MADIA JESSELLE JAVIER
"Ok ka lang ba Jesselle? Kanina ka pa tulala dyan" saad ni Ate Fe na pilit inaagaw ang atensyon ko. Simula ng pumasok ako ay ganito nako dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko makalimutan ang ginawa niya. Sabihin nating mababaw lang yun pero para sakin sobrang sakit nito.
Nakaupo lamang ako sa isang upuan habang nakabusangot ang aking mukha at nakapangalumbaba. Hindi ko ipinaalam kay Ate Fe ang nangyari kahit siya ang madalas kong sinasabihan ng aking mga problema kaya siya ay clueless na nakatingin sa aking mga mata.
"Kumain kana ba Jesselle?"
Hindi ko mapigilang hindi umiling dahil hindi pa naman talaga ako kumakain. Kasi walang kanin, ulam at tubig na tinira ang mag-ina kaya napilitan akong pumasok ng walang kain. Nakwento ko na din minsan ang mag-ina kay Ate Fe, nag-alok pa nga ito na ampunin nalang niya ako kaso hindi ako pumayag dahil hindi alam ni papa.
"Ito Jesselle kumain ka ng mabuti para bumalik ang lakas mo" ngumiti ako ng hilaw kay Ate Fe nang ilagay niya ang tray na may lamang pagkain sa lamesa.
Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil imbis na magsipag ako sa trabaho ay heto ako at daig ko pa ang may-ari ng pizza hub. Siguro ay mas dodoblehin ko nalang yung sipag ko bukas, babawi ako kay Ate Fe.
Hindi naman kasi talaga normal na bigla ka nalang hampasin at paliguan ng pera sa harap ng maraming tao. Ano nalang ang sasabihin nila sakin? Na mukha akong pera or worst isa akong bayarang babae.
Naubos ang oras ko sa kakamukmok ko dito sa lamesa may iilan pang tao na pinagkakamalan akong costumer kasi wala akong kasama sa lamesa. Kinausap na din ako ni Ate Fe na ayos lang daw sa kanya, mas mainam nga daw ito dahil nakapagpahinga ako. Babayaran niya pa din naman daw ako kaya ako todo hingi ng patawad.
Kinuha ko ang aking motor sa gilid ng pizza hub at pinaandar iyon patungong botique. Hindi pa ako nangangalahati sa pagdradrive ng biglang bumalik ako sa sarili kong wisyo dahil may nakita akong isang matandang lalaki na nagcecellphone habang tumatawid sa kalsada.
Nanlaki ang dalawa kong singkit na mga mata nang makita kong nag 'go' signal kaya dali dali akong bumaba saking motor at hindi ko alam kung saan ko ito ipinarada ng maayos basta ang alam ko ay tumakbo ako sa kinaroroonan ng matanda at marahas siyang tinulak bago pa man siya mabangga ng malaking truck.
Ininda ko ang sakit ng aking siko dahil medyo nagasgas siya sa pagsubsob namin sa semento. Bakas sa mukha ng matanda ang pagkagulat at tinignan ang malaking truck na nilagpasan lamang kami. Tumayo ako mula saking pagkakaupo at tinulungang tumayo ang matandang lalaki.
"Maraming salamat, iha"
Halos parang malagutan ako ng hininga ng mapagtanto ko na ang matandang lalaki sa harapan ko ay walang iba kundi ang Chairman ng Nobenmisa Organization, si Don Ismael. Nakangiti ito sakin at sinuri ako mula paa hanggang ulo. Hindi ako nag-atubiling yumuko upang magbigay galang ngunit tumawa lamang ito sa ginawa ko. Laking pasasalamat ko ng wala masyadong tao dito sa lugar dahil sigurado ako na kung hindi ngayon ay bukas laman na sa mga headlines ang nangyari ngayon kay Don Ismael. Pero nagtataka ako kung bakit siya naglalakad mag-isa nang walang kasama, diba mayaman siya? Edi dapat naka-kotse siya at hindi naglalakad.
"Maaari mo ba akong samahan sa aking opisina? May gusto lang sana akong ialok sayo bilang pasasalamat"
"N-nako po wag na kasi hindi naman po ako humihingi ng kapalit" wika ko at kinakabahang ngumiti.
"Samahan mo na ako iha, kahit sandali lamang" sagot nito at hindi ko naman mapigilang hindi tumanggi dahil sa maamong mukha ng matanda.
Wala akong nagawa kundi sumama at sumunod sa matanda, alam ko naman sa sarili kong wala siyang gagawing masama sakin dahil siya ang Chairman. Huminto kami sa tapat ng isang itim na kotse at kung hindi ako nagkakamali ay isa itong lamborghini veneno. Pinauna niya akong pumasok sa loob bago siya sumunod. Nang makapasok ako sa loob ay may nakita akong isang lalaki na naka-suit at nagtama ang paningin namin sa front mirror ng kotse, siguro ay nagtataka ito kung sino ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/220118771-288-k439408.jpg)
BINABASA MO ANG
Fragile Hearts (ON-GOING)
Romance〔 FRAGILE HEARTS 〕 There was a High School student named Madia Jesselle Javier works hard at her three jobs to earn money. Hindi niya nakilala ang kanyang Ina dahil sabi ng kanyang Ama ay namatay daw ito dahil sa isang liver cancer. Muling nag-asaw...