〔 CHAPTER FOURTEEN 〕

0 0 0
                                    

MADIA JESSELLE JAVIER

Maaga akong nagising dahil nakasanayan ko nang pumunta sa likod ng mansyon para makita si Keil pero ngayong araw ay parang wala akong gana. Nang makapasok ako dito kagabi sa kwarto agad akong naligo at nagbihis pagkatapos ay nagpahinga. Ayoko ng isipin pa ang ginawa ni Hance dahil it's not a big deal for me.

Ngayon ang araw kung saan kailangan kong pakisamahan si Hance sa buong maghapon. Hindi ko maimagine kung paano ko siya kakausapin dahil alam kong hindi kami magkakasundo. Nag-isip ako ng pwede kong gawin pero walang pumapasok sa isip ko, bahala na! Gagawin ko nalang kung ano ang dapat.

Muli, nag-ayos ako sa aking sarili bago pumanhik sa baba. As usual wala pa din sila at alam kong tulog na tulog pa sila, napapansin kong bihira ko nalang makita at makasama si Secretary Lee mukhang busy siya sa trabaho. Dumiretso ako ng kusina, walang tao pero may nakatakip sa lamesa at sigurado akong pagkain yun. Wala akong sinayang na oras at tahimik lamang akong kumakain habang nag-iisip isip ako ng mga bagay bagay, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na din ang pinagkaininan ko dahil nakakahiya kay Manang kung aasa ako palagi sa kanya. Nagtungo ako sa garden nitong mansyon at muli akong nag-ikot ikot doon, ito ang pangalawang beses ko na iikutin ang kabuuan ng garden. Tahimik lamang ang paligid at malamig ang klima. Napayakap ako sa aking sarili nang biglang humangin dahil ang lamig nito. Napangiti nalang ako dahil sa mga oras na to parang sandaling natanggal lahat ng problema ko, nakakagaan ng pakiramdam.

Napadako ang tingin ko sa isang malaking puno dito sa hardin dahil may nakaukit doon na kung ano. Pinuntahan ko iyon at tinignan ang mga ukit. Muli akong napangiti ng mabasa ko ang pangalan ng mag-pipinsan pati na rin ang pangalan ng kanilang Lolo siguro ay sila ang naglagay nito dito.

"Happy family" nakaramdam ako ng saya ng mabasa ko ang nasa baba ng mga nakasulat, sana bata nalang sila ulit.

Naagaw ng atensyon ko ang iba pang nakaukit sa puno.

"Yohance love Chantel"

Napakunot ang noo ko sa nabasa ko, sino si Chantel? Mukhang kababata ata nila ito pero bakit may love? Hindi kaya may gusto si Hance dito kay Chantel? Kung sabagay uso naman ang puppy love dati hanggang ngayon. Hindi ko nalang iyon binigyan pa ng pansin at naupo ako sa damuhan.

I don't know what to do, parang gusto ko nalang habang buhay na nakaupo dito at pinagmamasdan ang puting kalangitan. Kamusta na kaya si Ate Fe at Ate Aurora? Sana nasa mabuting kalagayan silang dalawa, simula kasi ng mawalan ako ng trabaho wala na akong balita sa kanila.

"Early bird"

Napalingon ako sa gilid ko ng may magsalita at laking tuwa ko naman ng bumungad sakin ang pagmumukha ni Keil.

"Hi? Good morning" nakangiti kong bati sa kanya.

"Good morning" pabalik na sagot nito. "How's your sleep?"

Lumapit ito ss kinaroroonan ko at sumadal siya sa malaking puno kaya magkatabi kami.

"Nakatulog naman ako ng maayos, ikaw?"

"Same as you"

Pagtapos ng usapang iyon ay nanahimik ang paligid. Tinanaw ko ang mukha ni Keil at diretso lang aking tingin nito sa kawalan parang may iniisip.

"Sorry for what Hance did" dahil dun napangiti ako. Talagang mabait si Keil siya pa ang humingi ng tawad para sa pinsan niyang walang modo.

"It's ok Keil" nakangiti kong sagot at dumiretso din ng tingin.

Fragile Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon