YOHANCE MONREAL
Hindi ako makatulog at paikot ikot lang ako dito sa kama. Hindi ko alam pero talagang naiinis ako dun sa babaeng yun simula nung nagkita kami sa fast food chain, kung merong love at first meron ding hate at first at yun ang nararamdaman ko kay madia. Simula ng dumating yang si Madia dito kada minuto nag-iinit ang ulo ko, alam niyo kung bakit? Ayoko kasi sa mga babae dahil na-trauma ako sa ginawa ng ex ko.
"Nakakainis talaga, nakakainis!" Kinuha ko ang unan at binato yun sa lapag. Ano ba kasing naisipan ng magaling kong Lolo para patirahin yung babae na yun dito.
Noong araw na nagkita kami madia sa fast food chain aminado akong lasing ako dahil sa ginawa ng ex ko at siya yung napagbuntungan ko ng galit. Walang araw na hindi nababadtrip sa loob ng mansyon na ito at mas lalo pa akong nabadtrip ng malaman ko na dito titira si Madia. Hindi naman siya kagandahan pero akala mo kung sino umasta, kayang kaya ko siyang palayasin dito sa mansyon mag-antay lang siya.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala, hindi ko alam kung asan yung iba kong mga pinsan. Nandito ako para magpalipas ng oras at sana walang madia na sumulpot dito dahil baka kung anong magawa ko sa kanya kahit babae siya. Habang nakaupo ako sofa napatingin ako sa kwarto ni madia at nakita ko siyang nakaupo sa kanyang kama pero nakatalikod ito sakin.
Isa pa sa mga kinaiisan ko na ang kwarti niya ay nasa tapat ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong trip ni tanda at doon siya nilagay. Kaya pala nung nakaraang may mga taong nag-aayos sa mismong kwarto na yan, ang akala ko lilipat ng kwarto si tanda pero yun pala para sa walang kwenta na babae na yan. Ang kapal ng mukha niya para tumira dito siguro pera lang ni tanda ang habol nito.
Maya maya pa ay nakita ko si Lee ang dakilang uto uto na napadaan sa harap ko at umakyat sa second floor, may dala dala itong sobre. Sinundan ko siya ng tingin at nagsalubong ang dalawa kong kilay ng kumatok siya sa kwarto ni madia. Wala akong sinayang na oras at muli akong umakyat para alamin kung ano meron. Namg maka-akyat ako nagkasalubong kami ng tingin ni madia at agad akong umiwas dahil umiinit nanaman ang ulo ko, pumasok ako sa kwarto at pinagbagsakan sila ng pintuan pero hindi ako tumuloy sa kama.
"Sa loob mo nalang yan buksan Jesselle" rinig kong sabi ni Lee. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nakita kong iniabot ni Lee ang sobre kay madia, biglang pumasok si madia at sinara ang pinto. Ano kayang laman ng sobreng yun? Damn it! I want to know it!
Sumapit ang gabi at hindi pa rin mawala sa isip ko ang binigay na sobre ni Lee kay madia. Napaka big deal nun sakin dahil ngayon ko lang nakita na nag-abot ng sobre si Lee.
'Ano naman ngayon kung magbigay siya ng sobre, anong pakialam mo?'
Damn! Nababaliw na ata ako.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa hagdan pero bago ako makababa sinilip ko yung kwarto ni Madia, transparent glass kasi ang wall ng kwarto niya kaya kitang kita mula dito sa baba. Pero walang madia akong nakita doon, where is she? Gusto ko siyang bwesitin.
"Yo, Dre!" Napatingin ako kay Geo na nakasalampak sa sofa. Ito talaga yung favorite spot ng gunggong na ito, hindi ko nalang siya pinansin at kinuha ang bottled water sa ibabaw lamesa. "Mukhang wala ka nanaman sa mood" muling sabi ni Geo habang naka-krus ang kanyang mga kamay.
"Anong bang pakialam mo?" Inis kong tanong, nakita ko naman siyang inimiran ako at humarap sa ibang direksyon.
Seryoso akong nakaupo dito at hindi ko alam ang gagawin, I'm so fucking bored. Ganto ang sitwasyon ko araw araw sa loob ng mansyon at isa yun sa mga kinaiinisan ko lalo na't hulyo ngayon at walang pasok sa skwelahan kaya talagang nakakapang-init ng ulo, wala man lang bago.
BINABASA MO ANG
Fragile Hearts (ON-GOING)
Storie d'amore〔 FRAGILE HEARTS 〕 There was a High School student named Madia Jesselle Javier works hard at her three jobs to earn money. Hindi niya nakilala ang kanyang Ina dahil sabi ng kanyang Ama ay namatay daw ito dahil sa isang liver cancer. Muling nag-asaw...