〔 CHAPTER THIRTEEN 〕

8 0 0
                                    

MADIA JESSELLE JAVIER

Pabagsak akong napaupo sa kama ko ng makauwi kami Leo, grabe kung kanina na pagpunta namin doon ay walang traffic ngayon ay sobrang traffic, rush hour kasi. Inalis ko sa paper bag ang binili kong libro at tska tinignan yun. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng gabing ito ay bukas kailangan kong sumabak sa isang pagsubok dahil bukas kailangan si Hance naman ang pakisamahan ko. Iniisip ko palang naiinis na ako dahil alam kong walang mangyayaring maganda dahil lagi siyang nakasigaw kung sumagot. Hindi ko alam kung paano ko siya i-aapproach dahil kung hindi naman siya nakasigaw ay hindi niya ako papansinin, nasstress ako.

Binuksan ko ang libro at binasa ang unang nakasulat doon. "It is 1939. Nazi Germany. The country is holding its breath. Death has never been busier, and will become busier sti---"

Muntik ko ng makalimutan na bago pala kami umuwi ni Leo kanina ay sinabi kong dumaan muna kami sa isang korean restaurant at nag order ako ng kimchi tofu strew dahil naalala ko yung sinabi ni Secretary Lee na paborito daw ito ni Keil. Nagtaka pa nga si Leo kung bakit daw ako bumili nun ang sagot ko lang ay kakainin ko siya.

Hindi ko alam kung bakit ako bumili ng ganto, gusto ko kasi na magpasalamat kay Keil pero bakit? Naguguluhan na ako sa sarili ko at hindi ko maintindihan. Isinara ko ang libro at inilagay yun sa may gilid ng kama ko dumiretso ako sa malaking salamin at inayos ang aking sarili. Grabe, ang putla ng labi ko at parang wala akong dugo. Hindi ko na pinansin ang sarili ko at lumabas ng kwarto habang dala dala yung supot kung saan nakalagay ang kimchi.

Luminga linga ako sa paligid pero hindi ko siya makita, siguro ay nasa sala sila ayun kasi ang madalas nilang gawin ang tumambay sa sala. Agad akong nagtungo sa sala at tama nga ang hinala ko kompleto silang magpipinsan dito. Nakita ko si Leo na nakaupo sa kabilang side ng sofa habang hawak hawak ang kanyang cellphone at ngiting ngiti pa ito, siguro ay nambababae nanaman ito. Si Geo naman ay busy sa kakapanood sa malaking tv pati na din si Jade habang si Hance ay masamang nakatingin sakin.

"Oy Madia!" Napahinto si Leo sa pagdutdot ng kanyang cellphone at tinawag ako para lumapit sa pwesto nila. Inilapag ko ang bitbit kong supot at inilagay iyon sa lamesa.

"Ano to?" Tanong ni Geo at tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Aagawin ko sana ang supot dahil nahihiya akong ibigay to kay Keil pero huli na ang lahat dahil kinalkal na ni Geo ang supot, napakalikot ng kamay.

"Woah! Kimchi Tofu strew ba to?" Hindi makapaniwalang tanong ni Geo habang tinitignan ang packaging nito. Nakita ko namang tumaas ang kilay ni Hance at parang iniisip na kung ano. "Sa pagkakaalam ko paborito to ni Keil" pang-aasar ni Geo at tinignan ako.

Napatingin bigla sa kanya si Keil.

"Para sa kanya ba to Madia?" Lalong lumapad ang ngisi ni Geo.

Hindi naman ako makasagot sa tanong ni Geo dahil lahat sila parang nag-aabang ng sagot ko kahit si Leo na kasama kong bumili. Ang alam niya kasi ang ako ang kakain nito at yun ang palusot ko sa kanya.

"A-ah o-oo" nahihiya kong sagot at ngumiti ng pilit.

"Teka? Akal---" bigla kong inapakan ang paa ni Leo dahil alam kong kokontra siya sa sagot ko at ayokong mapahiya sa kanila.

"I smell something fishy right here" biglang wika ni Jed habang nanonood ng tv pero hindi ito nakatingin samin.

"Yeah right" sagot ni Geo. "Oh! Para sayo daw yan" iniabot ni Geo kay Keil ang kimchi. Agad naman itong kinuha ni Keil at tinignan ako.

Fragile Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon