〔 CHAPTER SEVEN 〕

1 0 0
                                    

MADIA JESSELLE JAVIER

Naalimpungatan ako dahil sa lamig na dinudulot ng aircon. Hindi kasi ako sanay sa aircon, madalas ay nilalamig ako o kung di kaya ay nasusuka. Gusto ko sanang hinaan ang aircon kaso hindi ko naman alam kung papaano, baka masira ko lang siya. Napaupo ako sa kama at kinuha ang aking phone na nakatapong sa maliit na shelve. Mag-aala sais pa pala ng umaga, nanlumo lang ako dahil wala man lang akong natanggap na kahit anong text at tawag mula kay papa at sa mga kaibigan ko. Bumuntong hininga ako bago tumayo sa kama at inilagay sa aking bulsa ang phone. Lalabas muna ako kwarto dahil nagugutom ako at tska gusto ko ding mag-ikot ikot dito sa mansyon.

Buti nalang kamo kahapon ay nadaanan namin ni Secretary Lee yung malaki nilang kitchen bago kami nakarating sa sala kaya hindi na ako mamamali ng daan. Pagbukas ko ng pintuan nakita kong sarado pa ang pintuan ng kwarto ni Hance na ipinagpasalamat ko. Bumaba ako sa first floor at napaka tahimik ng buong mansyon siguro ay tulog pa sila, gising mayaman kasi. Agad akong nagtungo sa kitchen nila at doon ko nakita na may tao sa loob. Siya yung matandang babae na naghatid sakin ng masusuot.

"Magandang umaga po" nakangiti kong sabi, bigla naman siyang napahinto sa kanyang ginagawa at tinignan ako.

"Ang aga mo atang nagising" natatawang sabi nito sakin at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"Hindi po kasi ako sanay na matulog ng matagal" totoo naman kasi yun, bihira lang ako magkaroon ng mahabang tulog. Kapag na-late lang ako ng uwi sa trabaho ay doon ako nakakatulog ng matagal pero madalas akong magising ng maaga dahil sa gawaing bahay.

"Ganun ba? Yung mga apo kasi si Don Ismael ay mga tulog mantika bukod nalang kay Keil na maagang nagigising para mag-ehersisyo"

Hindi na ako magtataka pa sa magpipinsan kung bakit tulog mantika sila, halata namang tamad sila. Pero ang aga aga at bungad agad sakin ni Manang ang pangalan ni Keil, humahanga tuloy ako sa kanya.

"Siya nga pala may ham at itlog dyan sa ibabaw ng mesa, kumain kana" wika nito kaya dumiretso ako sa sinabi niyang lamesa at nakita ko nga ang sinasabi ni Manang.

"Mukhang masarap to, halika Manang samahan ko akong kumain" pang-aalok ko sa kanya ng makaupo ako pero umiling lang ito.

"Nako iha salamat pero tapos na akong kumain" nakangiting wika nito sakin.

"Ay ganun po ba. Salamat po dito" sagot ko at hindi ko na siya inistorbo pa sa kanyang ginagawa.

Nang matapos akong kumain ay iniayos ko ang mesa ngunit pinigilan ako ni Manang at sabi niya sakin ay siya na daw ang gagawa nun. Nakakahiya naman dahil para akong ibang tao, ako lang to. Hinayaan ko nalang si Manang sa ginawa niya at nilisan ko ang kitchen. Napag-desisyunan kong pumunta sa parteng likod nitong mansyon kung saan makikita mo ang malawak nilang garden. The house itself is surrounded by a tranquil garden, with various flowers, a long pond including a small waterfall and various rock formations.

Napadako ang tingin ko sa lalaking kasalukuyan na tumatakbo at may suot suot na headphones. Siya ang lalaking hinahangaan ko sa kanilang lima, si Keil. Mukhang tama si Manang dahil maagang nagigising si Keil para mag-ehersisyo, hindi na ako magtataka kung bakit maganda ang hubog ng katawan niya.

Umupo ako sa bench at pinagmasdan lamang siyang tumakbo ng paulit ulit na mukhang nakakalimang laps na. Hindi niya ata ako napapansin dahil naka-focus siya kanyang pagtakbo at halatang ini-enjoy niya yung kanyang pinapakinggan sa kanyang headphones. Mukha talagang mabait itong si Keil dahil wala pa akong nakikitang masamang ugali sa kanya hindi katulad ni Hance na nuknukan ang sama ng ugali akala mo kung sino. Pansin ko din na parang ilang si Keil at hindi sanay na makipag-usap, kaya siguro siya sa umalis kahapon sa sala dahil mukhang ayaw niyang maingay na paligid.

Fragile Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon