MADIA JESSELLE JAVIER
Triny kong buksan ang cellphone ko kasi baka hindi na gumana pero bigla naman siyang umilaw kaya napangiti kaso hirap na akong makabasa at makapag type dahil yung basag ay nakaharang sa gitna.
"Ano ba yan" nalulungkot ako na may halong inis. Dapat pala hindi ko nalang pinahiram kay Jed yung cellphone ko kung alam ko namang full storage na pero hindi ko naman kasi alam na iinstallan niya daw mobile legends kaya ayun ang resulta, nabasag at nahihirapan tuloy ako ngayon.
Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto ko habang pinagmamasdan ang cellphone kong basag. Matagal na to sakin at bigay pa to ni papa kaya medyo may kalumaan na at madalas mag-lag pero kahit papaano ay nagagamit ko naman pang-kumonikasyon pero ok lang, nangyari na eh.
Hindi ko pa nakikita si Keil mula kaninang umaga, umalis kasi siya ganun din si Hance. Mabuti nga na ganun dahil baka mag-away nanaman kami ni Hance. Gabi na pero hindi pa din sila umuuwi, saan kaya nagpunta yung dalawa. Maya maya pa ay may narinig akong kalabog sa baba kaya napaharap ako transparent wall ng kwarto at sinilip kung anong meron.
Nakita ko si Hance na mukhang lasing na lasing, gulo gulo ang buhok nito at hindi na maayos ang suot na damit. Kita mo tong isang to may gana pa talaga siyang mag-inom? Eh kung nag-stay nalang siya dito sa bahay at tumulong sa gawaing bahay edi sana may nagawa pa siyang tama kesa magpaka lunod sa alak. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bumaba ako sa first floor, gusto ko kasi siyang tulungan at alalayan.
"Hance!" Tawag ko sa kanya at napalingon siya sa gawi ko. Kitang kita ko sa mga mata niya inaantok na siya at parang pagod na pagod. "Ano nanamang trip mo?" Tanong ko sa kanya at lumapit pa sa kanya. Ang baho niya, amoy na amoy ko yung alak dahil mukhang natapon sa damit niya at amoy sigarilyo din siya.
"Sumagot ka" mahinahong saad ko pero tinignan niya lang ako, tinging parang may binabalak at hindi ko gusto yun.
"Magpahinga ka na sa taa---"
Ganun nalang ang taranta ko ng hinawakan niya ako sa aking magkabilaang pisngi at pinagmasdan niya ako sa mga mata ko. Bigla akong kinabahan, gusto kong kumalas sa kanya pero malakas siya at halatang lasing na lasing na.
"A-ano bang g-ginagawa mo?" Naiinis kong sabi at pilit siyang kinakalas pero ayaw talaga.
"B-bakit k-ka ba...ba k-kasi n-nandito h-ha?!" Pasigaw nitong sabi habang dumidiin ang hawak niya sa pisngi ko.
"Aray! Nasasaktan ako!" Ang higpit ng pagkakahawak niya sakin at nasasaktan ako.
"A-alam k-ko na...mang p-pera l-lang ang ha...bol m-mo!" Galit na wika nito at this time lalong humigpit ang hawak niya sa pisngi ko pero isang kamay nalang. Marahas niya akong hinawakan sa aking baba at itinaas ang ulo ko kaya nagtama ang paningin namin.
"Hance?! Ano ba! Nasasaktan ako!" Sigaw ko at pilit inaalis ang kamay niya pero hindi ko kaya, ang sakit na!
"Dre!" Sigaw ni Leo at nagmamadaling bumaba sa hagdan, kasunod nun si Geo at Jed. "Bitawan mo!" Natatarantang sabi ni Leo pero ayaw bumitaw sakin ni Hance, pati si Geo at Jed nakitulong na rin.
Maya maya ay bigla nalang bumagsak sa sahig si Hance at hawak hawak nito ang kanyang panga na sinuntok ni Keil. Nakahinga ako ng maayos dahil natanggal din ang kamay ni Hance sakin pero nagulat ako ng suntukin ni Hance si Keil sa mukha.
BINABASA MO ANG
Fragile Hearts (ON-GOING)
Romance〔 FRAGILE HEARTS 〕 There was a High School student named Madia Jesselle Javier works hard at her three jobs to earn money. Hindi niya nakilala ang kanyang Ina dahil sabi ng kanyang Ama ay namatay daw ito dahil sa isang liver cancer. Muling nag-asaw...