〔 CHAPTER TWO 〕

4 0 0
                                    

MADIA JESSELLE JAVIER

Nagising ako sa ingay na naririnig ko mula sa mag-inang nasa labas ng kwarto ko. Rinig na rinig ko ang malakas na halakhakan ng dalawa kaya napaupo ako sa kama at kinusot kusot ang aking mga mata. Medyo kulang pa ako sa tulog dahil mag-aalas dos na ng madaling araw nang makauwi ako sa bahay dahil natagalan ako bago pumasok sa bahay dahil nilock ng step mother ko. Buti nalang ay tabi ng pintuan ang bintana namin kaya inabot ko yung doorknob at nabuksan ko naman siya.

Tumayo ako sa aking kama at tinupi ang kumot bago inayos ang mga unan sa kama. Napatingin ako sa aking cellphone at tinignan kung anong oras na. 10 palang pala ng umaaga, mamaya pang 12 ng tanghali ang pasok ko sa pizza hub. Kinuha ko ang aking suklay at brinush ang magulo kong buhok. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko yung mag-inang kumakain habang nanonood ng tv. Hindi nila ako pinansin at dumiretso ako sa lababo para mag-tooth brush.

Pagtapos kong magtooth brush nagtungo ako lamesa para tignan kung anong ulam ang meron pero pinalo ng step mother ko ang aking kamay. Natawa naman ang kanyang anak na babae.

"Sino nagsabi sayong kakain ka?" Masungit na sabi nito habang hawak hawak ko ang aking namumulang kamay.

"Hayaan mo na ma, pakainin mo yang babaeng yan" natatawang ngunit masungit na wika ng kanyang anak at uminom ng tubig.

"Oh sya sya, kakain ka pero hindi dito sa lamesa, kundi sa sahig"

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya at binuksan ko ang kaldero. Nakita kong puro sunog na kanin nalang ang natira kaya wala akong ibang nagawa kundi kunin iyon kesa naman sa magutom. Kumuha ako ng baso at kukuha sana ako ng tubig sa jag kaso walang laman iyon.

"Mag-igib ka mamaya Jesselle!" Sigaw ng step mother ko. "Uminom ka ng tubig galing sa gripo, kung ayaw mo mabilaukan ka sana" napapikit nalang ako dahil sa salitang sinabi niya sakin. Umupo ako sahig at binalatan ang saging, kahit ulam ay wala silang tinira sakin kaya itong saging na lamang ang iuulam ko.

"Jesselle bigyan mo nga ng pera si Kristine dahil wala siyang baon. Iyan kasing magaling mong Ama wala pang pinapadala" sigaw ng step mother ko mula sa lamesa. Hindi nalang ako sumagot at kumain na lamang, medyo masakit sa lalamunan kapag nilulunok siya dahil sa tigas at sunog na kanin pero tiniis ko nalang iyon, hindi rin sunod sunod ang pagsubo ko dahil baka mabilaukan ako.

Nang matapos ako nakita kong iniwan ng mag-ina ang kanilang mga pinagkainan sa lamesa kaya niligpit ko ito at dinala sa lababo. Ngumiti ako ng may konting tubig sa baso ni Kristine kaya agad ko iyong ininom at dumighay ako. Hinugasan ko ang mga plato sa lababo at sinabon iyong maigi pagkatapos ay binitbit ko iyong jag palabas ng bahay at dinala sa malapit na water station malapit dito samin.

Bigat na bigat kong bitbit ang jag dahil puno ito ng tubig muntik ko pa itong nabitawan buti nalang ay naagapan ko. Nagpunas ako ng kamay at bumalik sa kwarto ko para mag-ayos dahil papasok na ako sa pizza hub, sa totoo lang hindi ko talaga ito kwarto isa itong bodega at yung kwarto ko ay ginawang kwarto noong step mother ko para kay Kristine.

Nang matapos ako sa lahat lahat ay isinakbit ko sa aking balikat ang aking bag at inilabas ang aking wallet. Kumuha ako ng isang daan mula sa ipon ko at iniwan sa lamesa. Ito ang magsisilbing baon ni Kristine para sa pagpasok niya, magsisikap nalang ako para mapalitan ang isang daan ko. Lumabas na ako ng bahay at muling sumakay sa maliit kong motor.

Bago ako makarating sa pizza hub natanaw ko agad si Ate Fe na nasa labas at may hawak hawak na maliit na notebook, siguro ay listahan yun ng pangalan at number ng mga costumer namin.

Fragile Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon