MADIA JESSELLE JAVIER
Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa malaking pasa nito. Nagkaroon siya ng pasa dahil sa ginawa ni Hance. Hindi ko aakalain na ganun pala kahigpit ang paghawak niya sa pisngi ko kaya nagkapasa. Napabuntong hininga nalang ako at kwenistyon ang aking sarili, ano ba kasing ginawa ko sa kanya?
Buti nalang ay naging maayos na ulit yung paglakad ko dahil ipinahinga ko lang ito although kumikirot pa rin ang aking tagiliran pero hindi ko nalang binigyan pansin. Kanina bumaba ako para kumuha ng ice cubes sa fridge para ilagay sa pisngi ko pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Hance, ayokong isipin pa siya dahil madami na siyang atraso sakin pero hindi ko mapigilan. Gustuhin ko mang gumanti pero hindi dapat dahil nasa pamamahay ako ng mga Monreal at apo siya ni chairman.
Muli akong napabuntong hininga habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon sa salamin, napapansin ko nitong mga nakaraang araw na panay nalang ang pagbuntong hininga ko. Kailangan kasi yun para hindi ako mapuno at magalit, hahabaan ko pa ang pasensya ko. Inayos ko ang aking sarili at hinawakan ang pasa sa aking pisngi, sana mawala kana agad.
"Hi Madia!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Geo sa gilid ko nang makababa ako sa first floor.
"Hello" nakangiting sagot ko sa pagbati niya.
"Siya nga pala Madia, ok kana ba?" Nag-aalalang tanong nito at sinuri ako sa aking mukha. Dali dali ko namang tinakpan ang pasa para hindi niya makita.
"Ah o-oo, ok na a-ako" pilit akong ngumiti sa kanya.
"Bakit mo tinatakpan yan?" Nagtatakang tanong nito at akmang aalisin ang kamay ko pero agad akong umatras para hindi niya maabot.
"H-ha? A-anong tinatakpan? Hindi n-naman" pagsisinungaling ko at tumingin sa ibang direksyon. Bakit ba kasi ang daming napapansin nitong si Geo? Hindi nalang siya manahimik.
"Ewan ko sayo Madia" napangiwi naman siya bigla. "Ay Madia pwede pautos?" Nahihiyang tanong nito at parang nag-aalangan pa.
"Ano yun?"
"Pwedeng pakuha ako ng juice?" Nahihiyang tanong nito. Tumango tango naman ako at nagtungo sa kusina. Pagpasok ko ay walang katao tao sa loob, buti naman. Kumuha ako ng ready to drink na juice at isinalin yun sa baso. Pero maya maya bigla nanamang sumulpot si Geo sa gilid. Ano bang problema nito?
"Nagbago na isip ko Madia, ayoko na pala niyan" nagkunot naman agad ang noo ko sinabi niya.
"Pero sayang"
"Sige na nga, akin na yan" natatawang sagot nito.
"Sig---"
Nanlaki ang dalawa kong mga mata ng ibuhos yun ni Geo sa ulo ko at napunta sa puti kong damit. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong ngising ngisi siya.
"Sabi ko kasi sayo na nagbago na isip ko, ang kulit mo kasi eh" nakangising sabi nito at may halong pang-aasar.
Napakagat ako sa ibaba kong labi at napapikit. Kumalma ka Jesselle juice lang yan, wala nanamang magawa yan si Geo. Nagulat siya ng ngitian ko siya na para bang wala lang sakin yung ginawa niya.
"W-why are you smiling?" Nakabusangot ang mukha nito at para bang naiinis dahil hindi siya nagtagumpay sa pang-iinis niya sakin.
BINABASA MO ANG
Fragile Hearts (ON-GOING)
Romance〔 FRAGILE HEARTS 〕 There was a High School student named Madia Jesselle Javier works hard at her three jobs to earn money. Hindi niya nakilala ang kanyang Ina dahil sabi ng kanyang Ama ay namatay daw ito dahil sa isang liver cancer. Muling nag-asaw...