANG
Fragile Hearts (ON-GOING)
Romance〔 FRAGILE HEARTS 〕 There was a High School student named Madia Jesselle Javier works hard at her three jobs to earn money. Hindi niya nakilala ang kanyang Ina dahil sabi ng kanyang Ama ay namatay daw ito dahil sa isang liver cancer. Muling nag-asaw...