〔 CHAPTER FOUR 〕

2 0 0
                                    

MADIA JESSELLE JAVIER

Habang nagdradrive ako ay hindi ko talaga maiwasang kutuban ng hindi maganda. Kahapon ko pa ito nararamdaman at sigurado akong hindi na ito dahil sa pagod ko.

Natanaw ko ang isang malaking truck sa tapat pizza hub at may iilang tao na hinahakot ang mga gamit at nilalagay sa loob truck. Binilisan ko ang aking pagdradrive at hindi na ako nagsayang ng oras para magparada at agad na hinanap si Ate Fe. Ano bang nangyayari? Bakit nila hinahakot ang mga gamit.

"Ate Fe!"

Nakita ko si Ate Fe na malungkot at namumugto ang mga mata na nakatingin sakin nang tawagin ko siya.

"Ano pong nangyayari? Bakit nila kinukuha ang mga gamit?" nag-aalala kong tanong. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Ate Fe at umiyak siya sa balikat ko.

"J-jesselle n-namatay ang anak ko" mas lalo siyang umiyak. "Kaya kailangan kong umuwi ng probinsiya dahil doon ililibing ang anak ko at kailangan kong magtayo doon ng negosyo para makatulong sa aking pamilya"

Naawa ako sa kalagayan ni Ate Fe dahil sa totoo lang mabait siyang tao para magdusa nang ganto. Minsan niya na ding nakwento sakin ang anak niya na laging hindi nawawala sa honors kaya laging ganado magtrabaho si Ate Fe. Iisa lang ang kanyang anak at meron siyang asawa na may sakit sa paa kaya hindi na ito nakakapagtrabaho kaya kailangan kumayod ni Ate Fe para kumita.

"Pasensya kana Jesselle pero isasara ko na ito"

Masakit man para sakin dahil matagal ko ding nakasama si Ate Fe at parang siya ang nagsilbing Ina para sakin at masakit dahil mawawalan na ako ng isang trabaho. Pero wala akong ginawa kundi tanggapin na lamang dahil naiintindihan ko ang kalagayan niya.

"Ok lang po Ate Fe, wag na po kayong malungkot" nakangiti kong wika at ngumiti din siya pabalik sakin.

Bumuntong hininga ako nang makita ang buong pizza hub na walang kagamit gamit sa loob at parang inabandona ng isang taon. Nasaktan ako ng makitang dahan dahang isinara ang pizza hub at naglagay ng karatulang 'for sale'. Ngumiti lamang ako ng hilaw at inalalayang makasakay si Ate Fe sa loob ng truck. Halatang malungkot ito sa nangyari pero nagawa niya pang ngumiti sakin.

"Maraming salamat sa lahat Jesselle, hanggang sa muli nating pagkikita"

Parang gusto kong maiyak sa nangyayari pero ngumiti na lamang ako at isinara ang pintuan ng truck. Pinagmasdan ko na lamang ang papaalis na truck habang dala dala nito ang lahat ng gamit sa pizza hub. Nagpapasalamat ako dahil hindi kinuha ang motor na binigay sakin ni Ate Fe, tanging ito nalang ang natirang remembrance niya sakin.

Ngayon ay wala na ang pizza hub at kailangan kong maghanap ng trabahong ipapalit. Pinasadahan ko muna ng tingin ang pizza hub bago ako sumakay sa aking motor at umalis.

Ipinarada ko ang aking motor kung saan ko ito ipinarada kahapon para madali ko siyang makita. Binitbit ko ang aking bag at inalagay ang susi sa aking bulsa.

Naglakad na ako patungong botique pero nakita ko si Ate Aurora sa labas na tila ba may inaantay kaya pinuntahan ko siya sa kanyang kinaroronan.

"Oh Ate Aurora bakit nandito ka pa sa labas?" Tanong ko pero malungkot na mukha lamang ang ipinakita nito sakin at tinignan ang botique kaya napatingin din ako doon. Nakita kong nakasara ang botique at naka-lock.

"Anong meron bakit sarado ang botique ngayon?" Tanong ko dahil araw araw bukas ang botique na ito. Walang araw na hindi nagbubukas ang botique bukod na lamang kung may masamang panahon pero bumuntong hinginga si Ate Aurora at hinawakan ang dalawa kong mga kamay.

"Simula ngayon ay magsasara na ang botique"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, bakit magsasara ang botique? eh malakas naman kita nito.

Fragile Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon