GEOVANNI MONREAL
Napatayo ako sa pagkakahiga ko ng makaramdam ako ng gutom. Minulat ko ang aking mga mata at tinignan kong anong oras na, alas dyes na pala ng umaga. Tumayo ako mula sa aking kama at nagtoothbrush sa banyo.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa pintuan may nakita agad ako na isang kapiraso ng papel na na nakadikit sa pader malapit sa hagdan, ano ba to? Tinignan ko iyon at binasa kung ano ano ang mga nakasulat.
"What?" Naguguluhang wika ko ng mabasa ang mga nakasulat, anong klaseng mga batas to? Sigurado akong pakana nanaman to ni Madia, natatawa nalang ako dahil alam kong wala namang susunod sa batas niya, poor Madia haha.
Kung saan saan ko nakikitang nakadikit ang mga papel kaya literal akong natawa, nagsasayang lang ng pagod tong si Madia kahit alam naman niya sa sarili niyang talagang mas matigas ang mga ulo namin kesa sa bakal.
"The fuck?!" Napalingon ako kay Hance na kinuha ang nakadikit na papel sa pader at naka-kunot ang noo nito habang binabasa ang mga nakasulat. Specially Hance hindi niya susundin yan dahil gusto niya siya nasusunod lagi, kawawang Madia.
Napailing iling nalang ako at nagtungo sa kusina pero pati sa refrigerator may nakadikit na papel. Ano bang trip nito ni Madia balak niya atang punuin itong mansyon eh. Tahimik lang akong kumakain mag-isa at nang matapos ako ay iniwan ko ito sa lamesa, never akong naghugas ng mga pinagkaininan sa tanang buhay ko.
Tumambad sakin sa sala si Hance, Jed at si Leo na mukhang nagtataka din sa mga nakadikit sa bawat sulok ng mansyon, you're crazy Madia haha!
"Sigurado akong si Madia gumawa nito" sabi ni Leo habang hawak hawak yung isang papel.
"Sino pa ba?" Walang ganang sagot naman ni Jed.
"Yo!" Masigla kong wika at lumundag sa sofa, muntik ko pang tamaan si Hance. Maya maya pa ay biglang dumating si Madia at kasunod niya si Keil. Alam niyo may nararamdaman akong kakaiba dito sa dalawang to, mukha silang love birds.
"Magandang umaga sa inyong lahat" napa-angat ang dalawa kong kilay ng batiin kami ni Madia. "Since nandito kayo lahat sasabihin ko sa inyo kung anong purpose ng mga papel na nakikita niyo sa bawat paligid" ito ang gusto ko kay Madia talagang gagawin niya lahat ng paraan para sa amin pero sorry siya hindi kami titino haha!
Lahat kami ay nakatingin lamang sa kanya na nakatayo sa mismong harapan naming lima bahagya pa akong natawa dahil mukhang hindi seryoso si Hance dahil nakatingin lamang ito sa ibang direksyon.
"Simula bukas kailangan niyong sundin ang lahat ng mga nakasulat at kapag hindi niyo sinunod ang mga yan" napatigil bigla si Madia at parang iniisip niya kung ano ang susunod niyang sasabihin. "Isusumbong ko kayo sa inyong Lolo" matapang na sabi niya, wews! Kapit kay Lolo.
"Seriously?" Natatawang sabi ni Hance at napatayo pa talaga sa kanyang upuan, ok! Mukhang magkakasagutan nanaman silang dalawa kaya gustong gusto kong lagi na nag-krukrus ang kanilang mga landas para akong nanonod ng isang teleserye.
"Mukha ba akong hindi seryoso?" Sagot ni Madia, ohh! Burn Hance, burn!
"Kung gusto mong sundin namin to, nguyain mo tong papel" ngising wika ni Hance. Woah! Kakainin daw yung papel, haha! Sige nga Madia kainin mo para sundin namin lahat ng batas mo.
BINABASA MO ANG
Fragile Hearts (ON-GOING)
Lãng mạn〔 FRAGILE HEARTS 〕 There was a High School student named Madia Jesselle Javier works hard at her three jobs to earn money. Hindi niya nakilala ang kanyang Ina dahil sabi ng kanyang Ama ay namatay daw ito dahil sa isang liver cancer. Muling nag-asaw...