〔 CHAPTER NINE 〕

0 0 0
                                    

MADIA JESSELLE JAVIER

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napabalikwas ako ng higa sa kama at dali daling tinignan ito. Akala ko may nagtext o tumawag yun pala notification lang galing sa TIS, naka-like kasi ako sa page nila para lagi akong updated.

Ito yung school na pinapangarap ng lahat Kasi ayon sa mga naririnig ko maganda daw doon at tska sa pagkakatanda ko noong bata ako nakwento sakin ni papa na doon daw nakapag tapos si mama kaya talagang nagkaroon ako ng interes sa TIS kaso ang mahal ng tuition nila, umaabot ng 90 thousand bukod pa doon yung miscellaneous fee.

Nag-scroll ako at nagbasa sa bagong update nila at ayun dito pwede na daw mag-enroll sa mga mag-cocollege, mayroong ding online registration para makapag-serve ka ng slot. Second week ng August ang pasukan at ngayon na ang huling linggo ng July kaya meron pa akong one week para makapag-ipon ipon.

Napabuntong hininga ako ng mabasa kung magkano lahat ang mababayaran mo, halos 90k at kasama pa doon yung miscellaneous na 3000 pesos dibale 93k ang kinakailangam ko pero wala pa sa kalahati ng ipon ko, napasabunot naman ako aking sarili.

Tinabi ko nalang ang aking cellphone at nagmuni muni. Bigla kong naalala yung inasta ni Hance kagabi galit na galit siya kay Keil at mukhang hindi sila magkasundo. Talagang may sapak sa utak yung isang yun, pati ba naman yung ganung bagay pinapakielaman niya? Isip bata talaga. Tumayo na ako sa kama at dumiretso sa banyo para maligo, 7:30 na ng umaga pero sigurado akong tulog pa ang magpipinsan.

Kagabi ko pa iniisip yung plano ko at kung sino ang uunahin ko, pero naisip ko na mas magandang unahin ko nalang si Jed dahil mukhang magkakasundo kami kasi kahit papaano parehas kaming babae.

Nang matapos akong maligo nagsuot lang ako ng simpleng damit na galing sa closet at pumanaog sa first floor. Kaso wala parin yung magpipinsan at tulad ng inaasahan ko tahimik ang paligid. Nagbabasakali ako na nasa garden si Keil upang mag-ehersisyo pero ni anino ni Keil wala akong nakita, mukhang tapos na siya at nahuli ako, sayang. Gusto ko sana siyang kausapin tungkol kay Hance.

Naisipan kong maglakad lakad sa paligid ng mansyon upang pangpalipas oras, aantayin ko nalang magising si Jed at doon ko uumpisahan ang misyon ko.

Talaga pa lang napakalaki ng mansyon at ekta ektarya ang distansya hindi na ako magtataka kung bakit maraming business ang hawak ni chairman ngayon, sana tulad nalang din nila ako.  Pag nakita mo ang garahe nila talagang mabibilib ka dahil ang daming mga iba't ibang klase ng sasakyan at motor, grabe.

Mula rito sa labas makikita mo yung bintana ng kwarto ni Hance pero nung tinanaw ko wala akong nakita kundi kurtina at nakapatay pa ang ilaw ng kwarto niya.

"Boring naman" sambit ko sa aking sarili at sinipa yung bato malapit sa paanan ko.

"Magandang umaga"

Napalingon ako sa aking likuran ng may marinig akong bumati sakin at tumambad sakin si Secretary Lee.

"Ay, magandang umaga din" pabalik na bati ko sa kanya at ngumiti. Habang nakatingin ako sa kanya may bigla akong naisip, bakit hindi ko kaya sa kanya itanong ang tungkol sa magpipinsan? Natural may alam siya dahil mukhang matagal na siyang naninilbihan sa pamilyang monreal, para kung sa ganun ay hindi ako mahirapan.

"Ah, Secretary Lee pwede po bang magtanong?" Nahihiyang tanong ko.

"You're asking right?" Natatawang sabi nito kaya napangiwi ako, tama naman siya nagtatanong na nga ako.

Fragile Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon