〔 CHAPTER TWELVE 〕

3 0 0
                                    

MADIA JESSELLE JAVIER

Napaupo ako sa kama nang mag-alarm ang cellphone ko. Panibagong araw nanaman at sigurado akong may gagawin na hindi maganda ang magpipinsan. Saglit kong kinuha ang aking cellphone at tinignan ang mukha ko sa screen nito. Nandito pa rin ang pasa pero hindi na siya ganun kalaki katulad kahapone dahil nilagyan ko ng yelo at ointment, gusto kong makita si Keil kaya talagang nag-alarm ako ng maaga. Ewan ko pero gusto ko siyang makausap. I don't know pero gustong gusto ko siya.

Agad akong pumasok sa loob ng banyo at nagsimulang paliguan ang aking sarili. Hindi ako nagtagal dahil baka hindi ko maabutan si Keil. Dali dali akong nagbihis at halos gawin ng takbo ang paglakad ko. Pumanhik ako sa baba at hindi pinansin kung sino man yung nakaupo sa sala habang nakatulala. Agad akong dumiretso sa likod ng mansyon at luminga linga sa paligid.

I saw Keil, kumakain siya mag-isa. Nahihiya akong lumapit sa kanya at tinignan kung paano siya kumain. Napatigil siya bigla at dahan dahang iniangat ang kanyang ulo.

"Andyan ka pala" hindi ko alam kung ano meron sa boses ni Keil, pero kapag naririnig ko yun natutuwa ako. Yung boses niya na malamig pero malalim, hindi ko maipaliwanag.

"Anong ginagawa mo dito?"

Seriously Madia? Malamang kumakain siya!

"Nothing" maiksing sagot nito. "Kumain kana?"

Dahil sa gusto ko siyang makita hindi na ako nag-abala pang pumunta sa kusina para kumain. Agad akong umiling sa kanya pero nagulat ako nang senyasan niya akong maupo sa harapan niya at ibinigay sakin yung lunch box niya. Ramdam kong namula ako sa ginawa niya at parang bigla ata uminit.

"N-nakakahiya" nauutal kong sagot pero mas lalo akong nagulat ng bigla itong ngumiti. Gusto kong tumili na ewan dahil..dahil ang gwapo niya kapag ngumiti siya at once in a blue moon lang siya kung ngumiti. Alam niyo ba yung feeling na tuwang tuwa ka kasi na hindi mo maipaliwanag?

Hindi ko malaman kung anong nangyayari sakin at hindi ko maintindihan ang sarili kong paliwanag, lagi nalang ganto kapag kaharap ko si Keil.

"Eat"

"Ah...salamat?"

Para akong mabibilaukan sa sunod sunod kong pagsubo dahil nakatingin lang si Keil at hindi gumagalaw. Naiilang ako sa kanya dahil ang lapit niya sakin at talagang titig na titig siya.

Nginitian ko lang siya ng iangat ko ang tingin sa kanya, para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig niya sakin. Kumabog ng malakas yung dibdib ko at parang may nag-uunahang mga kabayo. Malalim akong bumuntong hininga at uminom ng tubig dahil baka mabilaukan ako. Seryoso lang si Keil at kapag tinitigan mo ang kanyang mga mata para kang malulunod kaya iniiwasan ko yun.

"Kei---"

"Ehem!" May narinig kaming umubo kaya sabay kaming napalingon doon at nakita namin si Hance na sinisipa yung mga damo. Himala ang aga nagising nitong si Hance.

"Nakakabadtrip naman ang aga aga may bubungad na ganto" napahawak siya sa kanyang ulo at marahas iyong kinamot. Ano bang problema nito?

"Mauuna na ako" nabaling ang tingin ko kay Keil nang magsalita siya. Tumayo siya at kinuha ang lunch box sa harapan ko, hindi na ako nakapag salita pa dahil mabilis siyang umalis. Panira kasi tong si Hance eh.

Mula sa kinauupuan ko tinignan ko lamang si Hance na padabog na sinisipa yung mga damo, ang aga aga mainit ang ulo nito. Bigla kong naalala ang sinabi sakin ni Secretary Lee na hindi ganto si Hance dati at naghahanap siya ng kalinga ng isang ina. Bigla tuloy akong naawa sa kanya, kung ako nasa kalagayan niya siguro magiging ganyan din ako pero nagpapasalamat ako dahil ginabayan ako ni papa.

Fragile Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon